Chapter 8

3595 Words
"Shhh. Don't cry." "Ang tigas talaga ng ulo mo!" Pilit siyang hinatak ng kapatid. Hindi siya pumayag, yumakap siya kay Lee na lugmok pa rin sa sahig. "No!" tanggi niya. Inubos niya ang lakas sa pagkakakapit kay Lee. Once she let go of him, no one could tell what her brother would do. "You're hurting her, Gael! Stop!" "Gael, Georgina!" Hangos na pumasok ang mga magulang nila ni Gael. "Mr. Zervos? What are you doing here?" tanong ng Daddy niya. Noon pa lang siya tinigilan ng kapatid. Naramdaman niya ang paghaplos ni Lee sa likod niya. Iyak siya nang iyak habang nakasubdob sa dibdib ng binata. "Shhh...tahan na," alo sa kanya ng binata. Kumilos si Lee para tumayo, tangay siya. His arm went around her protectively. "Magpaliwanag ka, Mr. Zervos," ang Daddy niya. "Pasensya na ho kayo, Sir. Gusto ko lang naman siyang makausap. Kaso ayaw akong pagbigyan ni Gael." "Bibilugin mo na naman ang ulo ng kapatid ko!" Akmang manunugod uli si Gael pero napigilan ng Mommy nila. "Your sister is an adult. Kaya niyang magdesisyon para sa sarili niya. If she wants to be with me, labas ka na doon," madilim ang mukhang balik ni Lee. Tumikhim ang Daddy niya. "Sa baba na tayo mag-usap." Sa sala sila nagtipon-tipon. Hindi pa rin siya binibitiwan ni Lee. Kalmado na rin ang Kuya Gael niya pero hindi natapos ang mga matatalim na tingin nito sa binata. "Wala kaming karapatang hadlangan kung sino ang gusto ni Georgina. But we are her family. We only wanted the best for her. And right now, we don't think ikaw 'yon, Mr. Zervos," sabi ng Daddy niya. "D-Dad--" agaw ni Georgina pero pinigil siya ng ama. "Stay out of this, honey. Please." "Pasensya ka na pero sa tingin namin eh, walang mabuting maidudulot ang ugnayan ninyong dalawa," dugtong ng Mommy niya. "Malabo sa amin kung ano ba ang kapatid ko para sa 'yo. And we don't appreciate you taking advantage of her feelings to keep her by your side," si Gael. "She's our only daughter, Mr. Zervos. She may be a grown woman but for us, she's a fragile crystal that should be handled with care. Kaya sana maintindihan mo kung bakit namin kayo pinaglalayo. Hindi namin mapagkatiwalaan ang damdamin ng anak namin. Nakikiusap ako bilang isang ina. Kung hindi mo kayang mahalin si Georgina, pakawalan mo siya." Walang naisagot si Lee. Napayuko lang ang binata, nasa sapatos nakatuon ang tingin. Parang gustong maiyak ni Georgina nang unti-unting lumuwag ang hawak nito sa kamay niya. She could only bite her lower lip to keep herself from sobbing. His voice broke. "I understand." "Maraming salamat," ani Mr. Valdez. "Inaasahan kong lalaki kang kausap, Mr. Zervos." Mahigit five minutes nang wala ang mga magulang at kapatid niya. Hindi pa rin nagsasalita si Lee. Siya ang hindi nakatiis. Georgina cleared her throat. "So...I guess this is where we say our good byes?" Again, he nodded his head. Georgina kept on biting her lower lip to keep the tears at bay. Tumingala siya sa kisame saka humugot ng malalim na paghinga. "Aren't you going to tell me something? Nag-akyat pader ka pa tapos hindi mo rin naman pala sasabihin." "I don't think it matters anymore." Tumayo ito. "Alis na 'ko." Ganoon lang? Pagkatapos ng lahat-lahat? Pero wala siyang lakas loob na sabihin 'yon. Sa mga panahong hindi niya nakikita si Lee ay inisip niyang baka posibleng makalimot siya. Tatangayin lang pala ng hangin ang effort niya sa sandaling magdikit sila. Ganoon siya karupok. Muling napalunok si Georgina. Siguro nga, ito ang mas makakabuti sa kanya. "Ingat ka." "Goodbye, sweet thing." # She's leaving the country. Imposible na talaga sa kanya ang ibalik ang buhay sa normal. Kahit saan siya mapunta ay parang nanadya ang pagkakataon. Lagi silang pinagtatagpo ni Lee. She felt like dying each time their eyes meet across the room. Hindi siya pinilit ng pamilyang bumalik sa trabaho. Dalawang buwan na rin ang nakalipas mula noong magpunta si Lee sa bahay nila. Ilang beses na rin silang nagpang-abot sa mga gatherings sa social circle nila. Maliit lang ang mundong ginagalawan nila ng binata. And watching him from afar is too much for her. Napansin ng Mommy niya ang kawalan niya ng ganang kumain. "Bakit hindi ka magbakasyon?" "Na naman?" Natawa siya. "Kailangan mo yata ng change of environment, anak. How about New Zealand? Matagal-tagal ka na ring hindi nakakadalaw sa Lolo't Lola mo." Napaisip siya. "Sige, 'My." Isang araw bago siya umalis ay dinalaw niya si Gabriel. Humingi na rin siya ng tawad dahil nawala sa kanya ang regalo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli si James at ang mga kasama. Si Gael ang naghatid sa kanya sa airport. Pagdating doon ay nag-check in kaagad si Georgina. Dalawang oras pa bago ang flight niya. "Let's get you some caffeine," aya ni Gael. Pagtango niya ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napakapit siya sa kapatid na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa kanya. "Okay ka lang?" Ipinilig ni Georgina ang ulo. "Wala 'to." "Are you sure?" Sinalat ni Gael ang noo at leeg niya. "Hindi ka naman mainit. Kumain ka ba bago umalis ng bahay?' Umiling siya. "Wala akong gana." "That must be it. Come on, no coffee for you. Breakfast ang kailangan mo." Tama ang kapatid niya. Bumuti ang pakiramdam ni Georgina nang makakain. Naubos niya ang breakfast set na inorder. Napailing na lang si Gael dahil wala siyang itinira. "Gutom na gutom ka siguro. Simot o." "Lately kasi parang may mali sa panlasa ko," amin niya habang iniinom ang orange juice. "Mukhang tama si Mommy. Kailangan ko ng bagong environment." Mabilis na lumipas ang mga oras. Mayamaya pa ay narinig na nilang in-announce na ang flight ni Georgina. Sabay silang tumayo ni Gael. "Mag-iingat ka. Susunod ako 'pag naayos na ang schedule ko." "Pati ba naman sa New Zealand, babantayan mo ako Kuya?" kunwari ay reklamo niya. Kinurot ni Gael ang pisngi niya. "Baka may Leandro Zervos version 2.0 doon." Sumimangot siya. "Wala na 'yon." "Gusto ko ring dumalaw kina Lolo at Lola. Nagtatampo na sa akin si Lolo, tatlong taon na kaming hindi nagkikita. Baka bawiin 'yong mana ko," natatawang sabi ni Gael. She gave her brother a tight hug. "Bye, Kuya." "Enjoy your vacation." Via Cairns ang biyahe niya papuntang Auckland. Isang oras bago lumapag ang eroplano, nakaramdam si Georgina ng pagsama ng pakiramdam. Kahit walang panlasa ay pinilit niyang kumain ng crackers. Parang may malalaking alon sa loob ng tiyan niya. Pero lalo lang nakasama ang pagkain. Takbo siya sa toilet at agad na naisuka ang lahat ng nakain. Paulit-ulit siyang naduwal hanggang sa wala na siyang ilabas kundi puro laway. It took her a while before she regained her strength to keep upright. Naghilamos siya at lumabas na parang walang nangyari. "Are you alright, Ma'am?" tanong sa kanya ng stewardess na naabutan niya sa labas ng cr. Ngumiti siya sa babae. "Y-yes. It must be something I ate." "We can contact the control tower upon approach if you need medical attention." Pinakiramdaman niya ang sarili. Medyo nabawasan na ang pag-alon sa tiyan niya pero nanatili ang pagkahilo. Hindi siya sigurado kung anong nangyayari sa kanya. "Yes, please. Thank you." "You're welcome, Ma'am. I'll escort you to your seat." Hindi siya tumanggi dahil gumewang siya sa pagkakatayo. Napasandal siya sa balikat ng stewardess at hinayaan itong alalayan siya. Nagpasalamat siya sa babae matapos siya nitong maiupo. Paglapag ng eroplano sa Cairns Airport ay may ground staff na agad umalalay sa kanya. Sinamahan siya nito sa clinic para mapatingnan sa doktor. Pero napansin niyang palala nang palala ang pagkahilo habang naglalakad. Pakiramdam niya ay nakasakay siya sa carousel na mabilis ang pag-ikot. Dumilim ang paningin ni Georgina. Unti-unting tumiklop ang tuhod niya. Naagapan siya ng ground staff bago pa humampas ang ulo niya sa sahig. Oddly enough, her last thoughts were of Lee before she lost consciousness. "Lee?" Itinulak niya ang pinto. The wind gently blew on her lace curtains. Malaki ang pagkakabukas ng mga bintana. Maliwanag na maliwanag ang paligid dahil sa sikat ng araw. Matitingkad din ang mga kulay ng mga bagay, parang TV na naka-maximum ang vividness. Mula sa taas ay narinig niya ang pababang yabag. It was followed by multiple yappings and a masculine laugh. Lumitaw si Lee sa itaas ng hagdan, kasunod ang apat na tuta. Kumunot ang noo niya. Kailan pa siya nagkaroon ng mga aso sa bahay? There you are." Pinanood niya ang binatas sa pagbaba nito sa hagdan. Kasunod ng lalaki ang mga hayop. Lee skipped the last step to get to her. Niyakap siya ng binata pagkatapos ay binigyan ng isang mabilis na halik sa labi. "Bakit may mga tuta sa bahay ko?" Tinitigan siya ni Lee na para bang may nasabi siyang mali. "Regalo ko sa 'yo dahil madalas kang walang kasama sa bahay 'pag nasa trabaho ako." Ano naman kung madalas siyang mag-isa? Given na 'yon dahil solo lang siyang namumuhay sa Boracay. Lalo siyang nalito. "Hindi ko birthday." "Hindi naman 'yon ang okasyon." "Eh, ano?" Bilang sagot ay kinuha ni Lee ang kamay niya at idinikit sa kanang kamay nito."Happy Anniversary, sweet thing." Nanlaki ang mga mata ni Georgina. Suot niya sa daliri ang kakambal ng singsing na nasa daliri ni Lee. "She's coming around." Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Dalawang mukha ng mga estrangherong mukha ang nabungaran niya. "W-Where am I? What h-happened?" Ang babaeng doktor ang sumagot. "You're in a clinic called The Airport Doctors. You passed out on your way here. But don't you worry, Ma'am. You have a clean bill of health." Tinulungan siya ng nurse na makabangon. Hindi na siya nahihilo at wala na rin ang masamang pakiramdam sa tiyan niya. Para lang siyang nagdahilan. "Are you sure it's not food poisoning or the sort? My stomach was churning and I felt dizzy in the plane." Ngumiti ang doktor. "It's normal for a pregnant woman to feel those symptoms. You're eight weeks underway." A sudden coldness hit her core. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Her mind raced. Binilang niya ang mga araw noong huling may mangyari sa kanila ni Lee. Binalikan niya lahat, naghanap siya ng mga posibleng signs na magpapatunay sa sinabi ng doktor. The way her pallet seemed to take a drastic change. Walang lasa ang lahat ng pagkain sa kanya. Kahit ang mga paborito niyang dish ay kaya na niyang isnabin. Georgina suddenly burst into tears. # Devonport is beautiful. Her aunt's house is built on Cheltenham beach. Ang kuwartong ibinigay sa kanya ng tiyahin ay nakaharap sa dagat. Naging ugali na niyang abangan sa terrace ang pagsikat ng araw. She had peace and quiet. Agad niyang ipinaalam sa pamilya ang kondisyon. Noong una ay nagalit si Gael. But her parents were the opposite. Mas excited pa nga sa kanya ang mga magulang. Ganoon din ang reaction ng Lolo't Lola niya. Hindi na nila kinuwestiyon kung bakit walang makakagisnang ama ang bata. Needless to say, her family knew who's the father. Kagaya niya, ayaw ni Gael na ipaalam kay Lee ang kondisyon niya. Iba naman ang opinyon ng mga magulang nila, gusto nilang ipaalam kay Lee pero hindi siya pumayag. Ayaw na niyang makagulo pa sa buhay ng binata. Gael came to Devonport on her sixteenth week. May kaunting umbok na siya sa tiyan pero kung magsusuot siya ng maluwang na damit ay hindi pa naman halata. Tuwang-tuwa ang Lolo at Lola nila sa pagdating ng kapatid niya. "Kung hindi pa nagbakasyon si Georgina dito, aba eh hindi kayo makakaisip na dumalaw," may halong pagtatampo ang boses ng Lola niya habang nakayakap kay Gael. "Pasensya na ho, tambak lang ang trabaho." "Kaya nga sabi ko blessing in disguise 'yang pagbubuntis ni Georgina. Kita n'yo Ma, dadalaw din sina Ate at Kuya. At magtatagal pa sila dahil hihintayin nilang manganak si Georgina," singit ng Tita Mildred niya. "Baka nga ho hindi na makaisip na umuwi 'pag nakapanganak ako," sabi niya. "Hindi pa nga lumalabas 'to, excited na sila." Hinimas niya ang tiyan. Nang mapagsolo sila ng kapatid sa lawn sa tabing dagat ay kinamusta siya nito. "Heto, maayos naman. Healthy ang baby, Kuya." "Regular naman ang punta mo sa doktor?" "Opo. Mabait ang OB ko. Filipina rin siya na dito na nakapag-asawa." "One week lang ang pwede kong itagal dito. Babalik na lang ako bago ka manganak," sabi ni Gael. Nasa dagat ang mga mata nito. Pinagmasdan ni Georgina ang kapatid. Guwapo pa rin ang Kuya niya pero parang nag-mature itong bigla. Sa dami ng responsibilidad nito sa kumpanya, hindi na nakapagtataka 'yon. Dati rati ay tatlo silang naghahati sa trabaho. Ngayon ay solo ni Gael ang lahat. "Kuya," hinawakan niya ang kamay ng kapatid. Natigil ito sa pag-inom sa hawak na beer at nilingon siya. "O?" "Sorry ha?" "Sorry saan?" "Sinolo mo lahat mula nang mamatay si Kuya Gabriel," pumiyok ang boses ni Georgina pagkabanggit sa kapatid. "Don't lose sleep about it." "Pero sorry pa rin. At the rate you're going, I'm worried you might end up a bachelor for life." "Okay lang. Di mo naman ako pababayaan, 'di ba?" Ginulo nito ang buhok niya. Tumango siya. Tinapik niya ang impis na tiyan. "And I'll make sure this little one here will do the same for both of us. Pero kung may chance, mag-asawa ka. Iba pa rin 'yong may sarili kang pamilya." "Okay, I won't be closing my doors." Mayamaya ay nagring ang cellphone ni Georgina. Number ng clinic ng doktor niya ang nagpa-flash screen. "Hello?" "Hello, Georgina. It's Cathy from Dr. Rowe's clinic. I'm calling to remind you of your appointment at ten o'clock." "Ah, yes. Thank you, Cathy." "See you later, bye." "Bye." The time is fifteen minutes before nine. Marami pa siyang oras. Fifteen minutes lang naman ang layo ng clinic ni Dr. Patcicia Rowe. "May appointment ka?" "Yup. Samahan mo 'ko sa OB ko," parang batang ungot niya. Napatingin si Gael sa relo. "Alright. Bihis lang ako." "Maaga pa naman." "Just the same, mas mabuti na 'yong bihis na ako para aalis na lang tayo mamaya. I suggest you do the same." Naiiling na sinundan na lang niya ng tingin ang likod ng kapatid. # "Boyfriend mo?" pabulong na tanong ni Dr. Rowe nang pumasok siya. Naiwan sa visitor's chair ang kapatid niya, nagbabasa ng magazine. Nang minsang lumabas ang doktor para kausapin ang receptionist ay nakita nitong akbay siya ni Gael habang naghihintay. "Kapatid ko." "Ay, wrong number. Akala ko boyfriend mo. Hindi kayo magkamukha ha." "Kamukha niya si Mommy, kay Daddy naman kami ni Kuya Gabriel nagmana," paliwanag niya. "May isa ka pang kapatid? Sigurado gwapo rin." Her smile was sad. "Oo. Sayang lang wala na siya." "Oh. I'm sorry." "Okay lang. Ano doc, kamusta ang baby?" pag-iiba niya sa usapan. "Growing fast and healthy. Ituloy mo lang ang ni-recommend kong diet mo. Tapos 'wag kakalimutan ang vitamins. Tawagan mo ako agad kung may maramdaman kang kakaiba." "Yes, doc." Nang matapos sila ay hinatid siya ng doktor sa labas. Tamang-tama namang may dumating na delivery ng bulaklak at cake para kay Cathy. Birthday pala ng babae at sinorpresa ito ng asawa. Tinanggihan niya ang alok na cake. Pero hindi na siya nakatanggi sa picture taking. Eksaktong twenty days nang nakabalik ng Pilipinas si Gael nang makatanggap siya ng tawag mula sa Mommy niya. Nahuli na raw si James. "Ibig bang sabihin 'My, kailangan kong umuwi para sa hearing ng kaso?" Wala pa man ay gusto na niyang magpanic. Ayaw niyang umuwi dahil siguradong magkikita sila ni Lee. Dalawa silang sangkot sa pangayayari nang gabing 'yon sa Boracay. Imposibleng hindi magtagpo ang mga landas nila sa korte. Ayaw niya. O mas tamang sabihing hindi pa siya handang makaharap si Lee. Lalo na at dala-dala niya ngayon ang magiging anak nila. She's scared how he would react to the news. "Anak, walang hearing." "Po?" Napatayo siya. "Hindi pwedeng wala! Hindi basta-basta ang charge na attempted murder at abduction sa kanya, 'My. Nabayaran ba nila ang mga authorities kaya walang kaso?" sunod-sunod na hirit niya. Nahulog sa sahig ang booties na kakabili lang niya. Namili na siya ng mga gamit ng bata habang hindi pa masyadong malali ang tiyan. "Walang hearing dahil walang suspect. Patay na si James." "W-What?" "Naaksidente ang police mobile na sinasakyan niya nang maaresto siya. Nabangga ng isang ten-wheeler truck ang sinasakyan nila dahil nawalan ng preno. Dead on the spot si James at ang dalawa pang pulis na kasama. Isa lang ang nakaligtas." Ni hindi niya magawang malungkot para kay James. "Sorry but I had to say this. Karma is a b***h and the b***h came for him. May he rot in hell." "Georgina..." saway ng Mommy niya. "Sorry, 'My. Tao lang." "Siyanga pala, si Lee--" Pagkarinig sa pangalan ng binata ay agad niyang pinutol ang sasabihin ng ina. "Hindi ako interesadong marinig." "Pero anak, baka--" "Bye, 'My. I love you!" Saka niya pinindot ang end button. She went for a walk by the beach after talking to her mother. Alas kuwatro pa lang ng hapon at mataas pa ang sikat ng araw. Safe din ang area kaya hindi siya nag-aalala kahit wala siyang kasama. Alam niyang masama ang magtanim ng galit sa kapwa. Pero ano'ng magagawa niya kung hanggang ngayon ay kumukulo ang dugo niya kay James? Mapapatawad rin niya siguro ang lalaki, hindi lang sa ngayon. Ayaw din naman niyang mag-ipon ng galit sa dibdib. Ngayon pang magiging ina na siya, gusto niyang maging magandang example sa anak. Nawili siya hanggang sa paunti-unting bumababa ang araw. She decided it's time to head back. Pero habang papalapit siya sa bahay ay may napansin siyang lalaking nakaupo sa swing. Tambayan niya 'yon 'pag tinatamad siyang lumabas. She squinted her eyes as she came closer. Nakita niyang isinuklay ng lalaki ang isang kamay sa buhok nito. Georgina froze. Kinutuban na siya pero ayaw tanggapin ng isipan niya. Imposibleng matunton siya ni Lee doon. There is only one way to find out. Binilisan niya ang paglalakad. Ganoon na lang ang kaba niya nang makumpirma ang hinala. Si Lee nga! Paano siya nito nahanap? Hindi siya naniniwalang kusang ibinigay ng pamilya niya ang kinaroroonan niya ngayon. Nakatalikod ang lalaki sa direksyon niya kaya hindi siya nito napansin. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. That's your Dad, little one. Parang ayaw kumilos ng mga paa ni Georgina. Halo-halong pagkasabik, kaba at takot ang nag-aagawan sa dibdib niya. Sa huli ay wala siyang napagpilian kundi ang harapin si Leandro Zervos. "How did you find me?" Si Lee ang inaasahan niyang magugulat. But the dark look on his face rooted Georgina to the spot. A vein on his forehead just beneath his hairline pulsed. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Lumipat ang pansin ni Lee doon. As if by miracle, the look on his eyes softened. "Your picture." "What picture?" "'Yong kuha sa clinic ng OB Gyne mo." Tumayo si Lee at lumapit sa kanya. Hindi niya namalayang napaatras siya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ka?" Umiwas siya ng tingin. "Wala kang pananagutan sa akin. Hindi sa 'yo to," tanggi niya. Bigla siyang hinawakan ni Lee sa magkabilang braso. "Look at me. Damn it, Georgina!" "Ano ba? Nasasaktan ako!" Napamura ang binata pero nakinig naman sa kanya. She rubbed her shoulders. "You're not supposed to be here." "I have every right to be here because that's my child. Kung hindi ko pa aksidenteng nakita ang picture mo, tatanggalan mo pala ako ng karapatan sa anak ko?" "This is not yours!" tanggi niya. "Sino'ng niloloko mo?" umiling si Lee. "Hindi ako naniniwalang ganoon lang kabilis mo ako pinalitan." "Hah! Ang laki naman ng bilib mo sa sarili. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo." Umangat ang kilay ng binata. Umabante si Lee na dahilan para mapaurong si Georgina. Pero wala na siyang mapupuntahan dahil katawan na ng puno ang nasa likod niya. Nanuyo ang lalamunan ng dalaga lalo na nang ilapit ni Lee ang mukha sa kanya. Then the back of his hand caressed her cheek. "Need I remind you how you burn each time we touch?" mapang-akit ang boses na bulong ni Lee. Much to her dismay, her body recognized the familiar warmth. Nanayo ang balahibo ni Georgina sa braso lalo na nang dumako ang mukha ni Lee sa gilid ng leeg niya. Parang nilalandi ng hininga nito ang balat sa leeg niya. Kinakapos na siya ng hininga. She didn't noticed she has been holding her breath. Biglang lumayo si Lee. "Breathe, Georgina." Doon pa lang niya pinakawalan ang na-trap na hangin sa baga. Pakiramdam ng dalaga ay puro hangin ang laman ng utak niya, hindi siya makapag-isip nang maayos. Isang sumusukong buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Let's talk once and for all." "Alright." Kasabay ng pag-upo nilang dalawa sa damuhan, tuluyang nang bumaba ang araw. The lights on the lawn came alive, bathing the sorroundings with soft yellow glow. Mukha mga alitaptap ang mga maliliit na ilaw na nakapulupot sa mga sanga at katawan ng puno. "Saan mo gustong mag-umpisa?" tanong ni Lee. "Start with how you found me." "Aksidente lang. Hindi ko nga alam na umalis ka pala ng bansa." The underlying bitterness in his voice made her breath hitch. "Hindi mo alam?" Umiling si Lee. "Kaya pala hindi kita matiyempuhan sa bahay n'yo, wala ka naman pala talaga sa Pilipinas." "Inabangan mo 'ko sa amin?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo. Sa kabilang pader to be specific. Halos magkampo na ako sa bahay nina Mrs. Tan. Kung hindi dahil sa OJT namin na pamangkin ng OB mo, hindi ko malalaman na nandito ka." "How?" "It was fated."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD