Chapter 29

2075 Words

Naalimpungatan ako nang isang mabigat na hita ang dumantay sa akin. Hita ni Sabina iyon at halos nakasiksik na s'ya sa akin. Nang tingnan ko naman ang kabila kong gilid ay nandoon naman si Letticia, medyo maayos ang posisyon n'ya. Napapailing na tinanggal ko ang hita ni Sab. Inayos ko rin ang pagkakakumot sa kanya noong blanket ko dahil iyong kanya ay nasa sahig na. Hindi ko talaga akalain na magiging international model ang babaeng ito. Siguradong sa oras na malaman ng publiko kung gaano kalikot matulog ni Sabina ay siguradong pagpipiyestahan s'ya ng madla. Malamlam ang liwanag na ibinibigay ng lamp shade pero sapat lang iyon para makita ko kung anong oras na— lampas alas kuwatro na ng madaling araw. Linggo na at hanggang ngayon ay malakas pa rin ang ulan. May bagyo nga yata dahil hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD