Chapter 7

4196 Words
Nang muli siyang magising ay mabuti-buti na ang pakiramdam niya. Tapos nang operahan si Georgina at kasalukuyang nasa ICU para mamonitor ang kalagayan nito. Si Chantal ang kumontak sa mga Valdez. Agad namang dumating ang mga magulang at kapatid ni Georgina. Sa kuwarto niya nagpunta ang mag-anak pagkatapos nilang silipin si Georgina sa ICU para humingi ng paliwanag sa nangyari. Nagulat ang mga Valdez na magkasama sila ni Georgina sa insidenteng kinasangkutan ng dalaga. Lalo na nang malaman ng mga ito na sinalo ni Georgina ang bala na dapat ay para sa kanya. "S-Si James Sanders kamo ang may pakana?" hindi makapaniwalang tanong ng Daddy ni Georgina. "I'm afraid so," sagot niya. "Let me get this straight, Zervos. Ano'ng relasyon n'yo ng kapatid ko to warrant such action from James?" usisa ni Gael. He's an inch taller than Gael but the man is intimidating with his bulk at five eleven and an unflinching stare. Ang namayapang kapatid nitong si Gabriel ay anghel kung ikukumpara dito. Bago naging magaling na negosyante si Gael Valdez ay matunog ang pangalan nito sa underground fighting arena. There were rumors that he used to run with one of the notorious gangs of Metro Manila. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoong ugnayan nila Georgina. Pupulbusin siya ni Gael, injured or not. He could probably hold out on his own against Gael. Pero wala pa siya sa kondisyon para i-test ang teoryang 'yon. At medyo tinatablan siya ng takot sa kapatid ni Georgina. "Ah..." "Georgina's been in love with him since college. James abducted Lee para mapilitan si Georgina na ibenta sa kanya ang property niyang nakaharang sa development ng project niya," si Chantal. "W-What?" si Gael. "Chantal," saway niya sa babae. Pero tiningnan lang siya nito ng masama. "Why? Kung hindi dahil sa obsession sa 'yo ni Georgina, hindi tayo magkakagulo. Siya lang naman talaga ang puno't dulo ng gulong 'to." "Mag-iingat ka sa pananalita mo, Miss Sanders. Hindi mo kilala ang kapatid ko para pagsalitaan nang ganyan," matalim ang matang pagtatanggol ni Gael sa kapatid. Chantal scoffed. "Hah! Wala talaga kayong alam, ano? Georgina seduced my fiance two years ago kaya hindi natuloy ang kasal namin! Ang mali ko lang, hindi ko pinakinggan ang paliwanag ni Lee. Masyado akong nabulag sa selos at galit. Hindi pa siya nakuntento, sinundan na naman niya ngayon si Lee dito sa Boracay kung kailan we're working on fixing things between us." Damn it! Naunahan siya ni James sa pagsasabi kay Chantal. Frustrated na naihilamos niya ang mga palad sa mukha. "Chantal, stop," hindi nakatiis na saway niya. Hindi maganda ang dating sa kanya ng mga pinagsasabi ni Chantal tungkol kay Georgina. Disbelief registered on Chantal's face. "I'm just telling them the truth!" "Maldita ang kapatid ko pero hindi siya gagawa ng ganoong bagay," tanggi ni Gael. "Oh, God!" Bumuway ang pagkakatayo ng Mommy ni Georgina. Mabuti na lang at mabilis na nadaluhan ng asawa nito ang namumutlang ginang. "Lucia!" "Mom! Okay lang kayo?" tarantang inalalayan din ni Gael ang ina sa kabila. Pero imbes na magpaakay ay tinabig ni Lucia ang braso ng anak para harapin si Lee. "M-Malapit sa bahay mo ang aksidenteng kinasangkutan ni Gabriel," sabi nito, nanginginig ang mga labi. "Coincidence lang ba o si Georgina ang pupuntahan sana ni Gabriel nang gabing 'yon?" Walang nakaimik sa kanila sa tanong ng ginang. He didn't have the heart to confirm it. Ilang segundo pa ang lumipas at napatango na lang ang Mommy ni Georgina. Tiningala nito ang katabing asawa. "Take me to our daughter, Fernan." Tahimik na umalis ang mag-asawa pero nagpaiwan si Gael. Hinintay nitong makalabas ang mga magulang bago siya tinapunan ng galit na tingin. Nangnangangalit ang bagang ng binata, parang mananagpang. "Siguro naman patas na kayo ng kapatid ko. Ginulo niya ang buhay mo noon, sinagip ka naman niya ngayon. As soon as she's stable, ililipat namin siya sa Maynila. Hindi ito pakiusap kundi warning sa inyong dalawa ni Miss Sanders. Leave my sister alone. As far as I'm concerned, bayad na ang kapatid ko sa atraso niya sa inyo." Iyon lang at tinalikuran na sila ni Gael. "Finally, hindi na tayo guguluhin ni Georgina." Bumangon ang iritasyon sa dibdib niya para kay Chantal. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" "Hindi ka ba natutuwang wala nang sagabal sa atin?" "Hindi ako sinundan ni Georgina. She got here first." Gumuhit ang galit sa mga mata ng dalaga. "Ipinagtatanggol mo na siya ngayon?" "Stop with your nonsense." "Then stop acting as if you're in love with her! You're hurting me!" Wala siyang naisagot kay Chantal. # Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang mabaril siya sa Boracay. Nakabalik na siya ng Maynila. Bantay sarado siya. Sinubukan niyang umapela na alisin na ang mga bodyguards na nakabantay. Naaasiwa kasi siya. Tinalo pa niya ang preso sa trato sa kanya ng pamilya. Hindi siya makaalis ng bahay na walang bantay. Wala siyang cellphone, bawal din ang internet. Kinumpiska ng Kuya Gael niya ang laptop niya, pinutol din ang linya ng telepono sa kuwarto. Pakiramdam ni Georgina ay bumalik siya sa teenage days niya. Naiintindihan din naman niya ang kapatid. Hindi rin niya masisisi ang pamilya kung bakit gusto nilang putulin niya ang ugnayan niya kay Lee. And speaking of Lee, kamusta na kaya siya? Walang balitang nakakarating sa kanya tungkol sa binata. "Gulo lang ang hatid ng lalaking 'yon sa buhay mo, anak. Maghanap ka na lang ng iba, 'yong single," sabi ng Mommy niya. "Mom, ilang beses ko bang uulit-ulitin na wala ho akong balak na kontakin siya? Kaya no need na pabantayan n'yo pa ako." Laking pasalamat niya at wala siyang narinig na panunumbat mula sa pamilya kahit nalaman na nila ang totoong kuwento. Hindi siya sinisi ng mga ito sa pagkawala ng kapatid niya, kabaliktaran sa iniisip niya dati. Ngayon, gusto niyang bumawi sa pamilya. "Mas mabuti na 'yong nakakasiguro. Isa pa, hindi pa nahuhuli si James. Baka mamaya balikan ka niya. Kaya dapat lang na may bantay ka sa lahat ng oras," dugtong ng Daddy niya. Napabuntung-hininga na lang si Georgina. Wala siyang kakampi. Tuloy ay lalo niyang nami-missed si Gabriel. Tumayo na lang siya at humakbang palabas ng sala. "Saan ka pupunta?" tanong ng Kuya Gael niya. "Sa garden!" May duyan siyang ipinalagay sa garden, nakatali sa pagitan ng dalawang puno ng palma. Katabi ng isang palma ang malaking puno ng mangga na nagbibigay ng lilim. Tuwing hapon ay doon siya tumatambay para magbasa o kaya ay matulog. Nag-aagaw na ang antok niya nang makarinig si Georgina ng pagsutsot. Noong una ay binalewala niya sa pag-aakalang namali lang siya ng dinig. Pero nang muli niyang marinig ay naalarma siya. Na-eengkanto na ba siya? Nanlalalaki ang mga matang napatingin siya sa paligid, hawak ang dibdib na nag-uumpisa nang mag-riot sa pagkabog. Wala namang tao. Sa pagkakaalam niya ay wala ang may-ari ng bahay sa tabi nila. At isang beses sa isang linggo kung dumating ang tagalinis. Muli niyang narinig ang pagsutsot kaya tuluyan siyang napatayo, ready nang tumakbo. "Georgina!" pabulong na tawag ng kung sino sa kanya. Pagtingala niya ay nakita niya ang ulo ni Lee na nakalitaw sa kabila ng mataas na pader. Awang ang bibig na lumapit siya sa pader. "Ano'ng ginagawa mo d'yan? Paano ka nakapasok sa bahay nina Mrs. Tan?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Kakilala ko sila. Pero hindi na importante 'yon. Kailangan kitang makausap. Hindi ako makalapit sa 'yo, tinalo mo pa ang presidente sa higpit ng mga bantay mo," nakasimangot na reklamo nito. Pinigilan niya ang sariling matuwa. Baka kung ano na naman ang damdaming bubuhayin ng tuwang 'yon. "Ahm...bakit?" Saglit na natameme si Lee. Umilap ang mga mata nito at nagtanggal muna ng bara sa lalamunan bago sumagot. "Hindi pa kita napapasalamatan." "You're welcome," aniya saka nginitian ang binata. "Pasok na 'ko." "Wait!" Marahas siyang napalingon dito. "Wag kang maingay!" saway ni Georgina. "'Wag ka munang umalis." "Ano pa ba ang sasabihin mo?" "Ah..." kagat-labing natigil si Lee sa sasabihin. Georgina rolled her eyes. Nauubos na ang pasensya niya. "Ano ba, bilis na kasi! 'Pag nahuli ako ni Kuya baka tuluyan na niya akong ikulong sa kuwarto!" "Hindi nila pwedeng gawin 'yon!" "Nagawa na nila," paalala niya. "Isa pa, ayoko nang bigyan ng sakit ng ulo ang pamilya ko. Kaya umalis ka na, puwede?" "Ganoon na lang ba 'yon, Georgina?" Kunot-noong napatingin siya kay Lee. "Marunong ka nang magdrama ngayon? Tigilan mo nga ako, hindi bagay sa 'yo. Sige na." She turned on her heels to go back inside the house. "Alright, alright! Makinig ka," sumusukong pahabol ni Lee. Pinagbigyan niya ang binata, hindi niya itinuloy ang pag-alis pero hindi rin siya lumingon. "Pinagbawalan na ako ng kapatid mo na lumapit sa 'yo." Bumaba ang timbre ng boses nito, "But what can I do? I missed you." Ang puso niyang traidor, tumambling hanggang lalamunan niya. She hold up her hand, palm facing him. "Really, Leandro. Hindi mo na kailangang gawin 'to. Inuulit ko, okay na tayo. Kailangan ko nang pumasok sa loob." "Hindi mo man lang ba ako na-missed?" Natigil siya sa paghakbang. Pigil ang emosyong nilingon niya ang binata. "Tinatanong mo 'yan dahil? "Damn it! I don't know, okay?" he paused, clearing his throat. "Siguro I just wanted to see for myself how you're doing. Lalo na't hindi ko alam ang lagay mo mula nang ilipat ka nila ng ospital. Wala akong mapagtanungan dahil naka-block lahat ng impormasyon tungkol sa 'yo." "O--kaayyy..." sakay niya. "At galit na galit sa akin ang Kuya mo." Georgina laughed nervously. "Ano naman ngayon? It doesn't matter if my family doesn't like you. Given na 'yon dahil sa kabaliwan ko sa 'yo, hindi ko maayos ang buhay ko. Bawal ang makipag-usap o makipagkita sa 'yo. Kaya tumigil ka na, okay?" "Hey--" "Mam Georgina?" Pinandilatan niya si Lee at sinenyasang umalis na. Bago pa makalapit ang katulong ay sinalubong na ito ni Georgina. "Ano 'yon, Mae?" tanong niya sa katulong sabay pasimpleng harang ng katawan. Hindi niya alam kung nagtago nga ba ang binata o pinairal ang katigasan ng ulo. "Pumasok na raw ho kayo sabi ni Sir Gael para magmeryenda." "Sige, susunod na ako. May naiwan lang ako sa duyan," aniya. Nang mawala sa paningin ni Georgina ang katulong ay nilingon niya ang kinaroroonan ni Lee. Padabog na binalikan niya ito at muling tiningala. "Umalis ka na sabi!" may diin ang pagkakasabi niya. "Ayoko," pagmamatigas ni Lee. "Tatawagin ko ang mga bodyguards ko." "Tawagin mo. I'm itching for an exercise anyway." Biglang lumitaw ang katawan ni Lee sa pader at sumampa ito doon. In seconds, he jumped down the wall as if the drop was one foot tall. Pagbagsak ng binata ay gumulong ito sa damuhan. Sa pagkabigla ay hindi nakakilos si Georgina. Basta na lang siyang nakanganga habang ini-execute ni Lee ang talon-pader-gulong moves nito. "W-Why did you do that? Bumalik ka doon, bilis!" tarantang itinulak niya si Lee sa pinanggalingan nito. Lagot ito sa kuya niya! Wala pa man ay pinangangatugan na siya ng tuhod. "That's impossible. Unless I grow a pair of wings to fly up that wall," sabi ni Lee na parang balewala lang dito ang sitwasyon. "Bakit ka kasi tumalon?!" kulang na lang ay mapapadyak siya. "Hindi ka kasi nakikinig. A desperate situation calls for desperate measure, jumping down that wall is the most attractive option for me to get to you." "I really don't get it why you're doing this!" aniya. "That's why we have to talk," pilit ni Lee. "Ano pa nga ba ang magagawa ko eh, nandito ka na? Magtago ka muna, titingnan ko kung paano kita maipupuslit sa kuwarto ko!" paasik na bilin niya sa binata. Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata ni Lee. "Your room? I like that." Parang nakakalokong itinulak pa siya nito pasulong. Tinapunan lang niya ito ng masamang tingin. Imbes na patulan siya ay kusang nagtago ang binata sa likod ng makakapal na halaman. Kakaba-kabang pumasok siya sa loob ng bahay. Walang tao sa sala nila hanggang sa hagdan paakyat. Sumilip siya sa dining room at nakahinga nang maluwag ng makita ang pamilya doon. Sigurading abala rin ang mga katulong sa kusina ngayon. Binalikan niya si Lee. Walang salitang hinablot niya ang kamay nito at mabilis na kinaladkad papasok sa bahay. "Bilisan mo!" sabi niya. Halos kumawala na sa dibdib niya ang puso sa sobrang kaba. Ewan ba niya kung bakit niya ginagawa 'to, siguro nga naapektuhan ng mga gamot ang utak niya. "Yes, boss." Nilingon niya ito nang makasok sila sa loob. "Yes boss ka d'yan." Pagdating sa kuwarto ay mabilis niyang ini-lock ang pinto. Mahirap na baka may pumasok. Pagkatapos ay hinarap niya ang binata na inuusyoso ang mga gamit niya. "Dito ka lang, pagbalik ko magkaliwanagan nga tayo. Naguguluhan ako sa 'yo sa totoo lang." "Ako rin, gulong-gulo sa 'yo. Nabaril ka lang, ang laki ng ipinagbago mo. I feel that you don't like me anymore." Dinuro niya ang noo ni Lee. "Huli ka na sa balita, matagal na kitang hindi like. Bago pa man tayo nagkita sa Boracay, nakalimutan na kita." She heard her inner self scream like a mad woman for that lie. Bakit ba? Naghabi na siya ng kung ano-anong kasinungalingan, panindigan na niya. Isang malalim na paghinga ang isinagot ng binata. "Sinungaling talaga 'yang bibig mo. Mabuti pa katawan mo, honest." "Aba't---" "Sshh." Hinarangan ng hintuturo ni Lee ang mga labi ni Georgina, tuloy hindi niya nadugtungan ang sasabihin. "Sige na, bumaba ka na. Baka sakaling kapag nakakain ka na, maging totoo ka sa nararamdaman mo." "Hin--" "Ang kulit!" Hinatak siya ng binata palapit. Then their lips instantly met and locked, familiar with each other's taste. Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Lee na makatakas dahil hinawakan siya nito sa likod ng ulo. Georgina is floating, the powers of gravity inexistent against the power of the man kissing her. Lalo siyang namlambot nang hapitin pa siya nito sa baywang at ilapit pa sa katawan nito. He felt so warm. Nalasing siya sa epekto ng halik ng binata, nakalimutan na niya ang lahat ng bagay sa paligid maliban sa lalaking kahalikan niya ngayon. He pulled down the straps of her dress, exposing her breasts. Agad na sinakop ng mga kamay nito ang dibdib niya. Maya-maya ay panty naman niya ang tinanggal ni Lee. He started kissing the column of her neck, cascading own her chest and finally finding her aching breast. Georgina let out a soft moan when his tongue closed in her taut n*****s. She grabbed a fistful of hair behind his head, fingers stroking his neck. He looked up with heated eyes, watching her beautiful face contort with pleasure. His hand squeezed the other breast gently then his lips followed to suck on her other n****e. When he kissed her lips, he gently backed her towards the bed. She was half-sitting as he let his lips travel down. Then he pushed her to lie on her back. Hinawi ng binata ang damit niya sa ibaba. Hinalikan nito ang magkabilang tuhod niya bago pinaghiwalay ang hita ng dalaga. He smiled before he buried his face in her heat. "Oohh..." daing ni Georgina, namimilipit sa pagpipigil ng boses. Up and down went his tongue on her clit. Sa bawat sayad ng basang dila ni Lee sa kaangkinan ni Georgina ay napapasabunot siya sa buhok ng binata. Salitang higop at pagkiwal sa dila ang ginawa ni Lee. Nauwi sa tunog nagmamakaawa ang boses ng dalaga. Parang walang kapaguran si Lee sa pagkiskis ng dila nito. She let go of Lee's hair. Nalipat sa bed sheet ang mga kamay niya. Doon siya umamot ng lakas dahil sa panlalambot ng katawan. His breath fanning her mound added to the electrifying sensation. Nagbago ang galaw ng dila ni Lee na ikinaangat ng pang-upo ng dalaga. Kung kanina ay taas-baba ito, ngayon ay nararamdaman niya ang patukso-tuksong pagpasok nito sa lagusan niya. His tongue dipped in and out of her core, lapping on her love juices. She was swamped by waves and waves of pleasure. Nakagat niya ang mga labi sa pagpipigil na sumigaw. Hindi siya pwedeng mag-ingay baka may makarinig. Walang may alam na nasa kuwarto niya si Lee. Much less the wicked things he's doing to her body. Bumilis ang dila ni Lee, dumiin ang bawat higop nito. Makailang-ulit na napaliyad si Georgina. May pagkakataon pang umaangat ang likod niya sa sarap. Pahigpit nang pahigpit ang pakiramdam sa puson niya. "Haaah...aaahhhmm...L-Leandro!" she exclaimed in a breathless voice. Hindi niya maisaboses na malapit na siya sa sukdulan. Parang walang narinig si Lee. Lalo pa nitong binilisan ang ginagawa. Hanggang sa hindi na kayang pigilan ni Georgina, sumabog ang bola ng pagnanasang naipon sa kaibuturan niya. Impit ang tiling na sinundan ng mahabang pagdaing ang pinakawalan ng dalaga nang marating ang tuktok ng ligaya. She mindlessly clamped her thighs close, trapping Lee's head in between. Hindi pa niya naibabalik sa normal ang paghinga nang tumayo si Lee. Hindi na ito nag-abalang maghubad. May pagmamadali sa kilos nito, parang hindi na makapaghintay. He unzipped his slacks, freeing his erection from it's confines. Lumapit ang binata sa kanya. He grabbed her legs and pulled her towards him. Pagkatapos ay isinampay ni Lee sa mga balikat nito ang binti niya. Her eyes grew wide with the exposure. Kinindatan lang siya ni Lee. Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang bumabaon si Lee sa p********e niya. Kahit ilang beses na silang humantong sa kama, hindi pa rin siya masanay-sanay sa laki nito. Napapangiwi pa rin siya sa bawat progress ni Lee. "Haaahhh! You're wet but still tight." Wala siyang naisagot. Kagat-labing pinanood niya ang binatang nag-uumpisa nang pagpawisan. Inch by inch, their breathing grew ragged. Pareho rin silang napa-ungol nang sa wakas ay tuluyang makapasok si Lee. Sa paghugot nito ay muling tumakas ang isang ungol mula kay Georgina. "Sshhhh..." pabulong na saway sa kanya ni Lee. She clamped her jaw in response. Nagsimulang gumalaw si Lee. Pansin niyang sa bawat pasok nito ay parang may nasusundot itong kung ano sa sinapupunan niya. Kakaiba ang kiliting hatid ng maliliit na sundot na 'yon. Noong una ay kaya pa niyang pigilan ang boses. Pero habang paulit-ulit na nasasaling ni Lee ang partikular na bahaging 'yon sa loob niya ay na-realized ni Georgina na hindi gumagana ang kontrol niya. Lee pushed inside her again. Naulit ang pagtakas ng ingay sa lalamunan ni Georgina. Bumakas ang sorpresa sa mukha ng binata. "I think we're hitting on your g-spot." "W-What?" "I'm talking about this." Lee thrust harder and deeper into her. Napasigaw si Georgina pero mabilis niyang natakpan ng kamay ang sariling bibig. Mariin siyang napapikit sa tuwing isinasagad ni Lee ang pagpasok. "Aahhh..." ungol ng binata. "Your insides is so hot! s**t!" Binilisan pa ni Lee ang kilos. Dumapa na sa kanya ang binata. Her legs were still slung on her shoulders. Labas-masok ang p*********i ni Lee sa kanya. At sa bawat indayog ng mga katawan nila ay sumasabay ang kama ni Georgina. Pareho silang natigilan. Bago pa siya makapagsalita ay binuhat siya ni Lee habang magkarugtong pa rin ang mga katawan. Pumasok ang binata sa walk-in closet niya at isinara ang pinto. Isinandal siya nito sa dingding at pinaulanan ng halik sa mukha, leeg ay dibdib. He withdrew his shaft, glistening with Georgina's juices. "Turn around," utos nito sa dalaga. Pagtalikod ni Georgina ay muling pinasok ni Lee ang p*********i nito sa lagusan niya. Hawak ang balakang niya, itinuloy nito ang ginagawang pagpapaligaya sa kanya kanina sa kama. Walang kapagurang binayo nito nang binayo ang p********e niya. "Aaaahhh...L-Lee...p-please" Mukhang may sasabog na naman sa loob niya. Pero may kulang pa. Hindi niya matukoy kung ano. "What do you want, sweet thing?" hingal na tanong ni Lee. "I n-need--" "You need my d**k. Hard and fast, isn't it? " "I-I..." Hindi niya alam kung paano sasabihin. Parang kinulang siya sa salita ng mga sandaling 'yon. Walang matinong kaisipang nabubuo sa utak niya, pinanlabo na ng matinding pagnanasa. Inilapit ng binata ang bibig sa leeg niya. Nanayo ang mga balahibo ni Georgina nang maramdaman ang hininga nito. And when he whispered to her, she felt her core flood with moisture. "Say it, sweet thing." Nilingon niya si Lee at hinalikan sa labi. Kinagat pa niya ang pang-ibabang labi nito bago bumitaw. Her eyes burned when she whispered back. "f**k me harder." And he did until they both exploded. # Her eyes were half-close when he pulled away, his own gaze hooded as his thumb caressed her swollen lips. Hindi pa siya nakakababa sa high na dulot ng halik ni Lee kaya mukha siyang ewan. "I need to clean up." Itinuro niya bathroom. "D-Doon." Pero bago pa man makakilos si Lee ay narinig ni Georgina ang mga yabag na papalapit. Siya na ang kusang humatak sa braso ng binata at itinulak ito papasok sa banyo. Saktong kasasara lang niya ng pinto nang marinig niya ang boses ng kapatid. "Georgina?" "Po?" "Ang tagal mong bumaba." "Nagbibihis lang, Kuya. Pasensya na, nakatulog po ako." Sa lahat ng pagkakataong puwedeng mag-ingay, 'yon pa talaga ang napili ng pagkakataon para mangyari. Mulagat ang mga matang napalingon siya sa banyong pinasukan ni Lee. Pakiramdam ng dalaga ay umakyat ang dugo sa ulo niya. Kung wala lang ang kapatid niya sa labas ay malamang nagtitili na siya sa inis. "Georgina? Okay ka lang d'yan? Open the door now!" "No need, Kuya. Nasagi ko lang ang isang bote sa table kaya natumba," kagat-labing palusot niya. "Hindi ka nasugatan? Baka may nabasag." "Hindi po." Kakaba-kabang naghintay siya sa isasagot ng kapatid. Nakapagtatakang hindi agad sumagot ang Kuya Gael niya. Nang sa inaakala niyang sasabog na ang dibdib niya sa kakahintay, narinig niya ang boses ng kapatid. "Sige." Para siyang tinakasan ng lakas nang marinig ang papalayong yabag ng kapatid. Dali-dali siyang lumapit sa vanity table niya at inayos ang sarili. Pagkatapos ay kinatok niya si Lee. Nang buksan nito ang pinto ay sinapok niya ang binata. Maayos na ang damit nito. "Aray! Bakit ba?" "Nagtanong ka pa? Muntik nang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko sa sobrang kaba dahil sa pagiging clumsy mo. Diyos ko! Itinaon mo pa talagang nasa labas lang ng pinto si Kuya Gael! Gusto mo bang mabugbog? Matalino ka naman, hindi ka nag-iisip!" sermon niya sa binata. Imbes na patulan siya ay nanunuksong ngumiti si Lee. "Concerned ka sa akin, ayaw mong mabugbog ako ng Kuya mo? I'm touched." Akmang mananapok uli pero nasalo ni Lee ang kamay niya. "Hey, tama na ang isa." Naningkit ang mga mata niya sa pagkakatitig kay Lee. "Ano ba talaga ang totoong ipinunta mo rito?" "Ikaw. Gusto ko ngang mag-usap tayo." She crossed her arms in her chest. "Ano pa ba ang hindi mo nasasabi, ha?" "Nasabi ko na ba sa 'yo na na-mi-missed na kita?" "Libog lang ng katawan 'yan. Nakaraos ka na rin naman, may Chantal ka pa. Next," "Hey! Mas marunong ka pa sa nakakaramdam ah. Walang kinalaman si Chantal dito." "Ah, so hindi siya involve dahil hindi niya matugunan ang pangangailangan mo? Naubusan ka na ba ng babae? Hindi ako available. Pasensya ka na kung nagpagod ka pang pumunta dito." Parang nauubusan ng pasensya na napabuga ng hangin si Lee. "Iniisip mo bang nagkabalikan kami ni Chantal? You're wrong." Hope flickered in her chest but she suppressed it. Tinaasan niya ng kilay ang binata. "Hindi umubra ang diskarte mo sa kanya? Tsk. Don't tell me kinakalawang ka na, Leandro." "Hindi ko itinuloy ang panliligaw sa kanya. I realized I don't feel the same way for her anymore. Ngayon ako nagpapasalamat kung bakit todo ang pakipot niya noon. I think this is bound to happen." Gusto niyang sawayin si Lee, na tigilan na nito ang pagtitig sa kanya na parang siya lang ang nakikita nito. Kasi hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi rin nakakatulong sa paglimot niya ang sitwasyon ngayon. The way his touch made her burn kept playing on her mind. "W-Why?" "Beats me," sabi ng binata. Nadismaya siya. Sinasabi niyang hindi siya umaasa pero ano 'to? "Leandro..." "Lee." "What?" "Call me Lee." "Whatever. Kailangan mo nang umalis. 'Pag naabutan ka ni Kuya, naku!" "Sinasabi ko na nga ba!" Malakas ang naging pagkalabog ng bumukas na pinto. Pulang-pula ang mukha ni Gael. Bago pa sila makakilos ay nakapasok na ang kapatid niya. Si Lee agad ang pinuntirya nito at binigyan ng isang suntok sa panga. Bumagsak ang binata sa carpeted na sahig. Susundan pa sana ng kapatid niya kung hindi lang naiharang ni Georgina ang katawan. "Kuya, tama na!" "Umalis ka d'yan, Georgina!" "It's all my fault, so don't hurt him!" "Itigil mo na ang kahibangan mo sa lalaking 'yan, wala kang mapapala sa kanya!" sikmat ni Gael. "Alam ko. Pero wala ka pa ring karapatan na saktan siya. Ako ang nagpakagaga sa kanya." Bumaba ang boses niya. "Pinagsasamantalahan niya ang damdamin mo!" "No, he didn't!" pilit niya. "Georgina, it's okay," bulong sa kanya ni Lee. Naluluhang tinitigan niya ang binata. Putok ang labi nito at nag-uumpisa nang mangitim ang gilid ng bibig kung saan tumama ang kamao ng kapatid niya. Without thinking, she touched his face with trembling hands. Tuluyang nagbagsakan ang mga luha ng dalaga. "I'm sorry." Umiling si Lee. Ngumiti pa rin ito sa kabila ng sakit na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD