Nagising ako sa mabigat na pakiramdam, nananakit ang sensitibong parte ko. Marahan akong nagmulat at ganun nalang ang panlalamig ko nang maalala ang lahat.
Hindi pa sumisikat ang araw, sinilip ko ang aking katabi na mahimbing na natutulog. Nag-init ang mukha ko nang mapagtantong nandito parin kami sa sofa. Ni hindi man lang ako inilipat ng lalaki na ito.
Shet Ayesha. Shete ka talaga.
Buong pag-iingat akong kumilos upang makaalis sa tabi niya. Agad kong hinanap ang damit na suot ko kagabi, hindi naman ako nahirapan sapagkat nakatupi na iyon sa isang tabi. Mabilis akong nagbihis kahit pa kumikirot ang ibaba ko.
Nang tuluyan na nga akong nakadamit ay mga gamit ko naman ang kinuha ko at tuluyang naglakad palayo sa kanya.
We should not meet again. Isip ko nang sandaling tapunan ko siya ng huling tingin bago tuluyang nilisan ang lugar.
Agad akong naghanap ng sasakyan pagkalabas at nagpahatid sa bahay.
"SAN ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" salubong sa akin ni Mommy saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin. "N-nkatulog na po ako sa bahay ng kaibigan ko" I mumbled.
Kita ko sa gilid ng aking paningin ang pagtaas ng kilay ni Mommy. Sinong hindi magtataka?Kahit gaano ako kalasing noon ay umuuwi ako, ngayon lang hindi.
Kung hindi ka ba naman sinumpong ng kalibugan Ayesha edi hindi ka mamomroblema sa pagdadahilan.
Namaalam ako kay Mommy at umaakyat sa silid ko. Pabagsak akong humiga sa kama ko at napatitig nalang sa kisame, inalala lahat ng katangahang ginawa ko.
Mabuti na lang at hindi ko sinabi ang pangalan ko, hindi naman sa nag-eexpect akong susundan niya ako pero mabuti parin yung nakapag-ingat.
Well hindi niya naman siguro gagawing bigdeal iyon. He's a playboy for petes sake.
Tinanggal ko lahat ng ideya at isiping namumuo sa utak ko at napagdesisyunang matulog nalang ulit. Ganun nalang ang asar ko nang hindi pa man ako nakakaidlip ay tumunog ang aking telepono.
Isa lang ang alam kong tumatawag sa akin maliban sa pamilya ko, si Cassandra. Kinapa ko ang aking cellphone kung saan ito tumutunog, nang mapagtagumpayan ko iyong makuha ay basta ko nalang itong sinagot.
"Can you come into my office?" she said with her serious tone.
I let out a sighed. "Give me a minute. I'm going." simpleng sagot ko at pinatay ang tawag.
Bumangon ako at naligo kahit pa tamad na tamad ang katawan ko. Nag-ayos ako saglit at tuluyan na ngang pumunta sa opisina niya.
Tulad ng inaasahan ko ay problemado na naman siya sa set up nila ng asawa niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit, kung bakit may jowa ang asawa niya kahit kitang-kita sa mga mata nito ang pagmamahal sa kaibigan ko.
Hangga'g maaari ay ayokong makialam sa damdamin nila kaya ang tanging nagagawa ko nalang ay ang ipaisip sa kanya ang feelings niya. Gusto ko ring siyang sakalin sapagkat kahit hindi niya isatinig ay mababa ang tingin niya sa kanyang sarili, mababa upang piliin. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang tumawag ang sekretarya nito para iimpormang may naghahanap sa kanya kaya naman namaalam na ako sa pag-iisip na isa iyong negosyante. Bukod doon ay talagang antok na antok na ako kaya naman nagmadali akong umuwi at walang bihis-bihis na natulog agad.
Gabi na nang nagising ako sa muling pag-iingay ng cellphone ko.
"Argh! Ano na naman kayang kailangan nito?" bulong ko sa sarili at sinagot ang telepono.
Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga nang iyak niya agad ang sumalubong sa akin.
"S-si Daddy" ayun lang ang tanging nasambit niya sa kalagitnaan ng paghagulhol.
"Sshhh papunta na ako, where are you?" sambit ko at dali-dali bumangon ng kama.
"Home" she answered and I ended the call.
Mabilis kong kinuha ang gamit ko at patakbong lumabas ng bahay para makahanap ng sasakyan. Doon ko lang naalala ang kotse kong naiwan sa bar. Habang tinatahak ang daan papunta kina Cassandra ay tinext ko si Daddy para maipakuha ang sasakyan ko.
Mahirap na baka mamaya nandun yung lalaki na iyon.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating din agad ako sa bahay ni Cassandra. Nangangatal ang tuhod ko habang naglalakad papasok, may nakita akong mangilan-ngilang panauhin sa bahay na pamilyar sa akin. Nang tuluyan na nga akong nakapasok ay tumambad na sa akin ang coffin ni Tito. Sa tabi niyon ay nakaupo si Cassandra na tulala at pugto ang mata.
Nanghihina man ay pinilit kong magpakatatag saka tuluyang lumapit sa kanya. Slowly, she drifted her eyes on me. Agad na nagpatakan ang luha niya nang sandaling magtagpo ang aming paningin, mabilis ko naman siyang niyakap at hinayaan siyang umiyak ng umiyak sa may bandang tyan ko.
"M-my father.. please bring him back to me.." she said emotionally. Kusang pumatak ang luha ko at mahigpit pa lalo siyang niyakap. Ito lang ang magagawa ko, ang samahan siya, ang maging sandalan niya.
Halos kapatid na ang turing ko kay Cassandra at alam kong ganun din siya sa akin. Naging malapit din ako sa mga magulang niya kaya masakit din sa aking tanggapin na wala na si Tito.
"Inaasahan na naman namin *hik!* kaso ang sakit parin pala talaga. Ang hirap tanggapin Ayesha" she mumbled as she hugged me tight.
"I'm sorry for your loss Cass. Stay strong b***h, I'm always here for you." I said and caress her hair.
Hindi kami yung tipong naglalambingan na magkaibigan pero kapag talagang dumadating kami sa ganitong punto ay hindi namin maiwasang hindi maging emosyonal.
"I know. Thankyou Ayesha." she whispered and cried silently.
"Where's Andrei?" I asked dahil hindi ko siya nakikita mula pa kanina. Siya at si Tita lang ang nakita ko na kasalukuyang iniintindi ang mga bisita. Kita rin sa mga mata nito ang pagod at sakit sa pagkawala ng kabiyak.
Ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Cassandra sa bewang ko. Huminga siya ng malalim at kumalas sa akin, kung kanina ay puno iyon ng lungkot ngayon naman ay tila manlalamig ka sa ekspresyong inilalabas niya.
Tumingin at saglit siyang ngumiti akin. "America" tipid niyang sagot.
Kumunot ang noo ko at pinakatitigan siya. She shrugged and looked at his father's coffin. "For business" simple niyang sunod.
"Did you informed him?" I asked try to not offend her or something.
"I know Mommy did" simple niya uling sagot.
"Something's wrong. What happened?" puno ng pag-aalala kong sambit habang nakatingin sa kanya.
Binalingan niya ako ng tingin saka muling ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pinahihirapan niya ang sarili niyang ngumiti gayong alam ko naman ang tunay na nararamdaman niya.
"He wants an annulment, his girl brought me the papers when you left my office." she said that made me stunned for a bit.
He wants an annulment?
Inilabas niyang muli ang kanyang pekeng ngiti bago bumaling sa kanyang ama. "Magkasama silang pumuntang America" she whispered, enough for me to hear.
APAT na araw na ang dumaan nang makabalik ang asawa ni Cassandra mula America, punung-puno ng pagsisisi ang mukha nito habang humihingi ng pasensya sa kanila ni Tita. Naunawaan naman iyon ni Tita samantalang nanatiling nakay Tito ang atensyon ni Cass at simpleng tumango nalang kay Andrei. Naaawa man ako sa kalagayan ng kaibigan ko ay hinayaan ko nalang muna siya, ang mahalaga ay alam niyang nandito ako para sa kanya.
Sa mga dumaang araw ay namaalam ako kay Mommy na dito muna ako kina Cassandra mananatili, bukod kasi sa gusto kong makatulong kina Tita sa pag-iintindi sa mga bisita ay hindi ko rin maiwasang mag-alala para kay Cassandra. Ipinagpapasalamat kong kahit papano ay hindi siya nagmimintis sa pagkain, tila ba alam niyang kailangan niyang alagaan ang sarili.
Since nandito na si Andrei ay napagdesisyunan kong mamahinga muna. Hindi na ako namaalam sa kanila dahil ayoko namang sumingit sa mga ginagawa nila. I was walking up to the guest room nang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
No..
Hindi naman siguro..
Dahan-dahan ko muling ibinalik ang paningin sa ibaba kung saan nandun ang mga nakikiburol kay tito. I scanned the people and sigh a relief after.
Akala ko talaga nakita ko siya..
Ang lalaking nakakuha sa akin mabuti nalang mukhang guni-guni ko lang iyon. Marahil ay dahil sa pagod kaya ganito nalang ang mga naramdaman ko. Kaya naman tuluyan na akong pumasok sa guest room na inuukupa ko at natulog.