"What?" tawang-tawa si Sabina matapos kong sabihin iyong sinabi sa akin ni Ric. "Akala ko ba ay nanliligaw pa lang sa 'yo? Bakit nagde-demand na kapag hindi mo s'ya binalikan after three dates ay hahayaan ka na? Puwede ba iyon?" Iyon din naman ang tanong ko nitong mga nakaraang araw. Ngunit sa halip na maasar ay parang natuwa pa ako kaya mas lalo kong hindi maunawaan ang sarili. "Paano pala kapag hindi mo nga s'ya binalikan pagkatapos ng tatlong dates na hinihingi n'ya? Susuko na ba s'ya noon?" dagdag na tanong pa ni Sabina. "Siguro... gusto lang n'yang huwag nang magsayang ng oras kaya sa halip na patagalin pa, binigyan na lang n'ya ng deadline si Gab..." sabi naman ni Letti na para bang representative ni Ric. "Pero nanliligaw pa lang s'ya so bakit may deadline? Ano 'to, exam?" Mabili