Chapter 19
3rd Person's POV
Pagdating nina Grim sa lugar. Bumaba ang TK ng sasakyan kasama si Marcus at Marco.
"Dito ba iyon?"
Tinungo nila ang gusali at napansin nilang walang tao sa paligid. Pumasok sila sa loob at nagulat sila matapos makita lahat ng tauhan ng mga Vergara na nakahiga sa sahig.
Nakatalikod si Bazile na agad nabitawan ang hawak na bakal.
"Bazile," tawag ni Keehan. Lumingon si Bazile— may pasa ito sa mukha at sugat sa mga braso. Nagdilim ang mukha ni Grim matapos makita iyon.
Nabitawan ni Bazile ang bakal at pagewang-gewang na humakbang. Tumakbo si Keehan at agad na sinalo si Bazile na napaluhod.
"Bazile! Putangina ka! Huwag kang mamatay! Nangako ka sa akin. Aampunin natin si Peach!" bulyaw ni Keehan at niyakap si Bazile. Pinakiramdam ang paghinga nito.
"Ke-Keehan," ani ni Bazile. Minulat ni Bazile ang nga mata. Lumapit si Grim at hinawakan ang pulso ng kapatid.
"May tinurok sila kay Bazile. Kailangan natin siya dalhin sa hospital," ani ni Grim. Tatayo si Grim nang hawakan ni Bazile ang laylayan ng suot na coat ni Grim. Napatingin si Grim.
"Kuya, please hu-huwag mo ako ibibigay kina mom. A-Ayoko na umuwi," bulong ni Bazile. Naggitgit si Grim at sinabing hindi siya aalis.
"Hindi na ako papayag na makuha ka ni mom. Magpahinga ka na— dadalhin ka namin sa hospital," sagot ni Grim. Unti-unting pumikit si Bazile.
"Grim magiging ayos lang si Bazile diba?" natatakot na sambit ni Keehan. Tiningnan ni Grim si Bazile.
"Tinurukan lang siya ng pampatulog. Mukhang nagwala kanina si Bazile at hindi na nakaya ng katawan niya. Hindi mo kailangan mag-alala," ani ni Grim. Bahagyang nakahinga si Keehan matapos marinig iyon.
Dinala nila sa hospital si Bazile. Inakupahan nina Apollo ang pang-apat na palapag para lang kay Bazile. Nagpatawag ng mga pinagkakatiwalaan na doctor at sinuri si Bazile
"Grim! Naglaban si Bazile at—"
"Mom!" sigaw ni Grim. Umalingawngaw iyon sa hallway. Napatingin sina Apollo. Ka-vc ngayon ni Grim ang parents nila at pinakita ang lagay ni Bazile.
"Mom, kung ayaw mo mawalan ng dalawang anak tigilan niyo na ang kalokohan na ito ni dad. Tigilan niyo si Bazile!" bulyaw ni Grim. Galit na galit si Grim na kinatigil ng mag-asawa.
"Hindi robot si Bazile mom at dad. Hindi ako siya— tigilan niyo na ang pagto-torminate kay Bazile. Nanahimik lang ako pero alam ko ang mga pinagdaanan ni Bazile sa inyo— akala niyo ba hindi ko alam na pinipilit niyong maging ako siya para sa sarili niyong satisfaction? Kahit pang-unawa na lang mom at dad. Kahit doon na lang— kahit sa way na iyon maging mabuti kayong magulang."
"Dahil kapag naulit pa ito at pinakialaman niyo pa si Bazile— itaga niyo ito sa bato. Buburahin ko kayo sa buhay namin magkapatid at hinding-hindi kayo makikilala ng mga apo niyo," malamig na sambit ni Bazile at pinatay ang tawag. Hinilot ni Grim ang sentido.
"Dapat mo ba sabihin iyon kina mama at papa?" tanong ni Gaizer. Sumama ang timpla ng mukha ni Grim.
"Hindi nila titigilan si Bazile kung hindi ko sasabihin iyon. Dahil sa akin kaya naikadena nila si Bazile ng mahabang panahon— ito lang ang way ko para mapakawalan siya at kahit isang beses magawa ko ang responsibilidad, ko bilang kakambal ni Bazile."
Napangiti si Gaizer at niyakap ang asawa. Sinabing marami ng nagawa si Grim kay Bazile.
"Iyong tinago mo siya, binigyan ng pamilya at pinag-aral ay malaki ng bagay, Grim. Alam ko na kahit hindi sabihin ni Bazile nagpapasalamat siya sa iyo," ani ni Gaizer na kinalambot ng expression ni Grim at niyakap pabalik ang asawa.
—
Sa hospital nagulat sina Apollo matapos magising si Keehan mula sa pagtulog nito sa gilid ng kama ni Bazile.
"Hey babe," ani ni Keehan na biglang lumingkis kay Apollo. Nagulat sina Gaizer matapos makita ang side na iyon ni Keehan.
"Keehan!"
Hinablot ni Jaxon si Keehan ngunit agad na nakawala ang lalaki sa kaniya. Tinanggal nito ang tatlong butones ng suot niyang damit at nang-aakit na tiningnan sina Wax.
"Oh my god!" react ni Wax at natakpan ang ilong matapos sabihin ni Gaizer na nagno-nosebleed siya.
"Anong gagawin natin? Susuntukin ko ba para makatulog?" tanong ni Elliseo. Minura ito ni Jaxon.
"Ikaw kaya suntukin ko! Wala sa sarili si Keehan," ani ni Jaxon. Nilapitan ni Keehan si Jaxon at hinalikan ito sa pisngi. Agad niya naitulak si Keehan.
"Keehan! Naririnig mo ba ako?" tanong ni Jaxon. Inalog-alog niya si Keehan.
Binuhusan ito ni Apollo ng tubig ngunit bumakat lang ang katawan nito sa puting longsleeve. Tinakpan ni Grim ang mata ng asawa.
"Sinabi ko na hindi nagigising agad si Keehan," ani ni Jaxon. Namungay ang mata ni Keehan at sinuklay ang buhok.
"Ayaw niyo ba sa akin?" tanong ni Keehan. Napatanga sina Elliseo doon.
"What the f**k! Si Keehan ba ito?"
Nag-iba sa paningin nila si Keehan. Mas naging hot and sexy ang dating nito.
"Putangina! Bazile! Gumising ka! Lumabas na naman ang alter ni Keehan!"
Hinablot ni Jaxon ang kwelyo ni Bazile. Hina-harass na nito sina Elliseo na nagtago sa likod ng mga asawa.
Lumingon si Keehan matapos bumukas nag pintuan. May dumating na nurse— palapit si Keehan ngunit agad ito napigilan nina Apollo. Tinakpan din ni Grim ang bibig ni Keehan at bumagsak sila sa sofa.
"Mis, pwede mamaya ka na pumunta dito? Nakainom kaibigan namin," ani ni Jaxon. Natulala ang nurse kay Keehan na nakatitig sa kaniya.
"Takpan niyo iyong mata!"
Tinakpan ni Gaizer ng panyo ang mukha ni Keehan. Mukhang bumalik naman sa sarili ang babae at lumabas. Humingi ito ng tawad habang namumula.
"Putek! Iyong itlog ko naiipit!" sigaw ni Elliseo. Hindi alam nina Gaizer kung tatawa ba sila o mag-aalala kasi nira-rape na sila ni Keehan.
"Keehan."
Napatigil ang lahat. Kahit si Keehan na nakadapa ngayon kay Grim matapos may marinig na boses. Lumingon si Keehan.
Umupo si Bazile habang hawak nag ulo. Tinawag nito si Keehan at tumingin sa paligid.
Nakapatong si Keehan kay Grim. Napa-pokerface si Bazile matapos tumayo ni Keehan at parang lasing na lumapit kay Keehan.
"Hey handsome, are you free tonight?"
Mapangakit na sambit ni Keehan matapos sumampa ng kama at nilapit ang mukha kay Bazile. Bago pa mahalikan ni Keehan si Bazile bumagsak na si Keehan at nakatulog sa mga hita ni Bazile.
"Thanks god!"
Naibagsak ni Grim ang ulo sa sahig at tumingin sa kisame. Nakahinga din sina Apollo dahil kumalma na si Keehan.
"Hindi ko akalain na mas malala pa pala si Keehan sa iniisip natin."
"Kung wala kayong mga asawa at hindi kayo head over heels sa mga asawa niyo. Baka bumigay kayo agad kay Keehan."
Walang nakaimik kina Elliseo. Hindi din nag-react sina Gaizer— shocked sila sa ganoon na side ni keehan.