"Sinugod ka ba?" "May ginawa ba sa 'yo?" Iyon ang kaagad na salubong sa akin nina Sab at Letti pagkapasok ko pa lang ulit sa bakuran namin. Umiling lang ako, nakatingin pa rin sa gate. Ihahatid nga kaya ni Ric si Yelena sa kanila katulad ng sabi ko? Sinabi ko lang iyon... Ngunit ayaw ko talagang gawin n'ya iyon. I bit my lower lip. Muli akong tumingin sa labas ngunit wala pang Ric na pumapasok doon. I eyed my watch. Dalawang minuto na ang lumipas. Dalawang minuto pa lang pero ibang panic na ang nararamdaman ko. I should have stopped him. Dapat ay hindi ko sinabing ihatid n'ya muna si Yelena. Sana ay isinama ko na s'ya papasok dito sa loob! Ngunit paano ko naman gagawin iyon kung wala akong karapatan? Paano na lang kung ma-realize n'yang mas kailangan s'ya ni Yelena at hindi n