Chapter 9

2457 Words
Tumawa si Georgina nang mapakla. "Wag ka nga. Seryoso, Leandro. Paano mo ako nasundan dito?" "Pamangkin ng OB mo ang isa sa mga OJT namin. Nadaanan ko siya sa work station niya minsang lunch break. Saktong nailipat na niya sa picture kung saan kasali ka. When I asked her about it, sabi niya ay kuha daw 'yon sa clinic ng Tita niya sa New Zealand." Ang liit talaga ng mundo. Sa daming kompanyang pwedeng pasukan ng pamangkin ni Dr. Patricia Rowe ay doon pa sa kanila ni Lee. "I didn't know you're pregnant, so I asked her about you. Saktong ka-chat niya ang Tita niya. Isa ka raw sa mga pasyente." "I see." "So tell me, bakit hindi mo ako kinontak nang malaman mong buntis ka?" Nagkibit-balikat siya. "Sigurado kang sa 'yo 'to?" Lee answered in a heartbeat. "Yes." Suko na siya, hindi na niya maitatanggi. "Ayaw ko nang guluhin ang buhay mo." "Ano pa bang igugulo eh ginulo mo na dati pa?" Napayuko siya. "I'm sorry." "Do you really mean that?" "Yes." "Then, marry me." Himalang hindi siya nagka-stiff neck sa bilis ng paglingon niya kay Lee. Awang ang bibig na nakatingin lang siya sa binata. Pati vocal chords yata niya ay na-shock sa biglaang alok nito. "May sakit ka ba?" tanong niya. "I'm perfectly healthy. Gusto mong mag-provide ako ng medical certificate ko?" Pinakatitigan niya si Lee. Imbes na mailang ay lumaban ng titigan sa kanya ang binata hanggang sa siya ang umiwas. Kunwari ay sinalat niya ang noo nito. "Wala ka namang lagnat pero kung magsalita ka para kang nagdedeliryo," aniya. Lee grabbed her hand. Tinangka niyang bawiin 'yon pero hindi pumayag si Lee. Lalo pa nitong pinagbuti ang pagkakahawak sa kanya. His long fingers entwined with hers, making escape impossible. "I'm not sick, I'm not delirious either." "Then what?" medyo may angil na ang boses niya. Pinaglalaruan na naman ba siya ng lalaki? Ilang buwan silang hindi nagkita. He must be in need of some kind of validation of her feelings. Pero kung iisipin, bakit naman gagawin ni Lee 'yon? Eh, mas malabo pa sa tubig baha and takbo ng utak nito. "I'm just a man, sitting beside a girl hoping that she still loves me." Imbes na matuwa ay lalo siyang nairita. She forcefully snatched her hand. "Gagohan pala 'tong usapan na 'to eh." "Wait, wait, wait. I'm sorry, okay? I'm not good with words. But please hear me out first. Please?" Dapat umalis na siya. Hindi na siya dapat pang magpadala sa nakikiusap na mga mata nito. She realized her brother's animosity towards Lee is not unfounded. Alam ng Kuya Gael niya na papel lang ang depensa niya laban kay Lee. Tinitigan niya nang masama ang binata pero hindi ito nagpatinag. Lee took a deep breath before speaking. "I have never known fear so great it rendered me useless until the night you were shot. Nang bumagsak ka sa katawan kong duguan, it felt like my heart stopped. I'm so scared na sa susunod kong paggising, wala ka na sa mundong 'to." "Bakit?" "H-Ha?" litong tanong ng binata. "Eh, ano naman kung mamatay ako?" "Hindi ka pa puwedeng mamatay!" "Bakit nga?" "Dahil...dahil sa baby." Dinuro niya ang noo ni Lee. "Wala pa ang baby noong mabaril ako, tanga." Napakamot ang binata sa batok. His smile was like that of a child caught red handed with the cookie jar. "Ah...hehe. Oo nga pala." "Ganyan tayo eh. Tanga-tangahan." Tumayo na siya. "Good night--" Napatayo na rin ang binata. "Hindi ka pa pwedeng mamatay dahil hindi ko pa nasasabi sa 'yo na mahal kita!" Sa lakas ng pagkakasigaw ni Lee ay nagulat si Georgina. She jumped a little, one hand on her chest in an attempt to still her heart. "Eh bakit ka naninigaw, naririnig ko naman nang maayos?!" "Dahil ang tigas ng ulo mo! Ayaw mong makinig!" ganti ni Lee. "Paanong ayaw makinig eh narinig ko na nga?!" "Narinig mo nga pero hindi mo naman inintindi!" |Hindi siya papatalo. "Narinig ko, inintindi ko rin. Ano bang mahirap indintindihin doon?!" "Kung naiintindihan mo, bakit hindi ka sumasagot?!" "Paano ako sasagot kung hindi ka naman nagtatanong?!" "Mahal mo pa ba ako?!" "Hindi na!" Itinulak niya ang binata. "Aray! Dahan-dahan naman!" "Tigilan mo kasi 'yan," saway niya. "Ang alin?" "'Yan. Don't look at me like that!" "Like what?" "Like I'm the center of this damned universe!" nakairap na sagot niya. Imagination lang siguro niya ang paglamlam ng mga mata ni Lee. "But you are the center of my universe. You are my sun." Ramdam niya ang nagbabantang pag-iinit ng mukha. Ano ba yan, tinablan siya ng ganoong kakornihan? Malala na nga yata ang tama niya. Umiwas siya ng tingin. "Ang corny mo." "In love eh." His words made her shiver as goosebumps invaded her arms and legs. "Tumigil ka sabi eh! Nakakapangilabot ka na, Leandro!" Inasahan niyang gagantihan siya ng pabirong banat ni Lee. Sa halip, bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya dahilan para mapaatras siya. Gulat na gulat siya dahil seryosong-seryoso ang mukha nito, wala man lang bahid ng kahit na anong uri ng ngiti. "L-Leandro..." mailap ang mga matang sambit niya sa pangalan ng binata. "Look at me, Georgina," utos nito sa mahinang boses, parang bulong lang. May kung anong panghalina ang boses ng binata para mapasunod siya. She found herself slowly raising her chin to meet his eyes. Bigla na lang lumitaw mula kung saan ang isang maliit na velvet box sa kamay ng binata. "I love you," deklara ni Lee. She had never seen him look at her with tender eyes until that moment. Hindi counted ‘yong mga tingin nito noong magkasama pa sila. Baka libog lang ang dahilan noon. Pero ngayon, pwede na ba siyang umasa? Unti-unting nabuhay ang damdaming pilit niyang patayin sa mga panahong magkalayo sila ni Lee. Gustuhin man niyang umiwas ng tingin ay hindi niya magawa. Her soul was bared as he looked deep into her eyes, stripping all of her layers one by one. Then, a lone tear trickled down her face. Sinalo iyon ng hintuturo ni Lee. Sa sandaling dumikit ang daliri ng binata sa balat niya ay para silang sinapian ng kung anong magic. Georgina then closed her eyes. Para silang puppet na kinokontrol ng isang insivible na kamay. Nagdikit ang mga noo nilang dalawa, Lee's lips hovering above hers. "I love you," he whispered. "Y-Your joke isn't funny." "Why would I joke about loving the most wonderful, sexy, funny, brave and feisty woman who turned my world upside down? The past months I nearly went insane, kulang na lang i-admit ako ng mga magulang ko sa asylum. Wala akong tulog na maayos, hindi rin ako makapagtrabaho." She shook her head, still in denial. "B-Bakit mo sinasabi lahat ng 'to?" "Isn't it obvious? Gusto kong mahalin mo uli ako, gaya ng dati. Gusto kitang ligawan kaso ayaw ng pamilya mo. 'Yon sana ang sasabihin ko nang magpunta ako sa bahay n'yo," nakalabing reklamo ni Lee. Napadilat siya. "A-Are you sure na hindi libog 'yan? Baka naipagkamali mo lang sa pagmamahal. I know you, Leandro. You're insatiable," hirit niya. "Letter "N" lang ang diperensya ng puso sa puson. Pero alam na alam ko ang pagkakaiba ng nararamdaman ng dalawa. Dahil noong inilayo ka na ng pamilya mo sa akin, ito 'yong masakit," turo ni Lee sa tapat ng puso. "Paano ako nakakasigurong hindi mo ito paandar to get me into your bed again?" "Give me a chance." Words failed Georgina. Matagal na naglaban ang isip at puso niya. All the while she was thinking, Lee waited patiently for her. Her life without Lee is no fun. Hanggang sa nagpasya na siyang sumugal. She let her palms glide up his arms, meeting at his neck. Walang nagbago sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Happiness flooded her heart, filling it up until she's almost close to bursting. Hindi na niya kayang ipagkaila ang katotohanang nananalaytay sa mga ugat niya. "I loved you first." "So? Hihigitan ko 'yon. Pero kailangan muna nating ibalik 'yong nawalang pagmamahal mo sa akin para fair." Napakagat-labi siya, pigil ang ngiti. Walang kasiguruhan sa mundo. Wala rin siyang assurance na hindi magbabago si Lee. Pero siguro panahon na para sumugal siya uli, gaya noong pagsugal niya sa gabi ng bachelor's party nito. She will never know unless she tried. Ayaw niyang magsisi sa huli. Masaktan man siya, at least masasabi niya sa sarili na sumubok siya. "Hindi naman nawala, nagpahinga lang." Namilog ang mga mata ni Lee. "Y-You mean...y-you're s-still in love with me?" Napangiti siya sa sarili. Bakit ba ngayon lang niya nakita 'yon? Sa piling ng lalaking ito, she can already see a better version of herself. Gaya ng ipinangako niya sa namayapang kapatid, babalik siya bilang bagong Georgina. "Oo. Pinilit ko lang itago kasi naman ang alam ko si Chan--" Hindi na niya naituloy ang sinasabi. Lee silenced her with his lips and she can do nothing but melt in his arms. Kung saan man naroroon ang Kuya Gabriel niya, sigurado siyang malapad ang ngiti nito. Because finally, she's truly happy. "Marry me," bulong ni Lee sa kanya nang maghiwalay ang mga labi nila. "This ring has been waiting for you for too long." "Isn't it too soon?" "Hindi na ako makapaghintay. Gustong-gusto ko nang makasama ka. I don't think makukuntento ako sa ganito. I want to spend each night in your arms and wake up each morning with you next to me. Gusto kong sa paglabas ng baby natin ay kumpleto ang magigisnan niyang pamilya." "Hindi ganoon kadali maghanda ng kasal, ano ka?" "Mabilis lang 'yan, marami akong pera. We can make it happen in a month," apela ni Lee. "One year." "Masyadong matagal," reklamo ng binata. "Pagkapanganak ko na," sabi niya. "Deal." "Kausapin mo ang parents mo, ako na ang bahala kina Mommy. Tara, pasok tayo sa loob nang maipakilala kita sa Lolo't Lola ko." "Yes!" Tuwang-tuwang niyakap siya ng binata. Nang isuot nito sa daliri niya ang singsing tuluyang naiyak si Georgina. # One year later, she brought him to her brother's resting place. Pormal niyang ipinakilala si Lee bilang asawa at nagkuwento siya nang nagkuwento hanggang sa mauwi siya sa pag-iyak. Lee didn't say anything, tahimik lang siya nitong niyakap at inalo. When her tears dried, she traced Gabriel's name on the marker with a smile. "I'll take care of your sister, Gabriel. I promise I'll love her and make her happy until my last breath. Bibigyan ka rin namin ng maraming pamangkin. And this little guy here is the first among the many," sabi ni Lee sa puntod ng kuya niya. Karga nito ang mag-iisang taong anak nila na si Gavriel. Nakatulog na ang bata sa balikat ng ama. "He's named after you kasi ikaw ang kamukha, Kuya," dagdag ni Georgina. Umihip ang malamig na hangin. Nagkatinginan sila ng binata at parehong natawa. She's glad Gabriel approved. Ngayon, tapos na siyang mabuhay sa paninisi sa sarili. Nagtagal pa sila nang kaunti sa memorial park. Nang bumaba na ang araw ay nagpasya silang umalis na. May dinner sa bahay ng mga magulang ni Georgina. Isang linggo pa lang mula nang makauwi siya sa Pilipinas pero kung pagpasa-pasahan siya ng pamilya niya at ni Lee ay ganoon na lang. She enjoyed it though. Pagkatapos niyang manganak ay nagpakasal sila ni Lee. Finally, her parents were convinced that Lee is serious and that he wants her and their child in his life. Hindi na siya umuwi ng Pilipinas dahil ayaw ng asawa. Hintayin na lang daw nilang mag-isang taon si Gavriel bago bumiyahe. Sa loob ng isang taon ay pabalik-balik ang asawa niya sa New Zealand at Pilipinas. Kung siya ang masusunod, hindi na kailangang gawin 'yon ni Lee. Ito lang ang mapilit. At aaminin niyang gusto rin naman niya. Sino bang may ayaw, di ba? "Hindi na siguro ako mumultuhin ni Kuya dahil nabawi ko naman ang titulo ng lupa ano?" tanong ni Georgina. "Salamat sa 'yo." Bumibiyahe na sila papunta sa bahay ng mga magulang ni Georgina. Gavriel is snoozing again on his car seat. May ngiti sa labing tumango si Lee. "Wala 'yon. Though nagi-guilty ako dahil ginamit ko si Chantal. Dinalaw namin si James sa bahay niya. I made subtle suggestions to her that I wanted us to celebrate. Pinaniwala ko siyang masaya ako dahil sinundan niya ako sa Boracay. Nalasing si James at nakatulog. Ang hindi niya alam, sinadya kong lagyan ng pampatulog ang inumin niya at ni Chantal." "Mabuti hindi pa niya naitatago sa isang secure na location ang documents?" "James loves to brag. Siguradong kaya niya hindi itinago agad ay dahil gusto niyang ipagyabang sa akin na nakuha na niya ang mga documents mo na di umaasa sa tulong ko. Tinanggihan ko kasi siya nang humingi siya ng tulong," sagot ni Lee. "'Yon ang malaking pagkakamali niya." "Yes. Pumuslit ako sa bahay mo para ihatid ang mga papeles. Pagkatapos ay bumalik ako sa bahay ni James at natulog din. Paggising niya, hindi niya agad napansin na may nawawala. Nasa labas na ako at kasama si Chantal nang ipa-kidnap niya ako. Hindi alam ni Chantal dahil pinauna ko siya sa bar ni Ivan." "Kaya hindi ka niya hinanap." Tumango si Lee. "Ang balak ko kasi ay pumunta sa 'yo kahit sandali lang. Kaso hinarang ako ng mga hired goons ni James." "And he sent me the video." Napayakap si Georgina sa sarili. The memory still brings her chills. "How did Ivan and Chantal find us?" "Kasama ko sila as back up. Nahuli sila ng dating dahil nasiraan ng sasakyan. Nang matanggap ko ang video na ipinadala ni James, nag-isip ako ng pwedeng hingan ng tulong. Hindi pwede sa pulis dahil baka may spy si James doon, mapahamak ka pa. Naisip ko si Ivan. Doon na kami nagpang-abot ni Chantal." "Mabuti na lang talaga at hindi pa nauubos ang swerte natin noong gabing 'yon." Inabot ni Lee ang kamay niya. "Kung nagkataon--" Pinigil niya ng hintuturo ang labi ng asawa. "Ba't ang daldal mo? Sana ginagamit mo 'yang bibig mo sa mas kapaki-pakinabang na mga bagay." "Gaya ng?" Ngumisi si Georgina. "Kissing me." "Gladly, wife." Hinawi ng lalaki ang buhok niya palayo sa mukha. "I love you, sweet thing." "Sabi mo noon, I am your sun?" nakangiting tanong niya. "Indeed you are." "And you are mine," deklara niya. Napapikit si Georgina nang unti-unting bumaba ang labi ng asawa sa kanya. Who would have thought they'll come to this? Parang kailan lang 'yong mga panahong selos na selos siya dahil iba ang binibigyan ng atensyon ni Lee. Bilog nga talaga ang mundo. And now that God gifted her this man, she's going to live for their little family and look forward to the wonderful future they're going to build together. WAKAS

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD