Chapter 4
Yna PoV
"NAKAKAINIS siya sa harap ko pa talaga gagawa ng kalokohan hindi na nahiya," ngitngit na saad ko habang nakikipag-usap kay Lance. Nasa loob kami ng kariderya na dalawa para magpalipas ng sama ng loob. Nauna nang umuwi si Maureen dahil sinundo na ito ng boyfriend nito.
"Harap natin!" Pagtatama nito.
"Okay harap natin bakit ba ganoon ang kapatid mo na iyun?" tanong ko rito habang nakatitig kay Lance.
Hindi nagsalita si Lance. At nanatiling humigop ng sabaw ng kinakain nilang Mami. Inilibre niya ako para raw maibsan ang pagkainis ko at ikain ang nararamdaman ko.
Kung hindi ko lang talaga gusto si Marcus kay Lance na talaga ako magkakagusto, e. Si Sir Lance na mabait, walang bisyo at seryoso. Ideal na lalaki sa lahat ng babae. Suwerte ni Allyson dahil kay Lance ito nagkagusto iyon nga lang tila wala ring gusto si Lance kay Allyson.
"Ano bang problema ninyo sa aming magaganda?" tanong ko sa kaniya na ikinasamid nito.
Nilingon niya ako ngunit ipinagpatuloy nito ang pagkain. Wala itong sinasabi hanggang sa hinampas ko ang lamesa at nagtinginan ang mga tao na nasa paligid at kumakain rin.
"At ano ang problema ninyo sa katulad naming guwapo," sabi ni Lance nang ibinaba nito ang kutsarang hawak. "Alam mo, Yna. Huwag kang masiyadong magpakita ng motibo sa kapatid ko. Masiyado mo siyang sinasanay na pinapansin at hinahabol." Ngumisi si Lance sa akin.
"Mali ba ang ginagawa ko? Hindi ba tama na mahalin ko siya at ipagpilitan ko ang sarili konsa kaniya? Alam mo napakalabo ninyong mga lalaki, palibhasa ang gusto lang naman ninyo sa aming mga babae, e. Iyong paiyakin kami pagkatapos ligawan at ibigay ang aming mga sarili." Humalukipkip ako.
"Yna, hindi lahat ng lalaki, ganiyan. Kung may galit ka sa kapatid ko, sa kaniya ka magalit huwag kang mandadamay. Heto nga pala ang pambayad mo, Miss maganda," sabi nito bago inilapag ang limang daan sa harap ko. 'Uuwi na ako dahil late na at ikaw umuwi ka na rin tutal nasa kabilang kanto lang naman na ang bahay mo."
"Sige, Sir salamat! Ipakamusta mo ako sa amo ko, ha!" sabi ko at kinawayan ito.
Liningon niya ako at marahang tumango. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain ko at umorder pa ng isang mangkok na mami. Idadaan ko talaga ang sama ng loob ko sa pagkain ng Mami.
Nangilid ang luha ko nang mapaso ako habang sumusubo. "Walang hiya talaga ang manhid na iyon, walang puso," bulong ko sa sarili habang padabog na kumakain.
NAGPASYA akong pumunta sa bar. Hindi talaga ako mapakali kapag masama ang loob ko. Kailangan kong uminom ng beer para makalimutan ko ang sweetness ko sa nakakaasar kong boss. Dapat magpaka-bitter na ako kaysa naman patuloy akong umasa na mahalin niya ako pabalik. Pinagmumukha ko lang na gaga ang sarili ko dahil sa kabaliwan.
Pagpasok ko pa lang sa bar ay agad na akong nagtungo sa center table para um-order ng kahit anong alak basta nakakalasing. P'wede ko naman sigurong tawagan si Sir Lance kapag hindi ko na kayang umuwi mag-isa o di kaya'y si Sir Marcus na lang. Ang lalaking iyon na naging dahilan kung bakit nagdurugo ang puso ko ngayon. Tsk, bakit ko nga pala tatawagan ang babaerong iyon na ipinagpalit ako sa mukhang bibe na iyon.
Tinabihan ako ng isang lalaking naka-hood at maong na short. Habang nasa center table ako at kinakausap ang barista.
Sinulyapan ko ang lalaki pero hindi naman ito tumingin sa akin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kadarating lang din nito tulad ko pero nang-aagaw na ito ng space. Sinasadya pa nitong iurong ang sarili sa akin. Baka isa itong magnanakaw o hindi kaya isang manyak.
"Excuse me p'wedeng umusog ka hindi ako makasayaw." Tumalima naman ito ngunit hindi pa rin tumitingin. Medyo may kadiliman sa bar kaya naman hindi ko maaninag kung lalaki ba o kung alien ba. Ang taong nasa tabi ko.
"Thats what you get when you let your heart win. Oh oh oh!" Sigaw ko habang sinasabayan ang music.
Umiinidak ako sa maingay na music ng DJ at ang kanta ng Paramore na ini-remix. Palundag-lundag ako at nakikipagsabayan sa mga naroon. Mabilis kong maubos ang mga alak na inorder ko habang sumasayaw at naghe-headbang.
"Cheers para sa mga taong manhid!" Malakas na sigaw ko. At nilagok ko muli ang alak at napangiwi habang tahimik lang ang taong nasa tabi ko. Mukhang hindi ito umaalis sa tabi ko. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa bag ko. Baka magnanakaw ito at itangay ang mga gamit ko.
Mayamaya pa ay nakaramdam na ako ng init sa katawan kaya hinubad ko ang blazer na suot ko at naka-spagetti strap na lang.
Iwinagayway ko ang tinanggal kong blazer habang sumasabay sa indak ng musika.
"Mabuhay ang mga nagmamahal at mamatay na sana ang mga manhid," muli kong sigaw. Nakaramdam ako ng hilo kaya bigla na lamang akong napapasandal sa katabi ko. Hindi naman ito nagreklamo kahit nakatayo akong nakasandal sa likod nito.
"Hi, Miss can we dance?" Alok ng lalaking lumapit sa akin.
Inilahad ko ang kamay ko. "Sure!"
Pero bigla na lang lumapit ang lalaki sa likuran ko at hinawakan ang kamay ko.
Hinatak ako ng lalaki kaya napasubsob ako sa dibdib nito na napakatigas. Hindi pa rin ito nagsasalita hanggang suntukin ito ng lalaking lumapit sa akin.
"Sino ka ba?" asar na tanong ng lalaking gustong makipagsayaw sa akin. "Alam mo pare kung may problema ka huwag kang pumupunta rito at nang-aagaw ng babaeng gusto kong isayaw."
Hindi nagsalita ang lalaki pero sinuntok nito ang lalaking hindi ko maaninag ang itsura. Pero pansin kong payat ang pangangatawan ng lalaki.
Tuamlikod ang lalaking naka-hood at ininom muli ang beer na hawak nito. Nang maubos ang laman ay ipinukpok niya iyon sa lalaki na lumapit muli sa amin.
Binitawan ng lalaki ang kamay ko Kaya minabuti kong sundan ito.
"Hey! You!" Turo ko sa lalaking palayo sa akin.
Nasa parking lot kami sa labas ng bar. Tumigil ito sa paglalakad hindi pa rin nito binababa ang hood na suot. Kahit pasuray-suray ang lakad ko ay nagawa ko itong lapitan. Muntik na akong matumba kung himdi niya ako nasalo.
"Hey, sino ka ba, ha?" naiinis na tanong ko.
"I'm none of your business." Tumalikod muli ito ngunit niyakap ko nang mahigpit sa likuran.
"Alam mo parang pamilyar ka sa akin." Napasinok ako habang nagsasalita. "Alam mo kaya ako ganito because of you!. No!... because of him that bastard men, na walang puso, atay at balun-balunan. He treated me like a garbage. Naiinis ako sa kaniya... sa inyong mga lalaki! Dumarating para maging hero ko pagkatapos ano? Iiwan din ako dahil hindi ako importante. Kasalanan ko ba... kasalanan ko ba na nahulog ako sa kaniya!" Umiiyak na sabi ko habang yakap ang lalaki.
Hindi nagsalita ang lalaking yakap-yakap ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagdra-drama.
"Alam mo na iyong feeling na nasasaktan ka ng hindi niya alam. And worst dahil nasasaktan ka na nga niya minamahal mo pa rin siya. And I know you're thinking na... I'm stupid, a b***h, ahh... whatever. Sa tingin mo nararapat akong masaktan ng ganito?" Pagkasabi ko niyon ay bigla na lamang akong natumba. Nasalo muli ako nito sa ikalawang pagkakataon.
Sa pagkakataon na iyon ibinaba ko ang hood nito at laking gulat ko nang makita ang guwapong mukha ni Marcus na namumula. Nagtama ang aming mga mata.
"Your stupid," sabi nito na marahan akong inalalayang itinayo.
"Do you think, I am? Minahal lang naman kita, ah. Bakit ba napakamanhid mo?" bulyaw ko sa kaniya habang idinuduro ko.
Bumuntong-hininga ito bago ako talikuran. "You deserve better than me, I'm sorry," sabi nito bago umalis sa harapan ko.
"And you deserve... stupid womens too, ahh!" sigaw ko bago nawalan nang malay tao.