CHAPTER 10

2266 Words
THIRD PERSON POV Nakatayo sa gitna ng hotel room na iyon ang lalaki habang karga niya sa magkabilang pisngi ng pang-upo nito ang babae at nakapulupot naman sa leeg ng lalaki ang dalawang bisig ng babae. Kapit na kapit sa baywang ng lalaki ang dalawang hita ng babae habang umuulos ang matigas na alaga ng lalaki sa loob ng yungib ng babae. Tumatagaktak ang pawis sa mukha at katawan ng dalawang magkalaguyo habang patuloy ang pagsasalubong ng kanilang mga pribadong parte. Hindi alintana ng dalawang makasalanan kung may mga tao man silang pinagtataksilan at ipinagkakanulo. Basta ang mahalaga para sa kanilang dalawa nang mga sandaling iyon ay ang maabot ang rurok ng kaligayahan at makaraos sa nag-aapoy na damdaming parehong tumutupok sa kanilang mga sistema. Matiim na nagtitigan ang dalawang magkalaguyo habang inaalalayan ng lalaki ang babae sa pagtataas-baba ng hiyas nito sa mahabang kahoy na nasa pagitan ng mga hita ng lalaki. Maya-maya ay muling nagsalubong ang mga labi ng lalaki at ng babae. Hindi na nila mabilang kung ilang beses naghugpong ang kanilang mga uhaw na uhaw na labi nang gabing iyon. Nakuha ng lalaki at ng babae ang tamang anggulo para mas palalimin pa ang kanilang halik. Lapat na lapat sa malapad na dibdib ng lalaki ang dalawang malaking pakwan ng babae. Kumakaskas sa katigasan ng dibdib ng lalaki ang tirik na tirik na mga pasas sa tuktok ng dalawang pakwan ng babae. Halos hindi makadaan ang hangin sa pagitan ng magkahugpong na mga labi ng dalawang magkalaguyo. Naglilingkisan sa loob ng bibig ng babae ang dalawang dilang naghahanap ng sarap sa piling ng bawat isa. Halos lamunin ng buo ng bibig ng lalaki ang bibig ng babae. Animo'y gustong iturok ng lalaki ang dulo ng kanyang dila sa lalamunan ng babae. Nang halos maubusan na sila ng hangin sa katawan ay naghiwalay ang mga labi ng magkalaguyo at ilang minutong hinabol ang kanilang paghinga. Tuloy pa rin ang basang hiyas ng babae sa pagtataas-baba sa matigas na kawayang nasa pagitan ng matigas na mga hita ng lalaki. Sa sobrang gigil ng babae sa lalaki ay hinabol nito ang ibabang labi ng lalaki at mariing kinagat. Parang may kung anong ginising na halimaw ang babae sa sistema ng lalaki rahil sa mariing pagkagat nito sa ibabang labi ng lalaki kaya naman ay parang rumaragasang motorsiklo ang naging andar ng alaga ng lalaki papasok at palabas sa minsang sumisikip na garahe sa pagitan ng mga hita ng babae. Halos tumirik ang mga mata ng babae rahil sa madiing pagsadsad ng malaking motorsiklo ng lalaki sa namamasang dingding ng garahe sa pagitan ng mga hita nito. Napatingala ang babae sa kisame ng hotel room na iyon at kasabay nang pagpikit ng mga mata nito ay ang pagbuka ng bibig nito para pakawalan ang isang mahabang ungol. Ungol na nagsilbing langis para mas maging mabilis ang pag-andar ng motorsiklo ng lalaki sa loob ng garahe sa pagitan ng malambot na mga hita ng babae. Namumungay ang mga mata ng babae nang muling tumitig sa mga mata ng lalaki. Punung-puno ng pagnanasa ang kanilang mga titig sa isa't isa. Muling tinawid ng lalaki at ng babae ang distansya sa pagitan ng kanilang mga labi at muling nagsalo sa isang makamundong halik. Hinigpitan ng babae ang kapit ng hiyas nito sa mapangahas na alaga ng lalaki na naging dahilan para mapaungol silang dalawa sa bibig ng isa't isa. Mas lalong