Chapter 7

1299 Words
Muli kong pinagmasdan ang sarili sa salamin. Hindi ko akalaing darating talaga ang araw na babalik ako rito sa Pilipinas at makikita ko ang sarili ko na naghahanda sa pagpasok sa isang malaking kompanya. Kung dati ay pakiramdam ko ay nawawala ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang purpose ko sa buhay, ngayon naman ay nalilito ako kung tama nga ba ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko man gusto pero bumabangon sa akin ang pagdududa sa sarili. Huminga ako nang malalim at inayos ang ribbon na accessory ng blusang suot ko. Nang makitang maayos ang pagkakatali ng laso sa bandang leeg ng blusa ay isinuot ko na ang blazer ko. Inayos ko pa ang palda upang siguraduhing wala iyong lukot. Again, I looked at my reflection in the mirror. At katulad ng dati ay ibang Gabriella na ang nakikita ko. Hindi na iyong babaeng papatulan ang bawat echoserang tsismosa sa paligid. Hindi na ako iyong dating ako na basta na lang gagawa ng kalokohan at walang pakialam kung makakalbo ang iba sa kunsumisyon sa akin. Hindi na rin naman kung ano lang ang trabaho ko. Hindi na rin ako puwedeng magdesisyon nang hindi tama. I'm dealing with project proposals, merging, collaboration and such. Hindi na ako puwedeng magkamali ng desisyon dahil isang palpak lang ay madami ang maaaring madamay. Bukod sa mataas ang posisyon ko sa kompanya nina Road ay may malaki rin akong responsibilidad at bawat desisyong gagawin ko ay makakaapekto sa kompanya at sa daang-daang empleyadong mayroon ito. "Ang ganda naman ng pamangkin ko," komento ni Tita Malou na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa silid. Bahagya akong natawa sa narinig. Humarap ako sa kanya at kaagad naman n'ya akong pinasadahan ng tingin. "Okay lang ba ang itsura ko, Tita?" tanong ko. Mabilis na tumaas ang kilay ni Tita. "Hindi mo na kailangang itanong ang bagay na iyan, Gabriella. Mula noon hanggang ngayon ay napakaganda mo pa rin. Nasaan na ang over-confident kong pamangkin?" biro pa n'ya. Mas natawa ako. Kinuha ko ang bag at lumabas na ng silid. "Saan ka nga pala pupunta?" takang tanong ni Tita Malou habang sumasabay sa akin sa paglalakad patungo sa hagdanan. May kalakihan na ang bahay namin ni Tita. Naipa-renovate namin ang bahay at mas lumawak na ito ngayon. Nagawa ko ring mabili iyong bakanteng lote na nasa kanang bahagi ng bahay namin. Isa sa mga araw na ito ay isasama ko na rin iyon sa ipapaayos kong bakod. Plano ko kasing magtayo ng maliit na business at isang coffee shop ang naisip ko. "Sabado ngayon pero bihis na bihis ka. Akala ko ba ay sa lunes pa ang simula ng trabaho mo?" dagdag na tanong pa ni Tita. Nakangiting nilingon ko si Tita Malou. "May kailangan lang akong i-check sa company, Tita. Nakiusap si Road kaya pupunta ako ngayon doon." Kunot na kunot pa rin ang noo ni Tita hanggang sa makababa kami. "Ano naman ang ipinagagawa sa 'yo ng boss mo at hindi makapaghintay ng Lunes?" "May kailangan akong i-check na file, Tita," tugon ko. "Bakit parang badtrip na naman kayo? Akala ko ba ay magkasundo na kayo ni Road? May masama bang ginawa sa inyo 'yong tao?" Kaagad na nagkibit ng balikat si Tita Malou. "Hmm... wala naman. Hindi ko lang talaga s'ya gusto para sa 'yo." Natawa ako sa narinig. "Kapatid ni Alfon at presidente ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko si Road, Tita. Wala kaming relasyon, magkaibigan lang kami." Hindi na nakasagot si Tita nang may mag-doorbell. "Sino naman kaya ang bibisita sa atin nang ganito kaaga?" tanong ni Tita at hinarap ako. "May inaasahan ka bang bisita?" Umiling lang ako. "Walang nakakaalam na umuwi na ako rito maliban sa mga kaibigan ko." Nang-aasar na kinalabit ko si Tita sa balikat. "Baka ang asawa mo, Tita. Ilang araw ko na s'yang hindi nakikita. Baka umuwi na." Lumabi lang si Tita Malou at sumenyas na lalabas na. Tumango lang ako at dumiretso na sa kusina para uminom ng tubig. Nang makainom ay lumabas na ako mula sa kusina at kinuha ang bag na nasa sofa. Dumiretso na ako sa labas dahil mukhang napasarap na roon si Tita Malou. "Kagagaling ko lang sa Madrid, Tita. Naisip kong ibili kayo ng wine dahil paborito n'yo iyon, hindi po ba?" Pakiramdam ko ay tumigil ang puso ko nang makilala ang boses na iyon. Napatigil ako sa paghakbang at pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo. "Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili bago inilang hakbang ang pinto. Nakakaisang hakbang pa nga lang ako ay muli na naman akong napatigil nang makita kung sino ang kausap ni Tita Malou, ang may-ari ng pamilyar na boses na narinig ko kanina. Napalunok ako habang nakatitig sa nakangiting si Ric. Hindi pa n'ya napapansin ang presensya ko at buong giliw na nagkukuwento s'ya kay Tita. Nanuyo ang lalamunan ko. Alam kong malaki ang posibilidad na magkasalubong ang mga landas namin dahil magkapareho ang mundong ginagalawan namin pero hindi ko naman inaasahang sobrang aga ng pagkikita namin. Ilang linggo ko nang pinaghandaan ang ganitong senaryo ngunit ni kahit minsan ay hindi naman ako naging handa. Katulad ngayon, sino bang mag-aakalang sa bakuran pa namin kami magkikita? "Hindi ka na dapat nag-abala, Ric," wika ni Tita habang tuwang-tuwang nakatitig sa bote ng wine. Ric laughed. Buong-buo ang boses n'ya. Iyong boses na pangangarapin mo agad, ganong-ganoon ang dating ng halakhak n'ya. "Hindi ba at sinabi n'yong kailangan kong magpakita agad sa inyo pagkauwi ko mula sa conference?" Ric pointed to the bottoe of wine. "Alam ko namang gusto n'yo lang ng pasalubong na wine-- Hindi na n'ya naituloy ang sasabihin nang mapadako sa direksyon ko ang mga mata n'ya. Hindi na ako nakaiwas pa, nakita n'ya ang namamangha kong itsura. I bit my lower lip. Hindi ko alam kung iiwas ako ng tingin o mananatiling nakatitig sa kanya. But Ric did the exact opposite. Bukod sa wala akong nakitang rekognisyon sa mga mata n'ya, kaagad n'yang tinanggal sa akin ang paningin n'ya na tila ba wala ako roon, na tila hindi n'yaan lang ako nakita. "By the way, Tita, hindi na ako magtatagal dahil kailangan ko pang magpakita kay Mommy," ani Ric at nginitian si Tita Malou. May mga sinabi pa si Ric ngunit hindi ko na iyon naintindihan. Ibang-iba ang paraan n'ya ng pakikitungo kay Tita at sa paraan ng tingin n'ya sa akin. Nang makita kong inihatid s'ya ni Tita sa may gate ay mabilis akong bumalik sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang sakit ng puso ko, sobrang sakit. Sinapo ko ang dibdib at bahagyang tinapik. Huminga ako nang malalim para makalma ang sarili. Pagkaraan ng ilang segundo ay nagdesisyon na akong lumabas. Nakita ko si Tita na binabasa ang nakasulat sa likod ng wine. Nagkunwari akong kalalabas lang mula sa kusina. "Oh, bakit ang tagal mo?" tanong ni Tita at itinuro ang labas. "May bisita tayo kanina. Umalis na nga lang agad." Tumango ako at nagkunwaring hindi interesado. "Oh, ganoon po ba? Siya ba ang may bigay sa inyo ng wine na iyan?" Inilapag ni Tita ang wine sa lamesa at bahagyang lumapit sa akin. "Hindi mo ba ako tatanungin kung sino ang nagbigay sa akin ng wine na iyon?" Itinuro pa n'ya ang wine. Umiling ako. "Hindi ako interesado, Tita." Mabilis na hinalikan ko s'ya sa pisngi. "Mauuna na ako, Tita." Alam kong may gusto pang sabihin si Tita pero mabilis na akong lumabas ng bahay at tinungo ang garahe. Hindi pa ako handang makita si Ric pero nakita ko s'ya sa hindi ko inaasahang pagkakataon. And I looked like a total loser. Napasubsob ako sa manibela nang makapasok sa sasakyan. Bago pa ako kainin ng kung anu-ano isipin ay binuksan ko na ang makina ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD