Chapter 6

4101 Words
"What?" "Ikaw lang ang nakakaalam tungkol sa safe ko dito. Nang magising ako kaninang umaga na wala ka na. I didn't think it was odd. Ayaw ko sanang paniwalaan si James but my documents are missing!" "And you believed him?" "Don't f*****g lie to me, damn you! That was my brother's gift! This and that property Plata Estates is after was meant to be my haven. Hindi lang ang lupang 'yon ang kinuha mo sa akin, pati na rin ang huling alaalang iniwan sa akin ng kapatid ko!" Nagtagis ang mga bagang niya sa pagbuhos ng emosyon ni Georgina. Oo nga at hiningi ni James ang tulong niya. Pero hindi siya pumayag. Ang balak niya ay unahan ang lalaki sa pagsasabi kay Chantal tungkol sa nangyari noon. He wanted to start with a clean slate with Chantal at first. Pero lumabo ang plano niya nang magkita silang muli ni Georgina. Sa bawat araw na lumilipas ay nawala na sa isip niya ang tunkol kay Chantal. Okupado ni Georgina ang buong sistema niya sa araw araw na ginawa ng Diyos. Kaso bigla namang sumulpot si Chantal sa Boracay. Mukhang wala pa namang alam si Chantal. Kilala niya ang babae, agad-agad itong magtatanong sa kanya kung sakali, o kundi man ay aawayin siya. "Maniwala ka man o hindi, inosente ako sa ibinibintang mo. 'Wag kang mag-alala, gagawan ko nang paraan para maibalik sa 'yo ang ninakaw ni James." Gustong-gusto niyang sugurin ngayon din si James pero kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang mag-ingat sa mga susunod na gagawin para matalo si James sa laro nito. And Chantal is the first piece on the board that he has to deal with. # Tumupad si Lee sa sinabi. Paggising niya kinabukasan ay nakita niya ang nawawalang titulo sa bed side table niya, kasama ng spare key na binigay niya kay Lee. May nakadikit na sticky note. As promised, 'yon ang nakasulat. Aaminin niyang nakahinga siya nang maluwag pero hindi pa doon nagtatapos ang problema niya. Kailangan niyang gawan ng paraan ang pekeng Deed of Sale na may pirma niya. Hihingi siya ng tulong kay Atty. Dimaculangan. Pagkaalala sa abogado ay pumasok sa isip niya si Ruben. Hindi na siya nakapag-follow up call dahil sa mga nangyari. Pero ganoon na lang ang pagtataka niya dahil naka-off pa rin ang cellphone ng katiwala niya. Saan ba 'to nagsuot? Pupunta na lang siguro siya sa bahay nito. Malapit lang naman ang bahay ni Ruben, kaya niyang lakarin. Kaya pagkatapos niyang maligo ay umalis na siya. "Mam, wala ho si Ruben. Pero noong isang gabi ay umuwi siya, kumuha lang ng mga gamit. Pagkatapos ay umalis agad, parang nagmamadali," sabi ng kapitbahay nitong nagpakilala bilang Myrna. Ito raw ang naglalaba para kay Ruben at kadalasang pinag-iiwanan ng susi. "Ha? Bukas na matatapos ang bakasyong binigay ko sa kanya ah." "Ewan ko po, mam." "Sige, maraming salamat po." Something's fishy. Hindi man lang nagpaalam sa kanya si Ruben kung gusto nitong mag-extend ng bakasyon. At bakit kailangan nitong kumuha ng mga gamit? Unless may pupuntahang malayo. Bumalik si Georgina. "Aling Myrna, kung hindi ho nakakahiya pwede ho ba nating pasukin ang bahay ni Ruben? Titingnan ko lang ho kung may mga damit pa siyang natitira. Hindi ho kasi nagpaalam sa akin na mag-e-extend siya ng bakasyon." "Naku, trespassing 'yan, mam." "Importante lang po talaga." Tinitigan siya ng babae. Maya maya ay tumango ito. "Kukunin ko lang ang susi." Ilang sandali pa ay napasok na nila ang bahay ni Ruben. Diretso sila ni Aling Myrna sa kuwarto ng lalaki. Pagbukas ni Georgina sa cabinet ay napatunayan niyang tama ang duda niya. Wala nang natirang damit si Ruben kahit isa. Bakit umalis si Ruben na hindi nagpapaalam? Okay naman sila. Maayos ang pasahod niya sa lalaki. Minsan sobra pa nga dahil ito ang ginagawa niyang utusan sa kung ano-ano. Paglabas nila ni Aling Myrna sa bahay ay may mga lalaking nakatambay sa tapat na tindahan. Nagulat pa silang pareho ng kasama nang sutsutan sila ng isa sa mga tambay. Namukhaan niyang isa ito sa mga isinama ni Ruben noong nagpapagawa pa lang siya ng shop niya. "Mam, si Ruben ba ang hanap mo?" tanong ng lalaki. "Ayan mam, mga barkada ni Ruben 'yan. Baka sila may alam," sabi ni Aling Myrna. "Isa ka sa mga trabahador noong pinapagawa ko ang shop ko, 'di ba?" "Yes, mam." "Hindi ko kasi siya ma-contact." "Naku, hindi na ho babalik 'yon. Nakadelihensya ng malaki eh. Asensado na ang gago," tatawa-tawang sabi nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. "P-Paanong nakadelihensya?" "Noong isang linggo yata 'yon, may naisara raw siyang dil. Malaki raw ang komisyon niya sa pinagbentahan ng lupa. Ang daming pera ng hinayupak." Parang humigpit ang anit ni Georgina sa narinig. "N-Naikuwento ba niya kung sino-sino ang mga ka-deal niya?" "Ano daw, Planta istit." "Gago, Plata Estate. 'Yong namimili ng mga lupa sa Station Two," singit ng isa pang tambay. Ayaw i-entertain ng utak niya ang posibilidad. Noon naman parang tuksong bumalik sa isip niya ang brown envelope pati na ang maraming pinapirmahan sa kanya ni Ruben. Masama ang pakiramdam niya noong huli siyang pumirma. Hindi niya nabusisi nang mabuti ang mga papeles. Her stomach dropped. Gaano ba kalaki ang posibilidad na naisingit ni Ruben sa mga 'yon ang Deed of Sale ng lupa niya? At kabisado din ni Ruben ang lahat ng sulok ng bahay niya. Hindi imposibleng alam nito ang safe sa likod ng painting. Lastly, what are the odds that the five million stated in the Deed of Sale landed on Ruben's hands? Nakagat ni Georgina ang pang-ibabang labi. Oh god! The deed of sale bears my legit signature. Tulirong bumalik sa bahay niya si Georgina. Napagbintangan niya si Lee na walang kinalaman. Pero masisisi ba siya ng lalaki kung naniwala siya kay James? Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na puwedeng involved si Ruben. But you owe him. Kahit walang kasalanan, ginawan ni Lee ng paraan para maisauli sa kanya ang nawawalang titulo. The most she could do is to thank him. Kaya pikit-matang nag-dial si Georgina. Pero ring lang nang ring ang cellphone ng binata. Nanlulumong naibaba niya ang cellphone. Malamang ayaw siyang kausapin ng binata. Kung siya man ang nasa posisyon ito, ganoon din ang mararamdaman niya. Padalos-dalos ka kasi, sisi niya sa sarili. Frustrated na napadapa siya sa kama. Doon niya naalalang tawagan si Atty. Dimaculangan. Hindi naman nabigo si Georgina. Kahit paano ay nakakita siya ng pag-asa nang makausap ang abogado. Hindi na lang muna niya sinabi dito ang nagawa ni Ruben hangga't hindi pa natatagpuan ang lalaki. "Thank you, Attorney." "Walang anuman, iha. Asikasuhin mo na agad 'yong mga binanggit ko sa 'yo." "Opo." "Nga pala, kamusta naman si Ruben?" "O-Okay naman," kandabulol siya sa pagdadahilan. "Mabuti. 'Yong huli naming pag-uusap kasi magpapaopera raw sa atay ang nanay niya. Kako 'wag siyang magbibisyo dahil siya ang compatible donor. Hindi naman maaasahan ang mga kapatid dahil mga lasenggo. Nag-ambag na nga rin ako sa pampaopera ni Lucinda pero kulang pa rin. May pamilya rin naman kasi ako." "Ah. Wala kasi siyang nababanggit. Sana nakapag-abot ho ako kahit paano." "Ma-pride rin kasi 'yon. Malamang nahihiya sa 'yo kaya hindi nagsabi. O paano, may kausap pa akong kliyente," paalam ng abogado. "Sige po." Kaya siguro natukso si Ruben sa alok ng Plata Estate ay dahil nangangailangan ng malaking halaga. Hindi biro ang perang magagastos sa operasyon, kasama na ang post-operation care para sa pasyente. Hindi na rin puwedeng magtrabaho ng mabigat ang sino mang naoperahan sa atay. Ilan pa ba ang kagaya ni Ruben na mabuting tao pero napipilitang gumawa ng masama para sa pamilya? Kung maglustay siya ng pera noon ay ganoon lang. Ni hindi niya inisip na para sa ordinaryong taong kagaya ni Ruben, ilang buhay na ang kayang isalba ng kapritso niya. Palubog na ang araw nang mag-text si Lee sa kanya. But it wasn't what she expected. It was an image of an unconscious and bloodied Lee. Nakatali ang binata at may busal sa bibig. Pero hindi pa doon natatapos ang sindak ni Gerogina. Kasunod noon ay ang isang text na naghatid ng panlalamig sa sikmura niya. Bring all the documents or you'll never see him again. I'll send you the location by midnight. 'Wag kang magsusumbong sa mga pulis kung ayaw mong tuluyan ko na agad si Lee. Nabitawan ni Georgina ang cellphone. Nanlalabo ang mga matang mabilis siyang kumilos. Hindi na siya nag-isip at inipon lahat ng mga documents ng lupang habol ni James. Nang matapos ay palakad-lakad siya sa kuwarto. Kailangan niya ng tulong pero kanino naman siya lalapit? Wala siyang masyadong kakilala dito sa Boracay maliban kay Ruben. Si Ivan! Nabuhayan siya ng pag-asa. Siguro naman ay hindi nito papabayaan na mapahamak ang kaibigan. Hindi siya sigurado pero walang mawawala kung susubukan niya. Pagdating ni Georgina sa restobar ni Ivan ay marami na ang mga customer. Hindi niya makita ang lalaki kaya nagtanong siya sa dumaang waiter. "Si Sir Ivan? Nasa rooftop po siya, nag-di-dinner. Kaso off limits po kasi ang mga customer doon unless kaibigan o kapamilya kayo ni Sir." "Pakisabi si Georgina, magkasama kami ni Lee Zervos nang magpunta kami dito last time. Please, importante lang. Kailangan ko kamo ng tulong niya." "Sige po, Ma'am. Upo ho muna kayo saglit." "Maraming salamat." Pagbalik ng waiter ay kasunod na si Ivan at ang pinakahuling babaeng inasahan niyang makikita niya doon. Walang bakas ng pagkagulat o ngiti ang mukha ni Chantal. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Chantal. "Do you know each other?" si Ivan. "School mates noong college," sagot ni Chantal. Napalunok si Georgina sa nakikitang animosity sa mukha ni Chantal. Pero hindi siya nandito para kay Chantal kundi para kay Lee. "Lee has been abducted," nanginginig ang boses na pagtatapat niya. "What?!" sabay na bulalas nina Ivan at Chantal. "K-Kanina lang ay magkasama kami. Kaya nga ako nauna dito because we planned to have dinner with Ivan." Kumirot ang dibdib ni Georgina. Her chest felt heavy with the knowledge that they're together making plans like what she and Lee used to do for the past weeks. Think of Lee, utos niya sa sarili. "Let's talk upstairs." Walang kibong sumunod sila ni Chantal kay Ivan. Ikinuwento ni Georgina ang lahat ng nangyari at kung paano nadamay si Lee. Siyempre hindi na niya ikinuwento ang naging set-up nila ng binata. "You're lying!" tanggi ni Chantal. "Walang dahilan si Kuya James para gawin 'yon!" "Hindi mo ba naisip na malamang ay nag-iipon ng puntos ang kapatid mo?" "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Chantal. "Wala kang silbi sa pamilya mo unless you marry someone from the elite. You blew your chances when you broke up with Lee. Bigla, hindi ka na paborito ng Daddy n'yo dahil napurnada ang merger ng Sanders Dev at kumpanyang mamanahin ni Lee sa Mommy niya. What's left for your brother to do is magpakitang gilas para bumango uli kayo sa Daddy n'yo. Sa dami n'yong magkakapatid from different mothers, maraming pagpipilian si Julian Sanders para umupo sa President's chair." "I don't think I'm following you," sabi ni Chantal. Georgina rolled her eyes. "The proposed mall is one of the biggest projects of Sander's Dev this year. Gagawin ni James ang lahat para mag-push through ang project to solidify his position. Lalo na at kaliwa't kanan ang naisasarang deal ng half-sister n'yong si Denise under Sander's Pharma. Idagdag pa ang kapatid n'yo ring si Charles who saved Sander's Publication from bankruptcy." "That's a good motive," sabi ni Ivan. "Of course, it is. Considering their mother is nothing compared to Denise's or Charles' mothers na galing sa maimpluwensyang pamilya." Namula si Chantal sa galit. "Y-You!" Hindi natuloy ang pagsampal sana sa kanya ni Chantal dahil nasalo niya ang kamay nito. With deadly calm, she dropped the woman's wrist. "Hahayaan mo na lang ang kapatid mo?" parungit ni Georgina. "We can't pull this off without you, Chan." "I'd like to help but..." "No buts. It's either yes or no," singit ni Georgina. "Ano?" "Y-Yes. Tell me what to do." Nakahinga nang maluwag si Georgina. # Isang malawak na niyugan sa masukal na bahagi ng isla ang location na sinasabi ni James. Mag-isa siyang pumunta sakay ng scooter niya. Ginamit niyang guide ang cellphone niya para matunton ang eksaktong lugar. Isang maliit na kubo na gawa sa kawayan at nipa ang naaninag ni Georgina sa liwanag ng buwan. Pinatay niya ang scooter at bumaba. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit sa madilim na kubo. Mukhang walang tao, ni kaluskos wala siyang naririnig. Pero may pakiramdam siyang may nanonood sa kanya. "Marunong ka naman palang tumupad sa usapan." Lumitaw si James mula sa pinagtataguan nito. Medyo napatalon siya sa gulat. Hinawakan niya ang dibdib, pilit pinakalma ang pagwawala ng puso. "Where is he? Dala ko na ang kailangan mo." Humalakhak si James. "All this in the name of love?" "Masyadong malikot ang imagination mo." Itinaas ni James ang magkabilang kamay. "Masyado kang defensive, nahahalatang in love ka pa rin kay Lee." Sinundan nito ng isa pang tawa ang sinabi. Naghahalo ang galit niya kay James at takot para kay Lee. "Nasaan si Lee?!" "Relax. I'll take you to him. Akin na muna ang mga documents." "Isaksak mo sa baga mo!" Hinampas niya sa dibdib ng lalaki ang envelope. Balewalang natawa lang uli si James kahit napaatras ito sa pagkakahampas niya. "Come on." Hinawakan siya ni James sa braso at kinaladkad. Pilit na sinabayan ni Georgina ang mga hakbang ng lalaki. Mahigit fifteen minutes siguro silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang malaking bodega. May dalawang lalaking nagbabantay na nagbukas sa kanila ng pinto matapos kumatok ni James nang apat na beses. Malaki ang bodega at maraming laman. Katunayan ay parang pader ang mga patong-patong na sako ng koprang sumalubong kay Georgina. Maliwanag sa loob, kabaliktaran ng kubo kanina. "Kamusta ang bisita natin?" tanong ni James. "Gising na boss. Pinaliguan namin gaya ng bilin n'yo." Nagtawanan ang mga ito. "Good," tuwang tumango si James. Itinulak siya nito pasulong. "Lakad!" Sa likod ng sako-sakong kopra ay naroon si Lee. Nakatali ang binata sa isang poste sa gitna ng bodega, may takip sa bibig at duguan ang harap ng damit nito. Wala itong suot na sapatos. "Leandro!" sindak na tinakbo ni Georgina si Lee. Nag-angat ito ng ulo nang marinig siya, paulit-ulit na umiiling. Una niyang tinanggal ang tape sa bibig ni Lee. Hindi na niya napigilan ang maluha nang makita ang mukha nito. Halos magsara ang isang mata, sugatan ang gilid ng labi at nangingitim ang pasa nito sa bandang panga. May natuyong dugo rin sa noo ng binata, malapit sa hairline nito. "Oh, god! Are you alright?" "Y-You shouldn't b-be here!" "Hindi ka niya matiis eh," singit ni James na nanonood sa kanila. "May kailangan ka pang gawin para sa akin, Georgina." "W-What? Tumupad ako sa usapan, James!" "I'm afraid I lied," sabi nito. Naupo ito sa upuang inilagay ng isa sa mga tauhan nito. Sumunod ay naglagay din sila ng maliit na mesa sa harap ni James. "Come here." "'Wag kang papayag kung ano man ang hinihingi niya," pigil sa kanya ni Lee. Tinitigan niya ang binata, para siyang sinasakal sa nakikitang paghihirap nito. Hindi niya kaya. So she turned and slowly walked towards James. Nagbingi-bingihan siya sa sinasabi ni Lee. Ngayon lang niya na-realized na kaya pala niyang gawin ang kahit na ano para sa binata. "This document states that you sold your land to me out of your own free will," nakangising tinulak ni James palapit sa kanya ang ilang papel kasama na ang ballpen. Asshole. Sandaling tinitigan ni Georgina ang papel pero wala naman siyang maintindihan sa nakasulat doon. Ang tanging nakikita niya ay duguang mukha ni Lee. "Don't do it!" Narinig niyang sigaw ni Lee. She bit her lip, tears flooding her eyes once more. 'Pag ginawa niya 'to ay hindi na niya mahahabol si James sa korte. Tuluyang mawawala sa kanya ang huling regalo ng Kuya Gabriel niya. "O baka naman kailangan mo pa ng motivation para pumirma? Boys, mag-exercise nga muna kayo." Sabay-sabay na nilapitan ng apat na lalaki si Lee. Napasigaw si Georgina nang sabay na undayan nila ng suntok ang binata. "Stop it! I'll sign the damned papers!" tili ni Georgina. "Tama na 'yan," agad na utos ni James. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Georgina ang ballpen. Mabilis niyang pinirmahan lahat ng dapat pirmahan. Ibinato niya kay James ang ballpen. "Ayan!" Hindi na nakita ni Georgina ang pagsenyas ni James sa mga kasama. Nagulat na lang siya nang bigla siyang hawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Ang isa naman ay lumapit sa likuran niya na may hawak na lubid. Tinakpan ng isang lalaki ang bibig niya. Nanlaban siya pero walang nagawa ang lakas ng dalaga. "Hindi ko natatandaang sinabi kong pakakawalan ko si Lee," ngising-demonyo si James. "Itali n'yo silang mabuti. Dalhin n'yo pagkatapos sa yate para maitapon sa dagat!" # Nawalan siya ng malay sa bugbog. Nagising lang siya nang parang may bumagsak sa katawan niya. Pagmulat niya ng mga mata ay hindi na siya nakatali sa poste. Nakahiga na siya sa sahig, at si Georgina ang sinalo ng katawan niya. Kagaya niya ay nakatali na rin ang dalaga. "James! You son of a b***h! Leave her out of this!" "I'm afraid that's impossible, bro. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ko kayo paghihiwalayin. In fact, magkasama kayo hanggang impyerno." Nawala ang ngiti sa mukha ni James. "Pagbabayaran n'yo ang ginawa n'yo kay Chantal!" "All for your ridiculous revenge?!" "Well, part of it. Pero walang nakakatawa sa kahihiyang binigay mo sa pamilya ko. Those elite snobs have always looked down on us because our mother is just a secretary. Despite that, Chantal has always been Dad's favorite. Pero nagbago lahat nang 'yon nang hindi matuloy ang kasal n'yo! Now, we're reduce to begging for scraps of his attention and my position in the family corporation is in danger!" labas-litid na tungayaw ni James. "We have nothing to do with your family drama!" ganting sigaw niya. His heartbeat raced, nearly exploding with the thoughts running through his head "Tama ka. But you and Georgina made matters worst. Kaya dapat lang na mawala kayong dalawa para matahimik na ang kapatid ko. Sa una lang siya malulungkot. Marami namang mas bagay sa kanya. Like David, for instance." "David Climaco?" "Hindi mo alam? David is in love with my sister for years, bago pa naging kayo ni Chantal. Anyway, that's another story for another day. Wait, hindi na nga pala kayo sisikatan ng araw." Sinundan 'yon ni James ng halakhak. Pagkatapos ay itinayo na silang dalawa ni Georgina ng mga tauhan nito at sapilitang kinaladkad. Umiiyak ang dalaga. Sigaw siya nang sigaw na pakawalan ng mga ito ang babae pero walang nakinig. "Patahimikin n'yo nga 'yan, nakakarindi ang ingay," utos ni James. Nasa dalampasigan na sila. His fear suddenly spiked up. 'Pag nakapasok sila sa yate ay game over na. Magiging pagkain na lang sila ng mga isda sa dagat ni Georgina. It was futile but it didn't stop him from struggling to escape. Nasalabid ang paa ng isang lalaking may hawak sa kanya. Bumagsak ito kasama siya at ang isa pang lalaking sa kabila niya. He took it as his chance. He bit on the other man's arm, making him yowl with pain. He locked the other's neck between his legs. May humatak sa kanya pero hindi na niya alam kung sino. All he can think of is to make things hard for them. Parang narinig niya ang boses ni Georgina pero hindi siya sigurado. Kasunod noon ay may humampas sa kanya sa ulo. Sumirit ang sakit. Pakiramdam niya ay umikot ang paligid, kumalat ang kirot sa buong ulo niya. Unti-unti siyang nanghina. Apat na mukha ang lumitaw sa line of vision ni Lee. "Tatlo kayo hindi n'yo kayang pigilan?!" galit na sermon ni James sa mga kasama. "Sori, boss." "Where's Georgina?!" "Nandito, bossing!" Mula sa di-kalayuan ay narinig niya ang hinihingal na boses. He tried turning his head toward the voice and he saw Georgina being dragged by her hair. Nang makalapit sa kanila ang lalaki ay itinulak nito ang dalaga. Sumubsob sa buhangin si Georgina malapit sa kanya. Wala na ang tape sa bibig nito. "L-Leandro..." she sobbed. Red tinged his vision when he saw her face. Putok ang gilid ng labi nito. Galit na galit siya hindi lang kay James kundi pati na rin sa sarili. Wala siyang magawa para iligtas ang dalaga. "Tuluyan na natin dito, boss. Saka natin itapon sa dagat," sabi ng lalaking kumaladkad kay Georgina. "Mabuti pa nga. Akin ang baril," utos ni Lee. Pareho silang natulala ni Georgina. They're literally sitting ducks, waiting for the hunter to fire his gun. Biglang para siyang nabingi. Ang tanging naririnig niya ay ang pag-iyak ni Georgina at ang malakas na kabog ng dibdib niya. Napausog siya palapit sa babae. They're dying tonight. It's over. Napapikit siya. Nang umihip ang hanging-dagat ay nanuot sa ilong niya ang amoy ni Georgina. She smelled of lavender. Imbes na matakot, lungkot ang naramdaman niya. Sana ay pwede niyang yakapin si Georgina sa huling pagkakataon. "Bago ka nga pala magpaalam, may regalo ako sa 'yo." Napadilat siya sa narinig. "That woman bribed David to sneak her in your bachelor's party." "That's not possible. There is nothing she can offer to make him betray me," tanggi niya. "Ow? Siya lang naman ang nagbigay ng mga ebidensya kay David para maipakulong ang step mother niya. It proved that his father didn't die by accident. Although how Georgina managed to do that is beyond me." Importante pa ba 'yon? Mamamatay na rin naman sila. "Tapos ang kuwentuhan. Say bye bye, kiddos." James fired. He expected the bullet to hurt but there was no pain. Sa halip, katawan ni Georgina ang sumalo sa balang para sa kanya. Nanigas ang katawan niya nang unti-unting dumausdos pababa ang babae. "Georgina!" Ngumiti si Georgina, pero nauwi sa ngiwi 'yon. Then she coughed blood, it spilled on his blood caked shirt. Unti-unting pumikit ang dalaga hanggang sa nawalan na ito ng malay. Napakurap siya, hindi makapaniwala. Namawis ang mga mata niya. "Georgina?" parang tangang ulit niya. Walang sagot mula sa dalaga. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Biglang nawala sina James pati na ang mga tauhan nito. Naririnig niyang dumami ang mga boses at sigawan. May mga putukan at habulan pero nanatili siyang nakatulala sa maputlang mukha ng babaeng nakaunan sa dibdib niya. Gusto niyang hawakan si Georgina pero hindi niya magawa dahil nakatali siya. He looked like an idiot watching her life slowly bleed away. May kung anong mahapdi sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. "Lee! Lee! Where are you?" Bigla siyang natigilan nang mabosesan ang tumatawag. "Chantal? Over here! Help!" Hangos na nilapitan siya ni Chantal. "Lee! Oh my god!" "H-Help her f-first," tukoy niya sa walang malay na si Georgina. "s**t! She's been shot! Tulong!" Boses ni Ivan ang sunod na narinig niya. Kahit nagtataka siya kung bakit naroon ang dalawa ay hindi na siya nagtanong. Wala siyang panahong magtanong dahil kailangang madala agad sa ospital si Georgina. Ngayong ligtas na siya, para siyang lobong tinakasan ng hangin. His knees buckled, no longer strong to support his weight. Napakapit siya sa balikat ni Chantal. Unti-unting inagaw ng dilim ang diwa niya hanggang sa ang huli na lang niyang narinig ay ang nagpapanic na boses ng babae. He slipped in and out of consciousness. Minsang nagising siya ay nakita niyang ibinababa sa ambulansya si Georgina. Nagkakagulo ang mga tao sa paligid, mabibilis ang kilos at lahat ay mababakasan ng tensyon sa mukha. Nang muli niyang idilat ang mga mata ay nasa isang kuwarto na siya. Nanlalabo pa rin ang paningin niya pero malinaw niyang narinig ang usapan ng mga nakapaligid sa kanya. "Nakatakas si James at hindi pa nahuhuli. Pero 'wag kang mag-alala, patuloy ang man hunt sa kanila," boses ni Ivan, hindi nga lang niya mamukhaan kung sino ang kausap. "W-What a-about Georgina?" singit niya. "Lee! 'Wag ka munang gumalaw, kailangan mo pang magpahinga," pigil sa kanya ni Chantal sa tangka niyang pagbangon. Parang wala siyang narinig. Kailangan niyang malaman kung ano na ang lagay ni Georgina. But the pesky tubes attached to him restricted his movements. Iritableng pinagtatanggal niya ang mga 'yon. "Lee! Help me, Ivan!" "Calm down, bro." "I need to see Georgina!" "She'll be okay. Hindi mo pa rin naman siya makakausap, her surgery's still on going," malumanay na paliwanag ni Ivan. "I need to--" Nakaramdam siya ng pagkahilo, para siyang kandilang unti-unting naupos. Kung hindi siya naagapan ni Ivan ay baka sumubsob siya sa sahig. "Get the nurse, Chantal!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD