They went sailing the next day. Kuntentong humiga si Georgina sa deck ng yateng inarkilahan ni Lee. Marunong pala itong magpatakbo ng yate.
Naramdaman niyang may humarang sa araw na tumatama sa mukha niya. Nang dumilat siya ay nakita niya si Lee na may hawak na dalawang wine glass.
"You're blocking my sun," nakangiting saway niya. Inabot sa kanya ng binata ang isang kopita ng alak.
"I'm hotter than the sun."
"Ay totoo 'yan," sakay ni Georgina. Tatawa-tawang bumangon siya. Tinabihan naman siya ni Lee. Nakalugay ang mga paa nila sa gilid ng yate. Nasa likuran nila ang buong isla ng Boracay.
"So can I be your sun then?"
Hindi siya sanay na bumabanat ng kung ano ano si Lee. Pilit niyang pinaglabanan ang pagkabog ng dibdib. Lumunok muna siya bago nagsalita.
"You belong to someone else."
"I'm just kidding." Lumitaw ang dimple ni Lee sa pisngi sa pagkakangiti nito.
Sabi na nga ba eh.
Pareho silang nawalan ng kibo. Nagkasya silang dalawa sa pagtitig sa walang hanggang dagat. Ang hampas ng tubig sa gilid ng yate at ang ihip ng hangin lang ang maririnig na ingay.
"Kuwento ka naman," basag ni Lee sa katahimikan.
"Ano naman ang ikukwento ko? My life is boring."
"Kahit ano. Matagal na tayong magkakilala pero wala akong alam tungkol sa 'yo."
"Gusto kitang i-paint," deklara niya.
Gulat ang rumehistro sa mukha ni Lee. "Me? Why?"
Nagkibit-balikat siya. "I am an artist, I can't explain why. Basta gusto kitang maging subject. I tried painting you pero hindi ko matapos-tapos."
"Really? When?"
"Noong unang araw na nagkita tayo. It sits in my studio, half done."
"'Yong may takip malapit sa bintana?"
"Oo."
Biglang tumayo si Lee. "Tara."
"Saan?"
"Bilis, bago pa magbago ang isip ko."
Natawa si Georgina. "Hindi mo pa nga alam kung paano kita gustong ipinta."
"I don't care. If you want me naked, so be it," pilyong kinindatan siya ni Lee. Parang nananadyang nakita niya sa isipan ang eksaktong imahe ng sinabi nito. Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng mukha.
"Uy, nagba-blush ang ale. Aakalain mong hindi pa niya ako nakikitang walang damit."
"Heh! Tigilan mo ako," namumulang iwas ni Georgina.
Napatayo na siya at balak nang layasan si Lee pero napigilan ng binata ang braso niya. Naroon pa rin ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. Bakas pa ang ngiti sa mukha ni Lee habang unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya.
When their lips met, Georgina closed her eyes and let herself get carried away. Naramdaman ng dalaga ang mga kamay ng binata sa likod niya, humahagod iyon sa balat niyang nakalitaw sa swimsuit.
May kakaiba sa halik ni Lee ngayon. He used to kiss her with hunger. Pero ngayon ay parang may halong pag-iingat. Baka nadala lang si Lee sa moment. Lately kasi maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa.
"Sometimes I wonder..." bulong ni Lee sa kanya.
"What?"
Tinitigan lang siya ni Lee. Pero imbes na ituloy ang sasabihin ay umiling ito.
"Ano? Ang daya oh, nambibitin," reklamo ni Georgina.
Tinaasan siya ng kilay ng binata. "Solve na solve ka nga lagi sa akin."
"Perv!"
Tumaas ang kilay ng binata. "Let me show you how perverted I am."
Walang sabi-sabing binuhat siya ni Lee. Hindi na nakapiyok si Georgina. Lee's lips sealed her protests as his deft fingers loosened the knots of her bikini. Mabilis na natanggal 'yon at pinalitan ng kamay ng binata ang tela sa dibdib niya.
Nang magsawa sa dibdib niya ay ang pang-ibaba naman niya ang sinunod na tanggalin ni Lee. Her hand went ito the waist band of his board shorts. Kasabay nang pagkawala ng pang-ibaba niya, hinatak niya ang suot ni Lee. She sighed against his lips as her hand met the smooth skin of his behind.
Tinukso ng dila ni Lee ang n*****s niya. Salitan din ang dalawang kamay ng binata sa pagpisil at pagmasahe sa dibdib ng dalaga. Bumaba ang isang kamay ni Lee sa tagiliran ni Georgina habang tinutunton ng labi nito ang daan pababa sa katawan niya.
He cupped her, sliding a digit into her softness. He kept on rubbing her mound in slow circles, his lips giving her stomach some attention.
Sa wakas ay natagpuan ng labi nito ang pakay sa baba. Her mound was assaulted with slow circular strokes from his tongue. Napaungol si Georgina, nakahawak sa buhok ng binata. Nagbago ang kilos ng dila ni Lee. Napayuko ang dalaga nang maramdamang kumiwal sa gitna ng hita niya ang dila ng binata.
"W-What are you doing?"
Ngumiti si Lee. "I'm writing the letter A."
Pinakiramdaman ni Georgina ang ginawa nito. Base sa galaw ng dila nito ay ginawa nito ang letrang binanggit. Inulit pa ito ni Lee na para bang pinapatunayang nagsasabi ito ng totoo. Napaangat ang puwitan ni Georgina nang salakayin siya ng kakaibang kiliti.
"L-Leandro. S-Stop...aaahhh!"
Lee chuckled. "There's still twenty five letters to go, sweet thing."
Tinupad ni Lee ang sinabi. He never missed a stroke, both lower and upper cases. Walang nagawa si Georgina kundi mapaungol sa bawat hagod ng dila ni Lee. Ang mga mata nito ay parang kambal na bolang apoy sa pagkakatitig sa dalaga habang abala ang mapagparusang dila.
Nang makaipon ng sapat na lakas, bumangon si Georgina. Pinanood niya ang binata sa ginagawang pagsamba sa p********e niya. May kung anong kilabot ang dulot ng mga mata nito habang ipinapalasap sa kanya ang kaligayahang hatid ng malikot na dila nito.
Pagkatapos ay tumigil si Lee. Bumangon ito at nahiga sa deck. The moment she grabbed his erection, he also grabbed her breast. Yumuko siya para abutin ang labi ni Lee. He met her lips with equal heat.
She looked at him with droopy eyes. Then she slid down his body and gave him a lick. Hindi niya inalis ang mga mata sa binata. Gusto niyang makita ang mukha ni Lee sa gagawin niya.
Georgina dragged her tongue up and down his rod, encircling around his head before swallowing it whole. Ginamit niya ang kamay para hagurin pataas at pababa ang p*********i ni Lee. Hindi siguro nakatiis, hinigit siya ni Lee pataas at hinalikan sa labi.
Then he guided her on the tip of his erection. Isang ungol ang kumawala kay Georgina sa biglang pagpasok ni Lee. Nang tingnan niya ang binata ay nakaawang ang mapupulang labi nito.
She can see the tip of his tongue pushing against his lips as their movements became synchronized. For some reason, she found it sexy. Ang dilang 'yon ang nagbigay sa kanya ng matinding sarap kanina lang.
"Oohh...aahh..." ungol ni Lee.
"Aaahhh..."
"Easy," saway ni Lee dahil bumilis ang galaw ni Georgina. Pero hindi nakinig ang babae. "Aahhh...god! Shit..oh."
Umiindayog ang balakang ni Georgina. Sa bawat pagbaba niya ay sinasalubong 'yon ni Lee ng mariing ulos. Palakas din ng palakas ang magkasabay nilang ungol. Kahit magsisigaw sila ay walang makakarinig.
"Aaaahhh..."
"Sige paaa..." udyok ni Lee.
As their bodies slapped against each other, the sun, the wind and the sea stood as the silent witnesses.
#
Binigyan niya si Lee ng susi sa bahay niya para hindi na ito mag-door bell 'pag dumarating sa gabi. Ayaw ni Lee magdala ng trabaho sa bahay niya. Umuuwi muna ito sa sariling bahay para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin. Dalawa hanggang tatlong oras lang itong nawawala.
Nang gabing 'yon ay naabutan siya nito sa harap ng safe na nakatago sa likod ng isang painting sa kuwarto niya.
"You're back," sabi niya habang ibinabalik ang painting sa dating puwesto.
"Oo. What are you doing?" tanong ni Lee.
"Itinago ko lang ang mga importanteng documents. Mahigit three months na sa drawer ko 'yong ipinadalang titulo sa akin ng lawyer ni Kuya Gabriel. Ngayon ko lang naalalang na ilagay sa safe."
"Titulo?"
"Regalo ni Kuya para sa birthday ko 'tong bahay at lupa two years ago. Kasama na 'yong lupa at building doon sa Station Two. Lately ko lang nalaman dahil hindi ko agad nabasa ang e-mail niya."
"It's in your name then?"
"Oo."
"I see. I didn't know may safe ka pala dito."
"I had it installed when I first move here. Kumain ka na ba?" tanong niya sa binata.
"Hindi pa. May dala nga akong pagkain, ininit ko sa microwave. Join me?"
"Okay."
Apat na araw na lang matatapos na ang usapan nila ni Lee. Para sa araw na 'yon ay nagpasya si Lee na huwag na silang lumabas. Doon na lang daw sila sa bahay niya. Lihim siyang natuwa. Kahit sabihin pang araw-araw silang magkasama, kulang pa rin.
Pareho silang nakahiga sa kama; nakaunan si Georgina sa hita ni Lee habang nagbabasa. Ang binata naman ay busy sa paglalaro ng game sa cellphonee nito. Maya maya ay nagsawa na si Lee, inagaw nito kay Georgina ang binabasa.
"Hey!"
"Talk to me."
Natatawang tiningala niya ang binata. "Ano'ng sumapi sa 'yo?"
"Boredom."
"Ay malala ka na, boy."
Inasahan niyang tatawa din si Lee. Nagtaka siya. Bakit seryoso ang isang 'to?
"What's wrong?" naalarmang tanong niya.
Umiling lang ito, nakatitig sa magkahawak nilang kamay. Hindi pa nakuntento, hinalikan ni Lee ang palad niya. Noong unang beses na ginawa iyon ni Lee sa yate ay kinilig siya. But she knew better. Walang bilang 'yon kay Leandro Zervos.
"Georgina, what if--"
Hindi naituloy ni Lee ang sasabihn dahil nag-ring ang cell phone nito. Kitang-kita ni Georgina ang pag-iisang linya ng kilay ng lalaki. Hindi na nabasa ni Georgina ang pangalan sa screen sa bilis ng pagdampot ng binata.
"Sagutin ko muna 'to," alanganin ang ngiting paalam ni Lee.
Lumabas ang binata sa terrace. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Georgina si Lee sa kabila ng salaming pinto. Palakad-lakad si Lee, halatang tensyonado.
Trabaho siguro, katuwiran niya sa isip.
The call was short. Ilang sandali pa ay bumalik na uli si Lee sa tabi niya. Halatang namamasyal ang isip nito kaya hindi na nagtanong si Georgina. She tried cracking jokes kahit alam niyang wala siyang talent. After a few tries, he smiled a little.
"Don't you miss your family?" walang ano-ano'y tanong ni Lee.
"Medyo. Regular naman kaming magkausap so it's alright. They'll be coming here once their schedule permits. Siguro mauuna sina Daddy since he's got a lot of time now that Kuya Gael is on the reins."
"Close kayo ng kuya mo?"
May kung anong pumiga sa dibdib ni Georgina pero agad niyang itinaboy ang damdaming nagbabalak mabuo. Tumango siya.
"It's always been the three of us. Bukod sa wala akong totoong kaibigan, bantay-sarado ako sa kanila. They just mellowed when I hit puberty, angst and all. Gusto ko ngang isiping sila ang nagpalaki sa akin. Sa sobrang busy ng parents namin, sila na ang naging magulang ko."
"I wonder paano ka nagka-boyfriend with your brothers hanging around," yumugyog ang balikat ni Lee sa pagtawa.
"I-I never had one," mailap ang matang sagot niya.
"But what about those guys you were with?"
She shook her head. "Wala akong naging boyfriend. Manliligaw marami."
"Rumor has it para ka lang nagpapalit ng damit kung magpalit ng boyfriend."
Huminga ng malalim si Georgina bago nagpatuloy. "Gawa ng mga binasted ko ang mga tsismis na 'yon. They must have thought it's okay to spread lies about me since hindi ako kumikibo. Men and their egos. I was a conquest for them, bragging rights goes to the guy na mapapasagot ako. In their eyes, I'm nothing but a stupid, rich girl."
Hinaplos ni Lee ang buhok niya. "What about your brothers?"
"They would have burned down the whole school if I asked them to. The truth is, it doesn't bother me. Masyado akong busy noon." Sinundan niya 'yon ng mahinang tawa.
"Busy sa?"
"Pagpapapansin sa 'yo," pagtatapat niya. "God! I was so crazy about you then."
Saglit na natahimik si Lee. His finger were drawing invisible circles on her palm as if lost in thought. Napapikit si Georgina. Hinayaan niya ang sariling lasapin ang sensasyong ginagawa ng binata sa balat niya.
"What about now?" he asked in a quiet voice.
Nanatili siyang nakapikit. "Marami nang nagbago."
"Hey," pukaw ni Lee sa kanya.
"Hmm?"
"Aalis muna ako, may kailangan lang asikasuhin. Sorry ha, emergency lang."
Bumangon na si Georgina. She sat with her legs cross, smiling faintly at him. "Ano'ng oras ka babalik?"
She almost cringed when the question slipped. Tunog nag-iinarte siya kahit hindi naman dapat. Kaso hindi na puwedeng bawiin. Kulang na lang sapakin niya ang sarili sa pagsisisi.
Lee smiled and gently pinched her cheek. "I'll be home by dinner."
He said home.
Pareho silang natigilan. Nagtama ang mga mata nila, hindi sigurado kung ano paano kikilos. Si Lee ang unang nagbawi ng tingin. Hinalikan siya nito sa noo bago tuluyang umalis. Naiwang nakatulala si Georgina.
Nawili siya sa pagbabasa at hindi namalayan ang paglipas ng mga oras. Kumukulo na ang tiyan niya. Hindi siya nakapagluto dahil wala naman si Lee. Sa labas na lang siya kakain.
Sa paborito niyang sea food restaurant sa mall nagpunta si Georgina. She ate with gusto, kinalimutan muna ang diet. Lately napapalakas ang kain niya dahil kay Lee. Binabawi na lang niya sa workout.
Patapos na siya nang makita ang pagpasok ni Lee. Huli na para umiwas dahil nagtama ang mga mata nila. Pareho silang nagulat nang makita ang isa't-isa. Pero ang lalong ikinagulat ni Georgina ay ang babaeng kasama nito.
Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Georgina. Bago pa siya makita ni Chantal ay tumalikod na siya para tumakas.
Sa Ladies' Room siya pumunta. Mabilis na nagtago si Georgina sa loob ng isang stall. Ngayon siya nakaramdam ng panghihina. Paulit ulit niyang nakikita sa isip si Chantal na nakakapit sa braso ni Lee.
Witnessing the happiness in Lee's face felt like someone put her heart into a blender and set it on high. Napayuko siya, pilit na nilalabanan ang pagtulo ng luha. Napatalon pa siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto. Hindi pala niya na-i-lock.
"A-Anong ginagawa mo?" pabulong niyang tanong, "this is the ladies' room!"
"Wala akong pakialam."
Bigla siya nitong hinalikan. Ang traidor niyang katawan, agad-agad na bumigay. Maging nang pumasok ang kamay ni Lee sa damit niya ay hindi siya nagprotesta.
Darang na darang na siya sa apoy ni Lee nang tumigil ito. He swiped a thumb on her lower lip after dropping what seemed to be a last kiss.
"Mag-usap tayo mamaya."
Umiwas ng tingin si Georgina. Bumalik na naman ang bara sa lalamunan niya. Pinilit niyang pasiglahin ang boses, sinamahan pa niya ng ngiti. "Wala sa akin kung ano man ang ginagawa mo o sino ang kasama mo."
She wished her fake bravado is convincing. Lalo pa niyang pinagbuti ang pagkakangiti.
Smile, Georgina. Smile as if you're the happiest person in the planet. Smile until you fake it, damn it!
Napahugot ng hininga si Lee. "Mas mabuti na nga sigurong 'wag na nating pag-usapan."
"Sige na, lumabas ka na," pakiusap ni Georgina.
"I'll see you later. Hintayin mo 'ko, sabay tayong mag-dinner."
Pakiramdam niya ay magka-crack ang mukha niya sa pagkakangiti. Paglabas ni Lee ay tuluyang nag-unahan ang mga luha sa pisngi niya.
Kahit masama ang loob ay naghanda siya ng dinner. Ang huling text sa kanya ni Lee ay kanina pang alas sais. Ang sabi nito ay papunta na. Pero malapit nang mag-alas otso ay wala pa rin ang binata. Malamig na ang pagkain, tunaw na rin ang yelo sa ice bucket.
Sa inis ay ni-lock niya lahat ng pinto, sinigurong naka-double lock lahat. Pagkatapos ay ini-off niya lahat ng ilaw sa baba at umakyat sa kuwarto. Kung darating man si Lee ngayong gabi, sa labas ito matutulog.
Iniwan niyang bukas ang lamp shade sa tabi ng kama. Ini-off niya rin ang cellphone. Pero kahit anong gawin niya ay ayaw siyang dalawin ng antok. Bumangon siya at hinanap ang sketch pad.
Bigla niyang naisara ang sketch pad nang bumulaga ang mukha ni Lee. Pero kusang kumilos ang mga kamay niya at naghanap ng blangkong page. Moments later, Georgina got lost in her craft.
Mahigit dalawang oras na siya sa ginagawa nang makarinig ng boses. Bukas ang pinto ng terrace niya. Noong una ay nag-alangan pa siya pero nang magsalita uli ay nasiguro niyang si Lee nga.
"Georgina! Open the door, damn it!"
Ang una niyang plano ay 'wag pansinin ang binata. Pero umulan ng maliliit na bato sa terrace. Nagtalsikan pa ang iba papasok sa kuwarto niya, ang iba ay tumama sa salamin ng pinto.
"Georgina!"
"Damn it!"
Bumaba siya para pagbuksan ang binata. Nangangamoy alak ito nang mabungaran niya, gulo ang buhok at namumungay ang mga mata.
"You reek of alcohol!" reklamo niya. Pumasok si Lee at ito na mismo ang nagsara ng pinto.
"Hindi ako lasing."
Hindi siya umimik. Nagpatiuna siya ng lakad, kasunod si Lee. Natigil ang lalaki nang makita ang mesa.
"Aren't you gonna yell at me?"
Tumigil siya. "For what?"
"Hindi ako nakarating sa oras ng usapan natin."
Nagkibit-balikat siya. "Chantal 'yon eh. Ano'ng laban ng dinner sa chances mong magkabalikan kayo? At least alam mo ang priorities mo."
Tinalikuran niya si Lee. Mabilis namang nakahabol sa kanya ang binata. Naabutan siya nito sa pinto ng kuwarto.
"Teka nga muna," pigil nito.
She smiled weakly and gave him a pat on his cheek. Pakiramdam niya pagod na pagod siya. "Magpahinga na lang tayo, lumalalim na ang gabi."
"Tumatakas ka na naman," parungit ni Lee nang tatalikod na sana siya.
"I'm not. Malapit na rin namang matapos 'to, bakit hindi pa natin paagahin?"
"What do you mean?"
Nilingon niya si Lee. "Let's consider this as our last night. Nandito na si Chantal."
"B-But..."
Mabilis niyang nilapitan ang binata at hinatak sa kamay. "I have yet to paint you," sabi niya. Her eyes glinted naugthily, "Naked."
Nakita niya ang pagkalito sa mata ni Lee sa mabilis na pagbabago ng mood niya. Tinodo niya ang pag-arte. Matatapos na lahat ngayong gabi. Bukas, kailangan nang mawala ni Lee sa buhay niya. Walang imik na nagpahatak sa kanya ang binata.
Naging sunod-sunuran si Lee sa lahat ng gusto niyang pose. Halos mapuno na ang sketch pad niya nang mangawit si Lee. Tinanggal nito ang kumot sa katawan nito at dahan-dahang tumayo. Hindi niya namalayang nakanganga na pala siya habang pinapanood ito sa paglapit.
"I gave you plenty to work on. Now, get rid of this. Sinasayang mo ang natitirang oras na magkasama tayo," sabi nito at inagaw sa kanya ang hawak.
"L-Leandro..." pabulong na sambit niya nang itingala ng binata ang mukha niya. The way he looked at her made her knees weak.
"It's Lee," mahinang pagtatama nito sa kanya. He licked his lower lip as he gazed down into her eyes.
"L-Lee."
"Don't forget this," bulong ng binata bago sinakop ang labi ni Georgina.
Her eyes instantly closed when the warmth of his lips flooded her system. Napasinghap siya nang bumaon sa buhok niya ang mga daliri ng binata, his teeth biting down on her lower lip. Wala sa loob na napakapit siya sa batok ni Lee.
"And don't forget how you made me feel."
Nagdidiliryo na yata siya, kung ano ano ang naririnig niyang sinasabi ni Lee.
#
Kinabukasan, wala na si Lee nang magising siya. Ang bakas ng ulo at amoy nito sa katabing unan ang palatandaang magkasama sila kagabi. Agad siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib pero pinilit niya ang sariling 'wag isipin 'yon. Tapos na ang pagbabayad niya kay Lee. Moving on is the next best option.
Pagdating niya sa shop ay tinawagan niya si Ruben. Pero hindi na niya ma-contact ang katiwala. Kung sabagay may natitira pang dalawang araw. Nag-text na lang siya.
Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ni Georgina sa stool habang nililinis ang mga brush niya nang marinig niya ang pagtunog ng chimes sa baba. Baka si Ruben.
"Good morning."
Sa gulat ay nabitiwan ng dalaga ang hawak. Bumagsak sa sahig ang pinagbabaran niya ng mga brush at kumalat sa carpet.
"W-What are you d-doing here?" gulat na tanong niya kay James. Ito ang pinakahuling taong inasahan niyang makikita niya sa Boracay.
"Dinadalaw ka?" nakangiting sagot nito.
"Don't play games with me, Sanders. Imposible namang nandito ka para magpa-tattoo?"
"Hindi ka pa rin nagbabago, masungit ka pa rin."
Kung naiinis siya kay Chantal dahil ito ang mahal ni Lee, mas ayaw niya sa kapatid nitong si James. The man's creepy vibe is too strong.
"Look, stop wasting my time, okay? Sabihin mo na kung ano ang ipinunta mo dito."
Parang nakakalokong sinuyod siya nito ng tingin. Lumipat ang atensyon nito ng painting na nasa likod niya. Mabilis na tinakpan ni Georgina ang canvas.
"Hanggang ngayon pala hindi ka pa nakaka-get over kay Lee."
Kung paano nito nalaman na may pagtingin siya kay Lee ay hindi niya alam. Baka sa kapatid nito. Alam ni Chantal na halos sambahin niya ang lupang nilalakaran ni Lee.
"Kung wala kang sasabihin, umalis ka na."
"Okay, I'll cut the chase. Here." Inabot ni James sa kanya ang isang brown envelope. Katulad ng nakita niyang nakaipit sa rack ng catalogues niya sa baba, may logo ito ng Plata Estates.
"Aanhin ko 'yan?"
"Bakit hindi mo basahin?"
Para matapos na ay tinanggap ni Georgina ang brown envelope. Sumulak ang galit sa dibdib niya sa nabasa. Si James ang may-ari ng Plata Estates?!
"This is fake!"
"No, it's not. Pirmado mo ang deed of sale na nandiyan."
Nalilitong hinanap niya ang sinasabi ni James. Mukhang pirma nga niya ang nasa Deed of Sale. "Wala akong pinirmahang ganyan!"
Tumaas ang kilay ni James. "Nasa akin lahat ng mga dokumento, kasama na ang titulo nitong lupa."
Imposible! Nasa safe niya sa bahay ang document na sinasabi ni James. "Tulog ka pa yata? Sleep some more, Sanders. Mukhang malala na 'yang ilusyon mo."
A knowing smile lit his features. "Humingi ako ng tulong kay Lee. Gagawin niya lahat para magkabalikan sila ng kapatid ko. Kaya nga niya tinanggap ang consultancy sa project na 'to kahit wala na siya sa Sanders Dev."
Napaawang ang bibig niya sa pagkabigla. Pakiramdam ni Georgina niratrat siya ng AK-47. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?"
"He's the project consultant. Anyway, I'll give you two days to vacate my property. I'll leave your copy here. Good day, Georgina."
Kahit ano'ng gawin niyang basa ay iisa ang sinasabi ng document; naibenta na niya ang property sa Plata Estates sa halagang limang milyon.
Ano sa tingin mo ang tunay na dahilan kaya lumapit si Lee sa 'yo? Siyempre tutulungan nito si James dahil kay Chantal. Front lang niya 'yong magbabayad ka raw kuno ng kasalanan mo. Ikaw namang si tanga, nauto. Na-two in one ka, girl.
Umiiyak na nilakumos niya ang papel. Walang itinira si Lee sa kanya, kinuha nito lahat!
Damn you, Leandro!
#
Pilit niyang ibinabalik ang atensyon sa kuwento ni Chantal. Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili. He should be happy now that Chantal is here. But he feels hollow instead. Kung kailan naman mukhang malaki ang pag-asang magkabalikan sila ng ex-fiancee, doon naman parang ayaw na niya.
"Lee, are you listening?" puna ni Chantal na nanunulis ang nguso. Halatang nagtatampo na ang babae.
"Sorry, medyo distracted lang. May hinihintay kasi akong report," palusot niya.
Sumimangot ito. Chantal is cutely posh. 'Yong tipo ng babaeng mukhang babasagin na kabaliktaran ni Georgina. The latter posses such swag and easy confidence that makes her ten times more attractive.
Wala sa loob na naipilig niya ang ulo. Stop comparing them, damn it!
"Something's on your mind."
"Work."
"Hmm."
Nagulat na lang siya nang mag-vibrate ang cellphone. Pangalan ni Georgina ang nag-flash sa screen.
Meet me at my house. ASAP.
Hindi nag-iisip na napatayo si Lee. "I have to go."
"What? Hindi ka pa nakakakain."
Hindi pa nga niya nababawasan ang pagkaing nakahain sa harap niya. "I'm sorry. Importante lang talaga."
Bukas ang pinto nang makarating siya sa bahay ni Georgina. Nakailang tawag na siya sa babae pero walang sumasagot. Wala din ito sa kuwarto nito sa itaas kaya bumaba siya para hanapin sa ibang parte ng bahay. He found her in the kitchen, staring at nothing outside the window facing the beach.
"Georgina?"
"How could you do this to me?" walang buhay ang boses ng dalaga.
Nagtaka siya. "Hindi kita maintindihan."
Noon humarap ang dalaga. Nagulat si Lee nang makita ang namumugtong mga mata nito. Lalapitan na sana niya si Georgina pero umiwas agad ito. Parang may higanteng kamay na dumakot sa dibdib niya. Gusto niyang damayan ang babae kung ano man ang pinagdadaanan nito.
"Hindi mo maintindihan?" she scoffed. "Alam mong importante sa akin ang huling regalo ng kapatid ko. I thought, in some way brought by our twisted circumstances, we're sort of friends. Palabas mo lang pala ang lahat!"
"What are you talking about?"
"Stop acting innocent! Ikaw ang nagbigay kay James ng titulo ng lupa na kinuha mo sa safe ko kuwarto!"