KABANATA 3

1315 Words
Kinabukasan ay nagising ako sa marahang pagtapik. Marahan kong idinilat ang aking mata at tumambad sa akin ang pagod na mukha ni Cassandra. Sinubukan kong ngumiti sa kanya para pagaanin ang loob niya, sinuklian naman niya iyon bagamat peke ay ayos narin dahil kahit papaano at sinusubukan niya. "Mag-ayos kana, we'll leave in 1hour" mapait niyang ani. Bumangon ako sa pagkakahiga at niyakap siya. Para naman siyang awtomatikong nanghina at napatungo nalang sa balikat ko. "This will be the last time that I will able to see my father Ayesha" mahinang bulong niya. Napagdesisyunan nina Tita na limang araw lang iburol si Tito at ito ang huling araw na iyon. Wala naman akong nasabi pa at hinayaan nalang siyang magpakahina sa harap ko. Ilang segundo ang lumipas ay kusa narin siyang kumalas at nginitian ako. "I'll go outside, sa baba ka nalang namin iintayin ni Mommy" she informed. I just nod and she instantly left. Napabuga nalang ako ng hininga sa kaiisip ng mga pinagdadaanan ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung ipapagpasalamat ko iyon dahil nawala ang atensyon ko sa sariling katangahan na ginawa. Kalma Ayesha.. It's been 5 fvckin days. I said to myself nang maalala ang nangyari. Anong taon na ngayon, halos hindi na bigdeal para sa lahat ang pagtatalik lalo na sa mga katulad niyang maharot. Ikaw ang maharot Ayesha. You seduce him. "Argh! seriously? battling with myself? Jeez!" wika ko. Nagsimula akong maligo at mag-ayos ng sarili bago chineck ang cellphone ko. Nangunot ang noo ko nang mabasa ang mensaheng sinend sa akin ni Daddy 34mins ago. Dad Papunta na kami ng Mommy mo para makiburol ngayong huling araw. We need to talk after at home. Why do I feel like sobrang seryoso ng text ni Daddy? Instead of thinking I just decided to shrugged it off. Maybe about business. Few hours later ay natapos na ang paglilibing kay Tito. Unti-unting nagsi-alisan ang mga tao hanggang sa kami nalang apat nina Cassandra,Andrei at Tita ang natira. Umuna narin sina Daddy at muling ibinilin sa akin na mag-uusap kami sa bahay pag-uwi. "b***h, uwi na ako ha. May pag-uusapan pa kasi kami nina Daddy." bulong ko nang makalapit ako sa kanya. Pilit naman siyang ngumiti at tumango sa akin para bang pinararating na naiintindihan niya ang mga sinabi ko. Niyakap ko siya bago naglakad kay Tita para mamaalam. "Salamat Ayesha" sinserong usal ni Tita, niyakap niya ako at ginantihan ko naman iyon. Tumama ang paningin ko kay Andrei na seryoso at malungkot na nakatingin kay Cassandra na hindi naman nakikita ng kaibigan ko dahil tulala itong nakatingin sa puntod ni Tito. Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya bumaling siya sa akin. Tumango nalang ako sa kanya bilang senyales ng pamamaalam ganun din naman ang iniresponde niya sa akin. Marahan akong kumalas kay Tita at tuluyan ng nilisan ang lugar. Ang alam ko ay mananatili muna sa bahay ni Tita si Cassandra kahit dalawang araw lang, marahil ay nag-aalala din iyon sa kalagayan ng Mommy niya. Mabilis kong pinaandar ang aking kotse na dinala ni Daddy at iniwan para magamit ko. Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na na akong nakarating ng bahay. Napakunot ang noo ko sa pagtataka nang makakita ng hindi pamilyar na sasakyan sa grahe nang magpapark ako. May bisita sina Mommy? Itinabi ko ang aking kotse sa sasakyan ng bisita. Muli ay ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Pinatay ko ang aking sasakyan at lumabas. Daredaretyo ang lakad ko papasok ng bahay, mabilis akong napatigil at nanginig sa kaba nang tumama ang aking paningin sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa habang kaharap ang magulang ko. "Daevon" I whispered, drop jaw. Kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya, he looked at me playfully bago humarap sa mga magulang ko. Doon ko lang napansin ang seryosong tingin ni Mommy at Daddy na ikinalunok ko ng sariling laway. "W-what's going on?" nauutal kong wika, pigil-pigil ang panginginig ng binti ko. "Kailan mo ipapaalam sa amin na may nangyari sa inyo ng lalaki na ito?" seryosong wika ni Mommy. Nanlaki ang mata ko sa gulat, pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko. "Hinayaan ka naming gawin lahat ng gusto mo dahil hindi ka rin naman nakikinig sa mga sinasabi namin. But this is too much Ayesha, hindi ko hahayaang ipagsawalang bahala mo lang ito." seryosong sambit ni Daddy, controlling his voice to raised. Doon ay lalo akong kinain ng kaba. "A-ano pong ibig niyong sabihin?" kinakabahang ani ko. "You will marry this guy Ayesha sa ayaw at sa gusto mo kung hindi ay tuluyan kitang itatalwil sa pamilyang ito." walang kalatoy-latoy na sambit ni Daddy. Parang punyal na tumama ang salita niya sa dibdib ko. "I-itatakwil?" pag-uulit ko at nagsimulang manubig ang aking mata. "Yes Ayesha, you heard me right. Ikacut ko lahat ng cards mo kapag hindi ka sumunod ngayon sa gusto namin." Dad said. "Why?" mapait kong sambit habang nakatitig sa mga magulang ko. "Hindi naman importante iyon sa panahon na ito. And besides I don't love him!" dugtong ko yelling the last line. Tila napugto ang pasensyang binibigay sa akin ng mga magulang ko at galit na tumingin sa akin. "Nakipagtalik ka sa lalaking hindi mo mahal? Pinagloloko mo ba ako Ayesha?" Mom said with disappointment. Napapikit nalang ako ng mariin. For once nakaramdam ako ng hiya at pagsisisi sa sinabi ko. I may raised as a brat but with dignity. Kaya hindi kataka-takang ganun ang naging reaksyon ni Mommy. "Be thankful Ayesha dahil willing kang panagutan ni Daevon" sambit ni Daddy at doon ay muling napunta sa lalaki ang atensyon ko. "Why are you doing this?" hindi ko napigilang ilabas ang hinanakit ko at doon ay tuluyan na ngang tahimik na pumatak ang aking luha. Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang pakialam kaya walang emosyon ang mukha niya o talagang magaling lang siyang magtago ng emosyon. "I am a man Miss Samaniego. Lahat ng aksyon na ginagawa ko ay pinaninindigan ko at isa na doon ang nangyari sa ating dalawa." walang emosyon niyang sambit. Kita ko sa gilid ng aking paningin ang paghanga sa mata ng mga magulang ko habang nakatingin sa lalaki. "Don't bullshit me. Alam kong marami ka ng naikama na babae kaya wag mong irarason sa akin iyan." inis kong sabi. Saglit naman siyang natigilan at nakabawi rin agad. I heard him smirked bago tumayo at lumapit sa akin. Hindi ako nakagalaw dahil pakiramdam ko ay matutumba lang ako sandaling umalis ako sa aking pagkakatayo. Tumayo siya sa harapan ko bago inilapit ang mukha sa gilid ng tenga ko. "Believe me lady, ikaw lang ang ikinama ko." bulong niya sapat lang para marinig ko. Sinungaling! "But I admit marami akong naging babae pero hanggang foreplay lang iyon" he continued and kiss my forehead. Napakuyom nalang ako ng kamao sa inis. How dare he kissed me in front of my parents?! "Mauuna na po ako Mr. Mrs. Samiego. Sesend ko nalang po ang details ng kasal" wika niya sa magulang ko bago ako tiningnan muli. Walang emosyon ang mata niya saka ako muling hinalikan sa noo. Gusto ko siyang suntukin kundi lang dahil sa mga magulang ko. Ghad! I feel helpless. "You are mine Ayesha Samaniego" he whispered before walking out in our house. No..no..noooo.. Tumingin ako sa mga magulang ko, umaasang magbabago pa ang desisyon nila. Ganun nalang ang panlulumo ko nang makita ang kasididuhan sa mga mata nila. "I hate you" mahina kong sambit at nagtatakbo paakyat sa kwarto ko. Isinubsob ko ang sarili sa kama at doon umiyak ng umiyak. Hindi pwede. Hindi akong pwedeng magpakasal sa lalaking iyon. Alam ko,alam ko sa sarili ko na sasaktan niya lang ako. I barely manage to move on when Ivann left me. I can't take another heartbreak, not anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD