Chapter 5 Marcus PoV Tumakbo ako palapit kay Yna nang makitang natumba ito. Agad ko siyang binuhat, natumba marahil ito sa sobrang kalasingan. Naawa ako rito dahil nagkakaganito si Yna dahil sa akin. Ano ba kasing nakita nito sa akin at gusto niya ako. Hindi naman ako iyong ideal guy dahil hindi naman perfect ang buhay ko... pero minamahal pa rin niya ako. Bumuga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha na napakaamo. Ang hugis ng mga labi nito ay nakakaakit halikan. Lalo na at mapupula ang mga ito kahit na hindi naka-lipstick ang dalaga. Umuwang ang mga labi nito at napadako ang tingin ko roon para tuloy akong sinisilaban dahil naalala ko ang gabing may mangyari sa aming dalawa. Sa lahat ng babae si Yna lang ang nakagawa ng ganito sa akin. Ang hiyain ako sa marami