bumilis ang pagkayod ng hiyas ng babae sa alaga ng lalaki. Damang-dama na ng lalaki at ng babae ang mga pawis sa kanilang katawan habang magkalapat na magkalapat ang mga ito at baon na baon sa batis na nasa pagitan ng mga hita ng babae ang lumalaking alaga ng lalaki. Nagdikit ang mga paa ng babae sa likod ng pang-upo ng lalaki habang mas bumibilis pa ang paglublob ng malaking alaga ng lalaki sa batis na nasa pagitan ng mga hita ng babae. Pabalik-balik na nagtampisaw sa batis ng babae ang malaking alaga ng lalaki hanggang sa umabot na sa puntong kailangan nang ibuhos sa matigas na katawan ng matabang alaga ng lalaki ang lahat ng malapot na tubig na dumadaloy sa batis ng babae. Habang inaabot ng lalaki at ng babae ang rurok ng katiwasayan ay muling nakapikit na tumingala ang babae at umungol ng malakas. Para sa lalaki ay isang kaakit-akit na tanawin ang makinis na leeg ng babae at parang isang mapanganib na hayop na kinagat ng lalaki ang leeg ng babae at nag-iwan ng marka roon. Kasabay ng kagat na iyon ang pagsirit ng napakaraming laway mula sa bibig ng malaking alaga ng lalaki sa loob ng yungib ng babae. Damang-dama ng babae ang ilang ulit na pagdura ng alaga ng lalaki sa loob ng yungib nito. Damang-dama rin ng lalaki ang pag-agos ng mainit na likido mula sa yungib ng babae patungo sa katawan ng kanyang unti-unting lumalambot na alaga hanggang sa kumapit ang mga malapot na katas na iyon sa dalawang bolang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Tila pagod na ang alaga ng lalaki rahil sa ilang beses na pagpapalabas ng likido nang gabing iyon. Halos manlata ang dalawang magkalaguyo nang magkapatong silang bumagsak sa ibabaw ng malambot na kama sa loob ng hotel room na iyon. ---------- RAFAEL's POV Nanlilisik ang aking mga mata habang dahan-dahang isinasara ng aking misis na si Ayla ang main entrance door ng aming bahay. Galing na naman si Ayla sa labas. Sinabi niyang galing siya sa bahay ng aming kaibigang si Misha. Magmula nang palayasin ni Misha ang asawa nitong si Gino mula sa kanilang bahay matapos nitong makumpirmang nambababae ang aming kaibigan ay madalas nang pumunta ang aking asawa sa bahay ni Misha para magbigay ng suporta rito. Pagkaharap ni Ayla sa akin ay malungkot siyang ngumiti at tumango. Marami nang nagbago sa amin ni Ayla nitong mga nakalipas na buwan. Hindi na kami tulad nang dati na palaging masaya at puno ng pagmamahal ang puso para sa isa't isa. Niligawan ko si Ayla nang makilala ko siya sa school kung saan ako nag-transfer noong Fourth Year High School. Maraming kaibigan si Ayla noong nasa High School kami pero mas madalas niyang kasama ang kanyang tropa. Siyam sila sa grupo. Akala ko ay wala akong magiging kaibigan sa school na iyon dahil transfer student ako at nag-transfer pa ako sa kalagitnaan ng taon. Bawat estudyante ay may kanya-kanya ng grupo kaya naman laking tuwa ko nang i-welcome ako ng tropa ni Ayla sa kanilang grupo. Mabait ang mga kaibigan ni Ayla na sina Steven, Bianca, Diva, Gabriel, Gino, Misha, Trina, at Zander. Ako man ang naging huling miyembro ng grupo ay hindi nila kailanman ipinaramdam iyon sa akin. Agad kong hinangaan si Ayla nang unang beses ko siyang makita sa loob ng classroom dahil sa angkin niyang natural na ganda. At mas lalong gumaganda si Ayla sa tuwing sumasabay sa kanyang pagngiti ang kanyang mga mata. Bukod sa mabait si Ayla ay matalino rin siya. Lagi siyang handang tumulong sa kanyang mga kaibigan sa tuwing may nahihirapan sa kanila sa isa sa school subjects namin. Simple lang din si Ayla. Walang kaarte-arte sa katawan. Kahit saang lugar siya dalhin at kahit anong pagkain ang ialok sa kanya ay ini-enjoy niya. Masayahing tao rin si Ayla at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang kahit na nga ba hindi niya tunay na mga magulang ang kanyang kinalakhang ama at ina. Nakikita rin ni Ayla ang kabutihan sa bawat tao na siyang pinakanagustuhan ko sa kanya. At dahil sa mga katangiang ito kaya nahulog ang loob ko kay Ayla. Ganoon na lamang ang sayang aking naramdaman nang maging girlfriend ko na si Ayla. Ang sarap sa pakiramdam na may katugon ang pagmamahal natin para sa isang tao. At sa parte ko ay minahal din ako ni Ayla katulad ng aking pagmamahal sa kanya. Naging maayos ang relasyon namin ni Ayla hanggang sa yayain ko na siyang magpakasal na agad naman niyang sinang-ayunan. Masaya ang mga unang taon ng aming pagsasama ni Ayla bilang mag-asawa rahil talaga namang ganoon kapag pinakasalan natin ang taong mahal natin at mahal din tayo pabalik. Naging lubusan pa ang saya namin ni Ayla nang matuklasan naming nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa ako nang araw na iyon dahil magkakaroon na ako ng isang buong pamilya. Tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ni Ayla nang i-suggest ko sa kanyang mag-resign na sa kanyang trabaho bilang Marketing Manager dahil sinabi ng kanyang OB-Gyne na maselan ang kanyang pagbubuntis. Ngunit hindi ko napahinuhod si Ayla at sinabi niyang sayang naman ang lahat ng kanyang pinaghirapan kung basta na lamang niyang iiwan ang kanyang trabaho lalo na at kapo-promote pa lamang niya. Sa huli ay pumayag din ako sa kagustuhan ni Ayla na ipagpatuloy ang kanyang trabaho habang siya ay nagbubuntis. Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Ayla nang isang kaganapan ang nagpaguho sa mundo naming dalawa. Second trimester loss. Nagkaroon ng komplikasyon sa pagbubuntis ni Ayla na may kinalaman sa kanyang placenta. Matinding trauma ang sinapit ni Ayla rahil sa nangyari na naging dahilan para mawala sa kanya ang kanyang iniingatang trabaho. Ang dating masayahing Ayla ay naglahong parang bula. Sa mga araw na nagdaan matapos ang pangyayaring iyon ay naranasan kong makasama ang isang taong para na ring walang buhay sa iisang bubong. Sinuportahan ko si Ayla sa pagdadalamhating kanyang nararanasan dahil sa pagkawala ng aming anak. Hindi ko siya pinabayaan kahit mismong ako ay nangangailangan din ng kalinga at suporta nang mga panahong iyon. Ipinakita ko kay Ayla na lagi akong nandiyan para sa kanya, na pwede niya akong sandalan sa oras ng kalungkutan. Ang hindi alam ni Ayla ay durog na durog ang aking puso nang mga panahong iyon. Hindi rin madali para sa akin ang nangyari. Pero kinailangan kong maging malakas para kay Ayla rahil kung magiging mahina rin ako sa kanyang harapan ay baka tuluyang bumigay ang aking misis sa sobrang kalungkutan. Mabuti na lamang at nandiyan ang aming mga kaibigan para damayan kaming dalawa ni Ayla. Unti-unting bumalik sa dati ang dating Ayla at nang makita kong maayos na ang lahat ay nagsimula akong kausapin siya na muli naming subukan ang magkaroon ng baby. Nakita ko ang takot na bumalatay sa mukha ni Ayla nang banggitin ko ang tungkol sa bagay na iyon kaya hindi ko na ipinilit. I tried to convince Ayla to seek help pero tumanggi siya. Sinabi niyang maayos naman ang lahat ngunit hindi pa siya handang subukan muli namin. Iginalang ko ang desisyon ni Ayla rahil hindi ko siya gustong biglain. Ang mga araw ay naging linggo at ang mga linggo ay naging buwan. Ilang buwan nang walang nangyayari sa amin ni Ayla at kahit ang mga simple kong paglalambing ay kanyang iniiwasan dahil natatakot siyang baka mauwi sa pagtatalik ang mga iyon. Tulad nang dati ay inintindi ko pa rin si Ayla ngunit sadyang napakahirap lalo na at may pangangailangan din ako bilang isang lalaki. Kaya naman nagsimula akong manlamig kay Ayla. Okay kami sa harapan ng ibang tao pero ibang-iba ang aming sitwasyon sa loob ng aming bahay. Para kaming estranghero kung magturingan sa sarili naming pamamahay. At nitong mga nakalipas na araw ay madalas kong napapansin na laging lumalabas ng bahay si Ayla. Pakiramdam ko ay nakikipagkita si Ayla sa kanyang best friend na si Steven. Dati pa lamang ay ramdam ko nang may lihim na pagtingin ang aming kaibigan ni Ayla na si Steven sa kanya. Lalaki ako kaya alam akong may gusto si Steven kay Ayla base na rin sa kung paano nito tratuhin ang aking asawa at sigurado akong hindi lamang iyon dahil sa matalik silang magkaibigan. Alam kong kay Steven naglalabas ng kanyang mga hinaing si Ayla kahit noon pa man dahil mga bata pa lamang sila ay matalik na silang magkaibigan. At iyon ang aking ikinaiinis at ikinagagalit. Ang isiping magkasama sina Ayla at Steven at ginagawa ang mga bagay na rapat ay kaming dalawa ng aking asawa ang gumagawa. Siguro ay naghahanap si Ayla ng comfort mula sa ibang lalaki rahil sa panlalamig na ipinaparamdam ko sa kanya these past few days. Pero kasalanan ito ni Ayla. Kasalanan niya kung bakit nanlamig ako sa kanya. Ilang beses kong inintindi si Ayla pero kahit kailan ay hindi ko man lang naramdamang inintindi rin ako ng aking asawa. Siguro ay sadyang napagod na rin ako sa pag-intindi kay Ayla. Sa aking mahal na asawa. Tiim-bagang akong tumayo mula sa pagkakaupo sa couch habang nakatitig pa rin kay Ayla. Rafael: Idinadahilan mo ba ang pagdamay kay Misha para makapuslit kayo ng kalaguyo mong si Steven? Nanlaki ang mga mata ni Ayla sa aking sinabi. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ayla. Siguro nga ay hindi sila nagkita ni Steven. Marahil ay natakot na siya nang minsan ko siyang pagbantaan na may mangyayaring masama kung mapatutunayan kong may relasyon silang dalawa ni Steven. Ayla: Ra-Raf? Nakikita ko ang pagdaramdam sa mga mata ni Ayla. Mabilis akong umiwas ng tingin. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata ni Ayla. Mahal ko pa rin si Ayla. Mahal ko pa rin ang aking asawa. Ayla: Wa-wala kaming relasyon ni Steven. Nahihimigan ko ang pait sa tinig ng boses ni Ayla. Nasasaktan si Ayla rahil sa aking mga akusasyon tungkol sa kanilang dalawa ni Steven. Pero kinakain ako ng galit. Kinakain ako ng selos dahil sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Bakit nga ba pinag-iisipan ko ng masama ang aking asawang si Ayla? Hindi kaya iniisip kong pinagtataksilan ako ni Ayla ay dahil gusto kong i-justify ang aking sariling kasalanan sa kanya? Patawarin mo ako, Ayla. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD