Chapter 25
3rd Person's POV
"Masakit ba talaga sorry hindi ko napigilan kagabi," ani ni Bazile kay Keehan na nakasapa sa kama habang may ice pack sa itaas na bahagi ng pang-upo nito.
"Napasobra yata pang-aakit mo kay Bazile. Matuto kang piliin ang ise-seduce mo. Huwag iyong virgin," banat ni Grim. Agad ito binato ni Bazile ng unan.
"Kayong dalawa labas!" bulyaw ni Gaizer. Nasipa ang buong grupo ng TK palabas ng room ni Bazile.
"Wait room ko iyon bakit ako napalabas," ani ni Bazile na ngayon ay buhat si Peach. Biglang natanong ni Jaxon kay Bazile kung gaano ba kalaki iyong kay Bazile at hindi na nakatayo si Keehan.
"Ano ka ba? Buhat ko si Peach at may bata," saway ni Bazile at tinakpan ang isang tenga ni Peach na nakasandal sa dibdib niya.
"Utak niyo lang polluted huwag niyong idamay iyong bata," ani ni Apollo. Na-cancel ulit ang practice at schedule ng TK para sa araw na iyon since tanghali na nagising si Keehan at hindi nga ito makatayo.
"Papatawag ba ako ng doctor?" tanong ni Gaizer. Sinubsob ni Keehan ang sarili unan.
"Please manager huwag mong gagawin iyan. Kapag ginawa mo iyon kakagatin ko ang dila ko at ilulubog ko ang sarili ko dito mismo sa kama," ani ni Keehan. Natawa si Gaizer dahil doon.
"Sabi sa iyo si Keehan ang bottom. Nasaan 5k ko?" tanong ni Wax at nilahad ang kamay sa harap ni Miguel. Napatingin si Keehan sa direksyon ng dalawa.
"What the heck! Pinagpustahan niyo akong dalawa," ani ni Keehan. Naiinis na nilapag ni Miguel ang 5k sa kamay ni Wax Frevas na tumawa. Iyong tawa ng mga kontrabida sa napapanood na cartoon movies ni Keehan.
"Huwag kang mag-alala hindi lang ikaw ang biktima," ani ni Gaizer. Inabot kay Keehan ang pain reliever at baso.
"Inumin mo iyan then magpahinga ka. Sisilipin ko ang Tk. Mas pasaway pa talaga sila kaysa sa mga bata."
Tinapik ni Gaizer ang balikat ni Keehan at naglakad palabas. Kumaway sina Wax na parang nang-aasar pa at sinabing magpagaling muna.
Paglabas ng tatlo ng pinto. Nanlaki ang mata nina Gaizer matapos makitang tumatakbo ang TK tulak ang mga straller ng mga bata.
"Grim at Bazile Vergara!"
"Elliseo Revolledo!"
—
Lumabas si Grim sa building na may suot na itim na hood at mask. May mga fans ngunit agad ito hinarangan ng mga gwardya.
"Teka lang! Ikaw iyong kaibigan ni Keehan diba! Nagmamakaawa ako gusto ko siya makausap!"
"Kuya!"
Napatigil si Grim na pasakay dapat ng van at napalingon. May matandang babae at may hawak itong bata.
May binibigay itong papel kaya lumapit si Grim. Kinuha iyon ni Grim— humagulhol ang ginang.
"Tulungan mo ako. Gusto ko siya makausap."
Nakita na ni Grim ang litrato na iyon sa room ni Keehan. Mas bata nga lang si Keehan sa litrato na iyon.
"Mr.Vergara," ani ng gwardya. Napalingon ang ginang at nanlaki ang mata nito.
Agad nito tinulak ang bata sa kaniya at nasalo ito ni Grim.
"Iligtas niyo ang bata nagmamakaawa ako! Kapatid siya ni Keehan pwede niyo siya ipa-DNA kung gusto niyo ng proof!"
Tumakbo ang ginang palayo. Inilayo ng gwardya ang bata ngunit pinigilan sila ni Grim.
"Mama!"
Kumunot ang noo ni Grim matapos may mga lalaking sumunod sa ginang at nakatingin sa direksyon nila. Bumulong si Grim sa head guard.
"Idaan niyo ang bata sa fire exit. Sasalubungin kayo ni Bazile," ani ni Grim. Tinulak ni Grim ang bata na nagwala matapos siya ilayo ni Grim sa kaniya at nagmakaawa na tulungan siya.
Sumakay si Grim sa van. Dinala ng mga gwardya ang bata. Pinaandar na ang van at nakita niya na may mga sumunod sa sasakyan niya. Akala ng mga ito siguro kinuha niya ang bata.
Napatigil si Bazile matapos makatanggap ng tawag kay Bazile na agad tumayo. Napatingin si Keehan na nakaupo sa sofa at buhat si Peach.
"Bazile anong problema?" tanong ni Keehan. Hinalikan niya sa labi si Keehan at sa hinalikan niya din sa noo si Peach.
"May pinakukuha si kuya sa baba. Babalik ako," ani ni Bazile at naglakad palabas ng unit ni Gaizer.
Nagtak sina Wax matapos nga biglang magpaalam sina Apollo na susunod kay Grim. May nakalimutan din sila bilhin.
"Hindi ba masyado silang suspicious? Anong meron kay Grim?" tanong ni Miguel. Nagkibit-balikat si Gaizer. Tiningnan ng lalaki ang phone niya na nakapatong sa dining table.
—
"Bata?"
"Kuya!"
Pamilyar kay Bazile iyong bata na buhat ng mga gwardya. Iyon 'yong batang binigyan ni Keehan ng candy. Sobrang dumi nito at halatang nilagyan ito ng mga putik sa mukha.
"Tulungan niyo mama ko!"
Tumakbo ang bata palapit kay Bazile at pinakita ang picture ni Keehan 'nong 2 years old pa lng ito. Nagulat si Bazile matapos makita ang pamilyar na litrato.
"Sabi ni Mr.Vergara ihatid daw ang bata dito," ani ng gwardya. Agad na kinuha ni Bazile ang litrato at tiningnan ang batang babae.
Dinala ni Bazile ang bata sa unit nila. Nagulat si Keehan dahil pamilyar ang bata.
"Bazile? Kumidnap ka ba ng bata?" tanong ni Keehan na may hindi makapaniwalang expression. Natulala ang bata matapos makita si Keehan na walang disguise at walang make up.
"Kamukha mo si kuya Kendrick," bulong ng bata na naiiyak. Pinapasok ni Bazile ang bata. Dala ng bata ang picture at inabot iyon kay Keehan. Nagulat si Keehan dahil kapareho ng background mg litrato na iyon ang picture na nasa room niya.
"Saan niyo ito nakuha at paanong—"
"Ikaw iyan kuya Keehan. Binigay iyan sa akin ni kuya Kendrick bago siya mamatay. Sabi niya ibigay iyan sa iyo kapag nakita kita. Iyong picture ni kuya nasa iyo," ani ng batang babae. Tiningnan ni Keehan mabuti ang litrato.
"Sino ang Kendrick? Bakit mo ako tinatawag na kuya? Sino ka?" tanong ni Keehan na parang naguguluhan. Matagal bagi nakapagsalita ang bata.
"Kapatid mo ako kuya. Ako si Kendra— kamakailan ko lang din nalaman na magkapatid tayo. Tinago iyon ni mama para sa safety mo at safety ko," ani ng batang babae. Naguguluhan na si Keehan. Hindi niya maintindihan— may pamilya siya? All this time.
"Excuse me— hindi kita kilala. Wala akong maintindihan!" sigaw ni Keehan at dala si Peach na lumabas ng kwarto.
"Keehan!"