Chapter 20
3rd Person's POV
Maya-maya nagising si Keehan. Pagmulat niya nang mata puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nakita niya si Bazile at nakita niya ang sarili na nakahiga sa hita ni Bazile.
"Bazile!"
Bumangon si Keehan. Napalingon si Keehan nang bumagsak si Elliseo mula sa pagkakaupo sa sofa at napayakap sa asawa. Nagtaka si Keehan matapos makitang nasa sulok ang lahat either sina Apollo.
"Anong nangyari?" tanong ni Keehan. Sinabi ni Gaizer na bumalik na si Keehan. Napatigil si Keehan at tumingin kay Jaxon at Bazile.
"Keehan, kahit na anong mangyari. Huwag kang matutulog sa fieldtrip, sa set or kahit sa concert para magpahinga," ani ni Apollo. Napakamot sa pisngi si Keehan.
"May nagawa ba ako?"
Sumigaw si Jaxon, Grim at Elliseo na meron. Napahawak sa tenga si Keehan. Napasapo sa noo si Grim.
"Oh my god. Super cool, hot and sexy mo kanina— na nosebleed ako ng bongga," ani ni Wax. Tinakpan ni Apollo ang bibig ng asawa at tiningnan ito ng masama.
"Masyado kang shameless, Wax. Sa harap ko pa talaga ikaw pumuri ng ibang lalaki," ani ni Apollo. Agad na yumakap dito si Wax at mas sinabing sexy pa din si Apollo.
"Sorry," ani ni Keehan. Napatigil ang TK at lumingon kay Keehan. Nakayuko ang lalaki.
"Wala ka naman masyadong nagawa bukod sa muntikan ng scramble egg ang itlog ni Revolledo kanina," ani ni Grim at tinuro ang kaibigan na agad tinakpan ang harapan. Napangiwi si Keehan at sunod-sunod na nag-sorry.
"Keehan, masyado kang careless. Naiintindihan ko na pagod ka pero sa sitwasyon mo hindi ikaw iyong dapat natutulog kung saan-saan lalo na kapag wala ako," ani ni Bazile. Napatigil si Keehan nang suklayin ni Bazile ang buhok ni Keehan.
Nalungkot si Keehan at biglang yumakap kay Bazile. Sinabing huwag siya nito iiiwan.
"Pasensya na. Pinag-alala kita," ani ni Bazile. Lumayo si Keehan kay Bazile at tinanong kung anong dahilan kung bakit siya nito kinuha.
"Nalaman ni mom ang kondisyon mo. Mukhang pinaimbestigahan ka niya in dvance at nalaman niya ang past issue mo," ani ni Bazile. Nawalan ng kulay ang mukha ni Keehan matapos marinig iyon.
"Gusto niya ako magpakasal sa ka-business partner niya. Hindi ako sumama at naglaban ako," sagot ni Bazile. Naiyukom ni Keehan ang kamay at napaluhod.
"Kung hindi daw ako susunod aalisin niya ako sa family register at sinabi ko na gawin niya."
"Bakit mo sinabi iyon? Bazile— pamilya mo sila. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niya sa akin!" ani ni Keehan at hinawakan ang balikat ni Bazile.
"Gusto nila ng karapatdapat na babae sa iyo at—"
Tumulo luha ni Keehan ng hindi niya namamalayan. Hindi na naituloy ni Keehan ang sasabihin. Parang nablanko ang isip niya sa daming what if sa utak niya.
"Huwag kang magsalita na malayo sa totoong nararamdaman mo Keehan," ani ni Bazile. Hinawakan ni Bazile ang kamay ni Keehan na kinatingin ng binata.
"Dapat matagal ko na iyon ginawa actually. Noon pa 'man hindi anak ang turing nila sa akin," ani ni Bazile na kinatigil ni Keehan. Ngumiti ng kaunti si Bazile.
"Wala akong sariling direksyon at lugar sa mundong ito. Walang tumitingin sa akin bilang Bazile except kina kuya, manager at sa iyo. Ni minsan hindi nila ako tinanong kung gusto ko ba nito, anong gusto kong kainin at ang ayaw ko. Ang mahalaga sa kanila maging ako si Grim sa mata ng lahat," ani ni Bazile. Sinabi ni Bazile na takot siya kilalanin ang sariling siya dahil kailangan niya maging perfect katulad ni Grim then nakilala niya si Keehan.
—
Pagkaumaga nag-pauwi na si Bazile. Mga pasa lang naman iyon ay hindi niya nararamdaman. Pinagpahinga lang ng TK si Bazile sa room nito kasama si Keehan.
"Nakainom ka na ng gamot?" tanong ni Keehan at umupo sa gilid ng kama katabi si Bazile na agad binaba ang baso matapos uminom ng gamot.
"Hindi mo kailangan mag-worried. Mga pasa lang ito," ani ni Bazile. Nag-passed out lang talaga siya dahil sa tinurok sa kaniyang pampatulog.
Kinuha ni Keehan ang braso ni Bazile. Napatigil si Bazile ng i-kiss ni Keehan ang wrist ni Bazile at tiningnan ang binata.
Nagulat si Keehan nang hilahin siya ni Bazile at agad na patungan. Napakurap si Keehan.
"Masyado kang careless Keehan," ani ni Bazile. Tumawa si Keehan at tinanong kung anong ginawa niya.
"Nanadya ka na," sagot ni Bazile. Agad na dumepensa si Keehan at sinabing inosente siya. Wala siyang ginagawa.
Sumama ang expression ni Bazile dahil doon. Inosente siyang tiningnan ni Keehan. Dumapa si Bazile matapos mag-groan at sinabing naiinis siya kay Keehan.
"Unfair na i-seduce mo ako then gagawa ka ng ganiyang expression at kailangan ako ang mag-give up," bulong ni Bazile. Natawa ng mahina si Keehan at niyakap ang ulo na nakahiga sa dibdib niya.
Keehan knows Bazile did'nt mean it. Kanina pa ito inaantok at halata niya sa mukha nito. Masama pa din pakiramdam nito— kinailangan lang ni Bazile manatiling gising para sa kaniya.
Nang lumalim ang tulog ni Bazile. Dahan-dahan ni Keehan inihiga ng maayos si Bazile at nilagyan ng kumot. Tinitigan ito ni Keehan ng ilang minuto bago inagawan ng halik si Bazile.
Tumayo na ang lalaki at naglakad palabas ng kwarto. Tinungo niya ang playroom kung nasaan si Peach. Napangiti si Keehan matapos marinig ang tawa ni Peach habang buhat ito ni Wax.
"Ang ganda ng batang iyan," ani ni Wax. Lumapit si Keehan— napalingon si Wax at natatawang inabot sa kaniya ang bata.
"Kuhang-kuya niya ang features ng mga Vergara. Self centered," biro ni Wax. Natawa si Keehan dahil doon.
"Is that good right?" natatawa na sambit ni Keehan at pinisil ng mahina ang ilong ni Peach. Natawa si Keehan matapos kumunot ang noo nito.
"Kahawig mo sina Bazile— hindi malayong isa ka nga na Vergara," may ngiti na sambit ni Keehan. Nang ngumiti si Keehan— nawala ang pagkakakunot noo ng bata at tumawa.
Nagpaalam si Keehan. Dadalhin niya si Peach— kumaway lang sina Miguel. Binuhat ni Keehan si Peach at sinabing tulog ang daddy niya.
"Doon muna tayo kina uncle Grim pupunta okay? Tulog si daddy," may ngiti na sambit ni Keehan at tinungo nila ang daan patungo sa unit ni Gaizer.
Pagbukas niya nang pinto nagulat siya matapos may lumipad na paper bag patungo sa direksyon niya. Agad na nasalo iyon ni Elliseo. Tatama sana sa kanila iyon ni Peach.
Si Teressa ang nagbato ng paper bag. Sumigaw ito na wala siyang alam sa kung anong relasyon ni Keehan at Bazile.
"Jaxon maniwala ka. Wala akong alam. Hindi ko iyon sinabi sa iba," ani ni Teressa at niyakap ang braso ni Jaxon na nanatilinv tahimik.
Nagulat si Teressa nang alisin ni Jaxon ang braso niya kay Teressa.
"Tama na ang acting Teressa. Ikaw lang ang may motibo na sirain ang career ni Keehan at masira sila ni Bazile."