Chapter 4.2 - Curious

1147 Words
"THANK you for coming with me," pagpapasalamat ni Ate Chloe nang ibaba ko na siya sa harapan ng kompanya ng mga Montealegre. I smiled at her. "You're welcome, Ate Chloe. "Sigurado ka bang hindi ka na papasok pa sa loob?" "Oo, hindi na. Babalik na rin ako sa coffee shop." "Okay. Take care." Isa pang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya bago iminaobra na ang sasakyan paalis sa kompanya. Nang nasa kalagitnaan na ng byahe pabalik ng coffee shop ay in-on ko ang radio dahilan para magkaroon ng buhay ang loob ng kotse. Mahina akong sumasabay sa musika habang abala sa pagmamaneho. Minsan ay sumasabay pa sa beat ng kanta ang ulo ko, marahang gumagalaw. Gano'n ang nangyari sa buong byahe ko bago nakarating sa coffee shop. "Ma'am Belle, welcome back po!" Ngumiti ako sa empleyado kong sumalubong sa akin. Naglilinis siya ng lamesa, pero nang makita ako ay agad 'yon tinigilan para lang batiin ako. "Kumusta kayo rito?" tanong ko. Ngumiti ito. "Wala naman pong problema, Ma'am Belle. Ayos lang po ang lahat." Tumango-tango ako sa nalaman. "That's good to hear. Mayamaya, mag-lunch na kayo. Isara nyo na lang muna ang shop." Aalis na sana ako sa harapan niya nang muli niya akong tawagin na siyang kumuha ng atensiyon ko. "Ma'am." "Yes?" "Mag naghihintay po pala sa pagdating mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero nang inguso niya ang isang gawi ng shop ay naintindihan ko na ang tinutukoy niya. Napalunok ako at mabilis na inayos ang sarili. Pinasadahan ko pa ng palad ang damit para matanggal ang kaunting gusot nito. Nang sa tingin ko ay presentable na ako, saka pa lang ako naglakad patungo sa gawi ni Drake. "Drake?" tawag pansin ko sa kanya nang makalapit na sa table niya. Abala siya sa laptop niya kaya hindi pa ako napapansin. Pero nang marinig na ang pagtawag ko sa kanya ay mabilis na umangat ang tingin niya sa akin. Bumakas ang gulat sa mukha niya, pero mabilis din itong nawala at malawak na ngumiti sa harapan ko. "Belle, nandito ka na pala." Tanging ngiti lang ang tinugon ko sa sinabi niyang 'yon at naupo na sa kaharap niyang upuan. "Hinihintay mo raw ako?" "Yes. May ipapakita sana ako sa 'yo." Sa tinuran ay mabilis niyang iniharap ang laptop niya sa akin. Agad akong namangha nang makita kung anong mayroon dito. "You already posted it?" hindi ko makapaniwalang sabi. He nodded his head. "Yeah." Saglit siyang may kinalikot sa laptop niya bago ito muling iniharap sa akin. "At tingnan mo ang mga feedback na nakuha natin, lahat ay magaganda." Itinuon ko ang mata sa screen ng laptop para basahin ang mga feedbacks na naroroon. Kahit kaka-publish pa lang nito twelve hours ago, marami na agad ang nakakita at nag-comment. "Kagabi ko pa sana gustong ipakita sa 'yo 'to, pero gabi na. Kaya ngayong araw na lang kita pinuntahan dito," ani Drake. Seryoso ako nang magbaling na ng atensiyon sa kanya. Ilang saglit ko rin siyang pinakatitigan bago ngumiti sa harapan niya. "Thank you," puno ng sinseridad kong sabi. Bahagya siyang natigilan. Mukhang hindi inaasahan 'yon. "Magandang exposure ito para sa coffee shop ko," dagdag ko sa sinabi. Napalunok ako nang mapansing titig na titig siya sa akin. Tila ba minememorya ang bawat detalye ng mukha ko. "Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo. You let me feature your shop in my blog." Hindi ko alam ang dapat itugon sa kanya dahilan para manatili akong tahimik. "You know what," aniya at mas lumawak ang ngiti sa labi. "We should celebrate it. My treat. What do you think?" Hindi agad ako nakasagot dala ng pagkabigla sa sinabi niya. "Belle?" untag niya sa akin. Nahihiya akong tumango. Nag-iinit na rin sa pisngi ko nang matanto ang ginawang pagtulala sa harapan niya dahil lang inaya niya akong mag-celebrate. "Sure..." Sumandal siya sa bangko niya nang may ngiti pa rin sa labi, pero sa pagkakataong ito ay kakaiba na ang ngiti niya. Kalmado lang at... masarap titigan. "Then... let's have a lunch now?" "Ngayon din mismo?" He shrugged his shoulders. "Yeah. If it's okay with you." Nakagat ko ang pang-ibabang labi bago sunod-sunod na tumango. "Ayos lang naman sa akin." Matapos ng sinabi kong 'yon ay nagkatitigan kami. Napalunok ako nang mapansing tila may kakaibang kislap sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako sa harapan niya. As if he was amazed by my beauty. Sandali pa kaming nagkape sa shop bago napagpasyahang kumain na sa labas. Pakiramdam ko ay ngayon ko na lang muli magagawang kumain sa labas. Madalas kasi, nagpapa-deliver lang ako sa coffee shop ng makakain ko. Halos nandoon na ang buong buhay ko at kulang na lang ay hindi na umuwi sa condo. Sa iisang sasakyan na lang kami sumakay ni Drake, sa kotse niya. Hindi na niya ako hinayaang magmaneho at sinabihan pang ihahatid na lang mamaya sa coffee shop ko kapag natapos na kami sa pagkain. "What do you want to eat?" tanong ni Drake nang makaupa na kami ng lamesa sa isang restaurant. Bumaba ang tingin ko sa menu na ibinigay ng waitress sa amin. "Ito na lang," sambit ko at may itinurong dish sa menu. Mabilis 'yon ipinalista ni Drake sa waitress na nag-aantay ng order namin. Inuna niya munang matapos ang sa akin bago siya nag-order ng sa kanya. "Are you okay? Or are you not comfortable with me?" mayamaya ay tanong ni Drake nang kami na lang dalawa ang maiwan sa lamesa namin. Umalis na ang waitress nang makuha ang order namin. "Don't worry about me. I'm fine." Ngiti ko. "By the way, I went to your company earlier." Bumukas ang gulat sa mukha niya. "Sa CitiLand?" I nodded my head. "Yes. Nagpasama kasi sa akin ang pinsan kong magpunta roon. She's planning to buy a property." "Really? Sino sa mga pinsan mo? I'll talk to someone in our company to give her a discount." Mabilis akong umiling. "No need to do that." "Are you sure?" "Yes," I said, assuringly. "Sino pala ang nakausap nyo roon? Maayos naman? If not, I can request someone na siyang mag-aasikaso sa inyo." Bahagya akong napangiti sa pagiging maalalahanin niya. "Hindi na kailangan. Maayos naman ang nakausap ni Ate Chloe kanina. Sa katunayan, anak daw ito ng may-ari ng CitiLand." "Really?" Bumakas ang gulat at pagkatuwa sa kanya. "Sigurado akong si Kuya Enrique 'yon." "Yeah. And they had a smooth transaction." "Well, that's my brother. Eksperto na siya pagdating sa mga ganyan. Kaya kapag mga emportanteng client ay siya mismo ang humaharap sa kanila." Natigil na ang pag-uusap naming dalawa ni Drake nang sa wakas ay dumating na rin ang mga order naming pagkain. Napatitig pa ako sa kanya nang mapansing inaasikaso niya ako. Dala ng hiya, hindi na ako nagsalita ng kung ano pa man sa ginawa niya at hinayaan na lang siya. At... natagpuan ko na lang ang sariling palihim na ngumingiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD