Sinulyapan ko muna si Ric bago sinagot ang tawag. "Luigi..." "Hi! I'm sorry dahil alanganin na ang tawag ko. Natutulog ka na ba? Nagising ba kita?" Muli akong sumulyap kay Ric. Abala na s'ya sa pagtitig sa usok na nagmumula sa kanyang kape. "Oh, hindi naman. Hindi pa ako natutulog. I'm drinking coffee..." "Gusto ko lang mag-apologize dahil sa nangyari noong nakaraan... nasabi rin sa akin ni Alfon na nasa isa kayong bar..." Tsismoso talaga si Alfonso! "Kanina pa kami nakauwi. Sina Sabina at Letti ang kasama ko, hindi rin kami nagtagal doon." "Oh..." Nangunot ang noo ko nang makarinig ng pagbusina. "I heard a car's horn. Are you still outside?" Tiningnan ko ang orasan. Ala una na ng umaga! "Are you still outside?" "Yeah. Nagkaproblema kasi sa kompanya at kahapon lang namin naayos