CHAPTER 4

1665 Words
THIRD PERSON POV Muling nagkita sa loob ng isang hotel room ang isang lalaki at isang babae. Habang tumatagal ang kanilang mga nakaw na sandali ay mas lalo silang nagiging mapusok. Mas dumadalas ang kanilang patagong pagkikita. Hindi alintana kung sila man ay may pinagtataksilan. Sabik na sabik ang magkalaguyo sa katawan ng bawat isa. Nakatuwad sa sahig ng hotel room na iyon ang babae habang ang lalaki ay nasa ibabaw nito at umuulos sa loob ng yungib nito mula sa likuran. Malalakas ang kanilang mga ungol. Nakasisiguro silang walang makaririnig sa kanilang mga pag-angil. Paminsan-minsan ay napapasabunot pa ang lalaki sa buhok ng babae at hinahatak ito na nagiging sanhi ng pagtingala ng ulo ng babae. Dito naman ay iaanggulo ng lalaki ang ulo ng babae sa kanyang direksyon sa likuran nito para magkaharap ang kanilang mga mukha. Oras na magtama ang mga hanging nagmumula sa loob ng kanilang mga bibig ay magsasalubong ang mga labi ng lalaki at ng babae para pagsaluhan ang isang makasalanang halik. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha sa sobrang pagsibasib nilang dalawa sa mga labi ng isa't isa. Ilang mabilis na pag-ulos pa ng alaga ng lalaki sa loob ng yungib ng babae ay sumabog na ang mga katas niya sa kaloob-looban ng nag-aalab na yungib ng babae. Muli na namang nakaraos ang dalawang taksil. ---------- ZANDER's POV Nakita kong umalis na ang tricycle na nasa harapan ng tricycle na sinundan ko. Buti naman. Isa na lang at makakapasada na ulit ako. Marami-rami rin ang kinita ko ngayon kaya malaki ang matitirang kita sa akin kapag naibigay ko na ang boundary sa may-ari ng tricycle na ipinapasada ko. Pasipol-sipol ako habang hinihintay na mapuno ang tricycle na sinundan ko rito sa terminal ng tricycle sa barangay kung saan kami nakatira ng misis kong si Trina at ng anak naming si Clarence. Maya-maya ay may dumaang itim na kotse sa tabi ng terminal ng tricycle. Pamilyar sa akin ang kotseng ito. Sinubukan kong aninagin kung sino ang sakay sa loob ng kotse since hindi naman tinted ang sasakyan. Si Ayla ba 'yon? Nanlaki ang aking mga mata. Si Ayla nga. Isa sa mga kaibigan namin ng misis ko. Pero bakit nandito sa lugar namin ng misis ko ang kaibigan namin ngayon? Binisita ba nito ang misis kong si Trina? Napailing ako. Hindi man lang ako hinintay ni Ayla na makauwi ng bahay namin ni Trina para makapagkumustahan kami. Magpapasalamat na rin sana akong muli rahil malaking tulong ito at ang asawa nitong si Rafael sa aming mag-asawa. Si Rafael ay parte rin ng barkada at kaibigan din namin ni Trina. Sina Ayla at Rafael ang tumulong sa aming mag-asawa nang mangailangan kami ni Trina ng pera rahil nasaid ang aming ipon nang dapuan ng dengue ang anak naming si Clarence. Si Trina ang pinaka-close friend ni Ayla sa barkada kaya hindi naging mahirap para sa misis ko ang humingi ng tulong pinansiyal kay Ayla. Nagbigay ng malaking pera sa amin ni Trina ang mag-asawang Ayla at Rafael. Sapat para makapagpatayo si Trina ng karinderya. Ipinilit namin ni Trina na utang iyon, pero tumanggi sina Ayla at Rafael. Isipin na lang daw namin na regalo nila iyon sa kanilang inaanak na siyang anak namin ni Trina. Ang pwesto ni Trina ay sa mismong tapat ng bahay namin. Kumuha siya ng tatlong taong makatutulong niya sa karinderya sa tuwing namamasada ako. Dahil naging abala sa karinderya si Trina ay kumuha siya ng tagapangalaga ng baby namin, ang kapitbahay naming si Hayley. Uwian naman ito. Kaya ngayon ay apat na tao ang sinasahuran ni Trina, na hindi na rin naman mabigat dahil sa laki ng kinikita ng karinderya. Ang kinikita ko naman sa pamamasada ng tricycle ay iniipon namin ni Trina para sa pag-aaral ni Clarence pagdating ng panahon. Si Trina ang humahawak ng lahat ng pera rahil dati pa naman ay magaling na siyang humawak ng pera rahil na rin siguro sa pagiging madiskarte sa buhay. Madiskarte ang misis kong si Trina kahit noong High School pa lamang kami. Kung anu-anong raket ang pinapasok niya para mapag-aral ang sarili. Nagtitinda ng mga kakanin, banana cue, barbecue, sumasali sa mga singing contest ng barangay, tumatao sa tindahan ng kapitbahay kung walang pasok sa school, at kung anu-ano pa. Nang nasa First Year College na si Trina ay nagkasunud-sunod ang problema ng kanyang pamilya. Binawian ng buhay ang kanyang ama rahil sa sakit sa puso at ilang buwan lang matapos mamatay ito ay sumunod ang kanyang ina rahil sa tuberculosis. Sunod namang naisugod sa hospital ang dalawa niyang kapatid dahil sa anemia. Ang isa pa niyang kapatid ay nakulong dahil sa bawal na gamot. Kinailangang tumigil ni Trina sa pag-aaral para tumayong padre de pamilya sa kanyang mga kapatid. Mabuti na lang at nandoon kaming mga kaibigan niya noong panahong iyon para alalayan siya. Hindi na bumalik si Trina sa pag-aaral at ibinuhos ang lahat ng kanyang oras sa pagkayod para sa kanyang mga kapatid. Katulad ni Trina ay hindi rin ako nakapagtapos sa pag-aaral. Pero hindi ako madiskarteng katulad niya. Inuna ko ang pambababae kaysa ayusin ang buhay ko. Pumasok ako sa iba't ibang relasyon. Hindi ako tumatagal sa iisang babae. Basta maramdaman kong wala ng spark ang relasyon ay nakikipaghiwalay na agad ako. Sinasabi ko sa aking sarili na minahal ko naman sila, pero siguro ay mabilis akong magsawa. Hanggang nakuha ni Trina ang atensyon ko. Hindi ko alam pero bigla ko na lang na-appreciate ang pagiging masikap at madiskarte niya sa buhay. Dahil doon ay nagpakita ako ng interes sa kanya. Nang una ay tumanggi pa siyang ligawan ko rahil magkaibigan daw kami pero nakuha ko rin ang kiliti niya sa huli. Nang maging magkarelasyon na kami ni Trina ay sinubukan kong ayusin ang buhay ko rahil na rin sa na-inspire ako sa kanyang kasipagan. Hindi pa rin maiiwasan ang mga tukso, pero iba si Trina. Bumabalik-balik pa rin ako sa kanya, hindi tulad noon na kapag may nakita akong bagong pagkakainteresan ay nakikipaghiwalay agad ako sa aking current girlfriend. Si Trina ang pinakatumagal sa lahat ng naging girlfriends ko at sa kanya ko lang naramdaman ang sinasabi nilang totoong pagmamahal. Ilang beses niya akong nahuli na may mga kalandiang babae, pero lahat ng iyon ay pinalagpas niya. Hindi ko rin naman pinatulan ang mga babaeng iyon. Harmless flirting kumbaga. Hanggang dumating ang panahon na hindi na talaga ako tumitingin sa ibang babae. Na si Trina na lang ang babaeng nakikita ng mga mata ko. Siguro ay nalampasan ko na ang stage ng kaharutan at nandoon na ako sa stage ng aking buhay na gusto ko nang lumagay sa tahimik. Kaya naman niyaya ko nang magpakasal si Trina at tinanggap naman niya agad na ikinagulat ko rahil akala ko ay tatanggi pa siya rahil may pinapaaral pa siyang mga kapatid. Iyon pala ay dahil nagdadalang-tao siya. Nagsisisigaw ako nang malamang magkakaanak na kami ni Trina at magiging ama na ako. Sa huwes kami nagpakasal ni Trina at syempre kumpleto ang barkada namin kahit late na dumating ang mga kaibigan naming sina Bianca at Gino, as usual. Nag-offer ang isa naming kaibigan na si Gabriel na roon na lang sa pagmamay-aring resort ng pamilya nito kami mag-honeymoon. Hindi na namin tinanggihan iyon ni Trina. Masayang-masaya kami nang araw na iyon. Naputol ang aking pagbabalik-tanaw nang kalabitin ako ng driver ng tricycle na sinundan ko sa pila. Si Domeng. Domeng: Pre, sa iyo raw gustong sumakay noong isa, eh. Special daw. Kulang pa nga ng isa rito sa akin, pero sa iyo raw gusto magpahatid, eh. Ngiting-aso si Domeng. Tumaas-baba pa ang mga kilay nito pagkasabi niyon. Nilingon ko kung sino ang sinasabi nito. Napailing ako. Si Suzette. Isa sa mga madalas kumain sa karinderya ng misis ko, pero kumakain lang kung nandoon ako sa karinderya para magbantay sa mga araw na wala akong pasada ng tricycle. Lumakad palapit sa akin si Suzette. Ilang beses na itong nagpapakita ng motibo sa akin, pero tulad nang sinabi ko ay hindi na ako tumitingin sa ibang babae maliban sa asawa kong si Trina. Suzette: Hi, Daddy Zander. Hatid mo ako sa bahay. Dodoblehin ko pa 'yong bayad para sa special trip. Malanding kumindat sa akin si Suzette. Umiling na lang ako at nagbuntung-hininga. Bibilisan ko na lang ang biyahe para makaiwas sa tukso. Nakita kong pumuwesto ng upo si Suzette sa likod ng pwesto kung saan umuupo ang nagda-drive ng tricycle. Tinitigan ko siya ng masama. Zander: Lumipat ka sa loob. Nag-pout si Suzette. Suzette: Eh, Daddy Zander, nakakaakit 'yang ayos mo ngayon. Naka-muscle shirt ka. Inaakit mo talaga kaming mga pasahero ng maganda mong katawan, eh. Tulad kung paano mo ako patakamin ng isini-serve mong sabaw sa karinderya ninyo kapag kakain ako roon. Gusto ko lang namang madama 'yang matitigas mong dibdib na tadtad ng tattoos. Ang hot mo talaga. Ikaw ang literal na hot Daddy. May misis na, may anak pa. At higit sa lahat, yummy! Pigil na pigil akong patahimikin si Suzette. Customer ito kaya kailangan ko pa ring irespeto kahit parang walang respeto sa pagiging may asawa kong tao. Umiling ako at pumuwesto na para paandarin ang tricycle. Nang umandar na ang tricycle ay biglang sumigaw si Suzette sa mga kasama kong tricycle drivers. Suzette: Igagarahe na ako ni Daddy Zander, guys! Naghiyawan ang mga kasama kong tricycle drivers at ch-in-eer pa ako ng mga loko-loko. Sana ay walang magsumbong kay Trina sa mga nangyari ngayon at baka ma-misinterpret pa niya. Malapit na kami sa bahay ni Suzette nang maramdaman kong may humaplos na kamay sa gitna ng mga hita ko. Muntik na akong mawala sa concentration sa pagda-drive dahil sa mapangahas na kamay na iyon. Mula sa aking likuran ay bumulong si Suzette sa aking tainga na siyang ikinanginig ng buong sistema ko. Suzette: Igarahe mo na itong alaga mo, Daddy Zander, sa loob ng yungib ko. Iyon lang at dinilaan na ni Suzette ang aking tainga. Zander: Ilayo Niyo po ako sa tukso... ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD