Laman pa rin ng isip ko ang nangyari kanina kaya halos tulala ako sa buong durasyon na nasa loob ako ng kompanyang pagtatrabahuhan ko simula sa lunes.
Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang maaga naming pagkikita ni Ric. Parang gusto ko tuloy magsisi na hindi ko sinunod ang payo ni Sabina na ihanda ko ang sarili sa lahat ng posibleng mangyari sa oras na magkita kami ni Ric.
Bakit ka maghahanda? May nangyari ba? Wala naman. Itinuring ka lang n'yang hangin.
Wala sa sariling napabuntong-hininga ako.
"Miss Castro, may problema po ba? May hindi po ba kayo nagustuhan sa pag-aayos sa magiging opisina n'yo?"
Napasulyap ako sa babaeng nagsalita. Saka ko lang naalala na narito pa ako sa kompanya nina Road at kasalukuyan kaming nandito sa ikalabing-anim na palapag ng gusali. Hinihintay namin ang private elevator na para lamang sa mga umuokupa sa mga top floors.
May labingwalo ang palapag ng gusali na pag-aari ng kompanya nina Alfon. Ang opisinang gagamitin ko ay nasa ikalabing-anim na palapag at huli na nang ma-realize ko na hindi naman pala importante ang dahilan ni Road kaya n'ya ako pinapunta rito.
Ang babaeng nasa may gilid ko, si Lolie, ang nagsabi sa akin na nagbilin sa kanya si Road na ipakita sa akin ang magiging opisina ko. Ang akala ko talaga ay may naging problema rito.
Malaki ang opisinang ibinigay sa akin ni Road. Tanaw ang buong siyudad pero hindi naman isyu sa akin kung nasaan at anong itsura ng magiging opisina ko. Ang gusto ko lang ay makapagtrabaho ako nang maayos.
"Ang sabi po ni Mr. Zaragosa ay alamin ko kung ano ang gusto n'yo pang idagdag sa opisina n'yo. Baka may gusto pa po kayong gamit na ipalagay sa magiging silid n'yo. May budget naman po tayo para roon kaya kung may naiisip kayo ay sabihin n'yo lang sa akin," dagdag na paliwanag pa ni Lolie.
Umiling ako at ngumiti sa babae. "Hindi mo na kailangang problemahin ang tungkol doon. Gusto ko ng lahat ng nasa opisina ko at hindi mo na kailangang dagdagan pa ang mga gamit doon."
Ilang beses na napakurap si Lolie. "Sigurado po ba kayo riyan, Miss Castro?" hindi makapaniwalang tanong n'ya. "Malaki po ang budget para sa magiging opisina n'yo at wala pang kalahati ang nagagastos sa pag-aayos niyon."
Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi na talaga ako makapaghintay na umuwi rito si Road para maipako ko s'ya sa krus.
"Ganito na lang, itabi na lang natin ang natira para sa oras na kulangin tayo ng budget sa kahit anong project ay maitatapal natin 'yan, okay ba 'yon?"
Masiglang tumango si Lolie. "Okay na okay po."
Nang bumukas ang elevator ay nagpaalam na ako sa babae. Kaagad na pinindot ko ang basement, wala na rin naman akong gagawin dito kaya gusto ko nang umuwi.
Napasandal ako sa dingding ng elevator nang maalala si Letticia. Mas mabuti siguro kung bibisitahin ko ang kaibigan.
Matapos ang ilan pang segundo ay bumukas na ang elevator. Lumabas na ako roon at diretsong naglakad sa hallway na magdadala sa akin sa exit ng gusali.
Dire-diretsong lumabas ako at tinungo ang parking lot. Mabilis kong nahanap ang sasakyan ko at maya-maya pa ay nasa main road na ang kotse ko.
Malaki na ang ipinagbago ng bansa. Iyon agad ang napansin ko noong araw pa lang na bumalik ako rito. Marami nang naglalakihang mga gusali at madami pa rin akong nakikitang mga ginagawang imprastraktura at mga istruktura.
Larawan ng kaunlaran ang bansa. Hindi ko nga lang maiwasang hindi pansinin ang epekto ng kaunlaran hinahangad ng lahat. Dahil sa kagustuhang masabayan ang mga mayayamang nasyon ay mukhang nakalimutan na ang kahalagahan ng kapaligiran.
Isa ito sa hindi ko maintindihan kahit na noon pa. Kung bakit kinakailangang isakripisyo ng tao ang kanyang kapaligiran para lang sa kaunlaran. Mahirap bang piliin pareho iyon? Lalo na at pareho namang mahalaga.
Samu't-sari ang tumatakbo sa isip ko kaya nagulat pa ako nang makitang papasok na ang sasakyan ko sa parking lot ng restaurant ni Letticia.
Sandali akong napatigil nang madaanan ang eksaktong lugar kung saan natapos ang relasyon namin ni Ric ilang taon na ang nakararaan.
Ikiniling ko ang ulo. Mukhang magiging imposible sa akin na iwasan ang lalaki. Maraming bagay at mga taong nag-uugnay sa aming dalawa kaya mahirap gawin iyon.
Halos puno na ang parking lot kaya napadpad ako sa dulong bahagi. Napakunot pa ang noo ko nang makita ang isang sasakyan na naka-park sa tabi ng espasyong pagpa-park-an ko sa sasakyan ko. Pamilyar iyon sa akin, hindi ko nga lang maalala kung saan ko nakita iyon.
Bago tuluyang mag-park ay pinicturan ko ang unahan ng kotseng iyon. Hindi ako agad lumabas ng sasakyan, sinubukan kong aninagin kung may tao ang katabing kotse ngunit tinted iyon.
I messaged Alfonso. Isinend ko rin sa kanya ang larawang kinuha ko. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil kaagad na nakatanggap ako ng sagot.
"What do you mean familiar? Of course it is. Kotse ni Mackisig 'yan, nasaan ka ba?"
Nangunot ang noo ko nang mabasa ang reply ni Alfon. Hindi na ako nagsayang ng oras, kinuha ko ang bag at mabilis na bumaba mula sa sasakyan.
Plano ko sanang katukin ang bintana ng kotse ni Macky pero dahil gusto ko s'yang gulatin ay umikot ako sa harapan ng kotse n'ya.
Muntik na akong matawa nang makitang nasa loob nga ng sasakyan ang kaibigan. Parang natulala si Macky habang nakatingin sa restaurant.
I followed his gaze. Hindi ko nga lang alam kung sino ang tinitingnan n'ya roon. Bukod kasi sa malayo sa restaurant ang kinaroroonan namin ay mukhang imposible naman na makita n'ya si Letti. Sigurado kasi akong nasa loob ng opisina n'ya ang babae.
Lumapit ako sa may driver's seat at malakas na kinatok ang bintana. Tuluyan na akong natawa nang kulang na lang ay mapaigtad si Macky dahil sa gulat.
Kaagad na napailing s'ya. Akala ko nga ay ibababa lang n'ya ang bintana ng kotse pero hindi iyon ang ginawa n'ya. Lumabas s'ya mula sa sasakyan at humalik sa pisngi ko.
"Gab," he greeted me. "What are you doing here?"
I pointed to the restaurant while looking at him. "Bibisitahin ko si Letticia. How about you? Anong ginagawa mo rito?" diretsong tanong ko.
Mukhang hindi n'ya inaasahan ang pagtatanong ko kaya hindi s'ya kaagad nakasagot.
"Are you stalking Letticia?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"What? No! Of course not!" bulalas n'ya.
I glanced at his car. "Then, anong ginagawa mo rito? Tumatambay? Nakiki-park?"
Basta na lang n'ya itinuro ang hindi malamang direksyon. "Oh, I had a meeting around here. Walang parking kaya dito na ako naki-park."
Tumango-tango ako. "Hindi ka na co-owner ng restaurant na ito, ibig sabihin ay hindi ka puwedeng mag-park maliban na lang kung magiging customer ka."
Macky hissed. "I'm also her friend, Gabriella."
"You're her ex-boyfriend," I replied.
I eyed Macky thoroughly. Tama nga si Letti, nagbago na ang lahat. Hindi ko lang pinagtuunan ng pansin ang mga pagbabagong iyon.
Ngayong nakikita ko sa malapit si Macky ay parang ibang tao na s'ya. Malayong-malayo na s'ya sa imahe n'yang natatandaan ko.
When we were in college, he was one of the noisiest, bubbliest and one of the most charming in our group. Madalas na maraming nagco-confess noon kay Macky dahil inaakala ng marami na seryoso s'ya sa buhay.
Natatandaan ko pa nga kung paano s'ya naghintay kay Letti. But, dahil umalis ako, hindi ko alam ang buong detalye ng kuwento nila at kung paano iyon nauwi sa hiwalayan.
Ngunit ngayon, he looks sad. Malungkot ang emosyon ng mga mata n'ya.
I heaved a sigh. "I heard that you were getting married," wika ko kahit na alam kong hindi ko dapat sinabi iyon.
Ewan ko ba. May gusto lang akong kumpirmahin. Isa pa ay ayokong maging miserable ang kahit sino sa mga kaibigan ko.
"Ah, yeah." Macky looked away.
"You looked happy," I said, punong-puno ng sarcasm ang boses. "By the way, congratulations."
Macky laughed a bit. "I need to go, Gab." Binuksan n'ya ang pinto ng kotse.
Tumango ako. "Ayaw mo bang magpakita kay Letticia? Plano kong yayain s'yang mag-bar."
"What did you say? Bar?" At ang tangang si Macky, nauntog lang naman dahil sa pagkabigla.
Napailing ako. "Why? I want to make it up to her." Pagkasabi niyon ay tinalikuran ko na s'ya.
Dire-diretso ang lakad ko papunta sa restaurant. Wala naman akong planong mag-bar dahil hindi nga ako sigurado kung haharapin ako ni Letticia lalo na at ramdam kong malaki ang tampo n'ya sa amin ni Sabina.
Ngunit dahil sa reaksyon ni Macky, parang gusto kong uminom. Nanggigigil talaga ako.
How could he do that? Paano n'ya nagawang iwan si Letticia para magpakasal sa iba kung ganito rin lang naman ang ikinikilos n'ya?
How about you? Why did you left Ric years ago? Ganting tanong sa akin ng mahaderang bahagi ng isip ko.
"For myself," mahinang sagot ko.