24

1116 Words
Chapter 24 3rd Person's POV "Anong mukha iyan Jaxon? Tao ka pa ba?" tanong ni Bazile. Hinila nito ang pisngi ni Jaxon na kinamura ng binat at tinangka itong sipain. "Kailangan ko ito para walang makakilala sa akin. Masyadong mahirap itago ang natural na kagwapuhan kaya todo effort pa ako maglagay ng make up," ani ni Jaxon na may halong pagyayabang. "May nagbago ba?" tanong ni Bazile. Napasapo si Keehan sa noo ng magbangayan na ulit ang dalawa. "Uy ang ganda dito. Ganda ng view solo ba natin ang lugar?" tanong ni Marco habang buhat si Peach at nakatingin sa ilog. Marami din mga tao sa lugar ngunit masyado malayo ang lokasyon nila sa maraming tao. "Yes, binayaran ko ang may ari nitong park para ma-solo natin itong lugar ang ganda ng view diba?" tanong ni Jaxon. Biglang nagyaya si Keehan ng picture. "No! Pinaghirapan ko ang make up ko," ani ni Jaxon. Sinabi ni Keehan na huwag ng burahin. Sinabi din ni Jaxon na hindi pwede dahil baka maging trend ang disguise niya na iyon sa mga memes. "Then aware ka na ngayon na ang pangit mo," banat ni Marcus. Tinaas ni Jaxon ang gitnang daliri. Tinanggal ni Bazile ang coat niya at necktie. Tinanggal din nito ang school shoes niya at binabad ang mga paa sa ilog matapos bumaba. Tumabi sa kaniya si Keehan ngunit nakaupo lang ito at nilaro ang tubig gamit ang mga kamay. "Sa foundation ng university namin may contest sasali kami nina Marcus. Gusto mo manood?" tanong ni Bazile. Napatigil si Keehan at lumingon. "Marunong ka sumayaw?" tanong ni Keehan. Ngumisi si Bazile at sinabing pinag-aaralan niya pa lang. "Wala ka talagang takot sumubok ng iba't ibang bagay noh," ani ni Keehan. Tumingin si Bazile sa reflection niya sa tubig. "Kasi kung hindi ko susubukan lahat hindi ko malalaman kung anong gusto ko," sagot ni Bazile. Ngumiti si Bazile at nilingon si Keehan. "Like wala akong hilig sa instruments at pagkanta, ayoko din ng black— magkaiba kami ni kuya ng taste pagdating sa styles at fashion." Natawa si Keehan dahil tama iyon. Napansin niya din iyon— noong una kasi alam niya lang ayaw ni Bazile ng black. Pero this past few days paunti-unti itong nagiging bold. Sinasabi na nito ang ayaw at gusto niya. Mas naging malapit din ang kambal in some reason. Natutuwa si Keehan dahil doon. Napatigil ang dalawa nang marinig ang boses ni Jaxon sa itaas at sinabing handa na ang pagkain. Tumayo si Bazile at hinila din patayo si Keehan matapos ni Keehan pagpagan ang sarili. Umakyat na sila sa taas. "Peach," ani ni Bazile. Kinuha ni Bazile si Peach mula sa pagkakabuhat ni Marco at natutuwa naman yumakap sa binata. Wala na siguro si Keehan hihilingin pa ng mga oras na iyon. Nakita niyang tumawa si Bazile matapos matikman ni Jaxon ang niluto ni Keehan para sa lalaki. Hiniwalay kasi ni Keehan ang niluto niya para kay Bazile na mga natural ingredients at half cooked lang para malasahan ni Bazile. Kung normal ang sense of taste ng mga titikim ng pagkain ni Bazile susuka lang ang mga ito. Galing pa sa ibang basa ang mga seasoning na ginagamit niya at sinisigurado niya na safe iyon para kay Bazile. Ilang araw niya din iyon pinag-aralan katulong si Gaizer then naging successful sila. Nalalasahan iyon ni Bazile. — Kinagabihan pag-uwi nila napagod ang lahat. Dinala ni Keehan si Peach sa room ni Bazile at nilagay sa crib. Tulog na tulog ang bata. Napatingin si Keehan sa bathroom matapos bumukas iyon. Nanlaki ang mata ni Keehan at agad na tumalikod. Tanging towel lang kasi ang nakatakip sa pang-ibaba ni Bazile na katawan. Kitang-kita ni Keehan ang abs ng lalaki. Wet look pa kaya, halos mag-init ang pisngi ni Keehan matapos makita iyon. "As if ngayon ka lang nakakita ng katawan ng lalaki," ani ni Bazile na natatawa at lumapit sa likod ni Keehan. "Baka nakakalimutan mo lalaki ka din," dagdag ni Bazile. Bumuga ng hangin si Keehan at sinabing magbihis na. Lalabas na muna siya. Aalis si Keehan nang hawakan ni Bazile ang kamay ni Keehan. Nagulat si Keehan kaya agad niya naagaw ang kamay Bazile na napatigil din. Nagulat si Keehan at agad na kinuha niya ang kamay ni Bazile. Nagkasugat iyon dahil sa kuko niya. "I'm sorry nabigla lang ako," ani ni Keehan na puno ng pag-aalala. Napatigil si Keehan nang hawakan ni Bazile ang pisngi niya. Napatingin si Keehan. "You don't need to worry. Wala akong gagawin na ayaw mo. Hindi mo kailangan matakot dahil malaki ang respeto ko sa iyo," ani ni Bazile na may ngiti sa labi. Napatigil si Keehan. Hinawakan ni Keehan ng mahigpit ang kamay ni Bazile. "Hindi ako takot sa iyo." Yumuko lang si Keehan at inamin na feeling niya lang magkakaroon ng heart attack kapag nagkakalapit sila ni Bazile. "What do you think? Sa ganitong distansya tama na ba ito para mag-passed out ka?" biro ni Bazile na halatang pinagtitripan na naman si Keehan. Nagkalapit ang mukha nila at katawan. Hindi nakapagsalita si Keehan at napatitig ito sa mata ni Bazile. Naiyukom ni Keehan ang kamao at mabilis na naitulak si Bazile sa kama at napatungan. Tinungkod ni Keehan ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng ulo ni Bazile. "Natutuwa ka ba talagang asarin ako Bazile?Alam mong hindi ako ganoon kainosente at kahaba ng pasensya katulad ng iniisip mo," ani ni Keehan na may diin. Natakpan ni Bazile ang bibig gamit ang likod ng mga palad matapos idiin ni Keehan ang tuhod niya sa bagay na nasa pagitan ng hita ni Bazile. Sandaling natulala si Keehan matapos makita ang reaksyon ni Bazile. Nawala ang pang-aasar sa tiningin nito. Hindi mapigilan ni Keehan na madala sa mga tingin ni Bazile at gumawa ang isip niya ng mga scenario. Boyfriend niya na si Bazile— kahit ano pwede niyang gawin sa kasintahan. Nilapit ni Keehan ang mukha sa mukha ni Bazile at binuka ang bibig. Agad siya nasalubong ni Bazile ng halik matapos ibaba ang kamay at yakapin ang katawan ng lalaki. Hinubad ni Keehan ang damit habang nakaupo sa ibabang bahagi ng katawan ni Bazile. Nakatitig sa kaniya si Bazile. "Gising ka naman diba? Maalala mo ito bukas. Kilala mo ba ako? tanong ni Bazile. Medyo worried siya ayaw niya maging isa sa mga naka-one night stand ni Keehan. Ang mukha ni Keehan na nakapatong sa kaniya at ang expression nito kapag wala sa, sarili ay walang pagkakaiba maliban na lang sa pagkislap ng mga mata nito. Yumuko si Keehan at hinawakan ang pisngi niya. Namumungay ang matang nilapit ni Keehan ang bibig sa tenga ni Bazile pababa sa baba nito. "Nagpapatawa ka ba. Bakit kita kakalimutan Bazile?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD