"Gabriella." Napapitlag ako nang marinig ang pagtawag ni Ric mula sa labas ng silid na tinutuluyan ko. May isang oras na yata mula nang sunduin kami ng sasakyan ng head engineer. Dinala kami rito sa resort para makapagpahinga at para na rin makaligo. Dapat lang naman lalo na at basang-basa talaga kami ng ulan. Sinamaan ko ng tingin ang nakasarang pinto. Kanina pa kami nakarating dito sa resort at kaagad naman kaming binigyan ng mga sarili naming kuwarto. Nakaligo na ako at lahat pero sobrang malakas pa rin ang ulan sa labas. Ilang beses ko na ngang sinilip ang labas ng bintana pero wala naman akong ibang nakita roon. Mas dumilim ang panahon, ang narinig ko sa usapan ng mga staff sa resort ay may bagyo raw at isa ang Batangas sa daraanan niyon. Wala naman akong alam dahil halos hindi