Chapter 3
Marcus PoV
NAPATIIMBAGANG ako habang pinagmamasdan na nakikipagtawanan si Yna kay Lance. Ang nakakatanda kong kapatid na iyon na walang ibang gawin kun'di i-report ako kay Mama. At si Yna na napakalakas ng mga tawa na dinig na dinig ko kahit pa nakasara ang opisina ko.
Nasa tapat ko lamang sila at dahil salamin ang wall ng office ko ay nakikita ko ang ginagawang harutan ng dalawa. Napasulyap si Yna sa akin at tila wala itong pakialam na nakikita niya akong nakatitig dito.
"Nakakatuwa nga itong si Maureen noon sa party, e. Lasing na lasing siya!" bumubulaghit sa tawang kuwento ni Yna.
"Sus, ikaw nga biglang nawala, e," sabi naman ni Maureen.
"Tumae lang ako," sagot nito na nakatingin na sa akin.
"Ang cute mo talagang tumawa, Yna," sabi pa ni Kuya Lance na nagpapantig sa tenga ko.
Pinagpatuloy lamang nito ang pagtawa hanggang sa narindi na ako.
Sinipa ko ang bakanteng upuan sa tabi ng tatlo na nagpatigil sa mga ito sa pagkukuwentuhan.
Napatayo si Kuya Lance at sumandal sa lamesa.
"Ang ingay ninyo!" Bulyaw ko sa mga ito.
Bumaba si Yna sa kinauupuang lamesa at nagkatinginan pa ang dalawa. Tumawa si Kuya Lance at inakbayan pa si Yna. Lalo akong nainis kaya naman hinatak ko si Yna papalapit sa akin.
"Anong problema mo, Sir?" tanong ni Yna na hinatak ang hawak kong braso nito.
"Oras pa ng trabaho!" bulyaw ko sa mga ito.
Ngumisi sa akin si Kuya Lance na mapang-asar itinuro ang orasan na nakasabit sa pader.
"Sir, tapos na ang trabaho ko alas dyes na po," sagot naman ni Yna. Tama ito, als dyes na nga ng gabi. Tsk, pati oras yata, e, nakalimutan ko na.
Napangiwi ako napatingin sa wall clock. Ano bang pinagsisintir ng kalooban ko! s**t! Hindi na nga pala office hours.
Ngumiti si Kuya Lance na para bang nangungutya. "Hindi pa kayo, binabakuran mo na."
"Hindi ko siya binabakuran at--- never naman na magiging kami," pagkasabi'y tinalikuran ko na silang dalawa.
"Sure ka bro? Baka mamaya iiyak ka kapag nalaman mong kami na!" Malakas na sabi ni Kuya habang papalayo ako sa mga ito. Never na mangyayari iyon na iiyakan ko ang isang babae. Hindi ako katulad ni Kuya Lance na umiiyak sa babae. At ano bang pakialam ko kung maging sila, bagay naman sila eh.
Narinig ko na muling nagtawanan ang dalawa na naging dahilan para sipain ko lahat ng bagay na paharang-harang sa dinaraanan ko.
Hindi ko alam kung bakit ba inis na inis ako samantalang wala naman silang ginagawang masama.
________
Yna PoV
KINAKALABIT ko ang braso ni Lance habang nasa tabi ko siya at pinapanuod naming lumalakad si Marcus.
"Oh, huwag kang umasa na nagseselos iyong tao. Umuwi na tayo..." sabi ni Lance na iniligpit ang mga gamit.
Sinimangutan ko ito. "Alam mo nakakainis na ka na. Kapag inuutusan mo ako kay Allyson hindi ako nagsasabi ng negative puro positive. Tapos ngayon ganiyan ka sa akin. I-cheer mo naman ako Sir Lance, o kaya ilakad mo ako sa kapatid mo. Ano ba dapat kong gawin para naman mapansin ako ng kapatid mo, sir."
"Alam mo Yna, kung mahal ka o kung gusto ka ng isang tao. Darating ang araw na magugustuhan ka niya. Isa pa, halata naman na hindi ka gusto ng kapatid ko. Ginawa na nga natin iyong plan A natin at ano pa ang susunod?" nakangising tanong ni Lance habang nakapamulsa at nakasandal sa lamesa.
"Tama si Sir Lance, friend. Kung gusto ka talaga ni Sir Marcus, darating ang tamang panahon para roon. Kaya huwag ka ng umasa pa." Kinindatan ako ni Maureen. Isa pa itong hindi man lang ako i-cheer.
"Ay ewan ko sa inyong dalawa. Hahanap ako ng albularyo, magpapagawa ako ng gayuma," naiinis na sabi ko na nauna nang naglakad sa mga ito.Sumunod naman ang mga ito sa paglalakad ko.
"Sana nga makahanap ka." Nagkibit-balikat ang dalawa. Habang nakangiti sa akin.
"Okay fine, hindi na ako aasa!" Nagtaas ako ng dalawang kamay at hinarap ang dalawa.
"That's good!" Magkasabay na sabi ng dalawa at nag-apir pa. Hindi talaga sila boto sa akin pagdating kay Marcus.
"Pero... paano ko ba pipigilan ang puso ko sa pagtibok nito sa lalaking hindi ako gusto?" mahina kong tanong at nagyuko ng ulo.
Tila walang narinig sina Lance at Maureen na inunahan ako sa paglalakad. Bumuga ako ng malalim at saka mariing pumikit at dumilat.
"Kung p'wede ko nga lang pigilan ang puso ko sa pagtibok baka ginawa ko na." Kinabog ko ang puso ko. "Pero baka mamatay naman ako non kapag ginawa ko iyon."
_________
Marcus PoV
KAHIT malayo na ako ay abot pa rin ng tenga ko ang tawanan ni Yna at Lance. Parang hindi iyon naalis sa pandinig ko. Ilang beses kong ipinagtulakan si Yna na layuan ako. Pero palagi lamang itong dumidikit sa akin at ang worst nagagawa nitong ipaubaya sa kaniya ang katawan nito.
At muntik nang may mamagitan sa aming dalawa. She's so damn attractive. Hindi siya nakakasawang halikan nang paulit-ulit pero hindi ko pa rin siya magustuhan. O sadyang pinipilit ko ang sarili ko na huwag siyang magustuhan dahil malaking problema iyon kapag nagkataon.
"Ano bang problema nila sa akin?" tanong sa sarili habang nakatayo sa labas ng building ko.
Shit mind bakit mo na sila pinakikialaman kung gusto nila ang isa't isa okay lang naman. Muli akong napamura sa binubulong ng utak ko.
"Ano bang pakialam ko sa kanila?" malakas na sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng kotse.
May kumatok sa salamin ng kotse ko kaya binaba ko ang window shield. Nabungaran ko si Cassi at ang bumungad nitong malulusog na dibdib. Napailing na lamang ako nang buksan nito ang pinto ng kotse ko. Si Cassi ang kinahuhumalingan ko ngayon dahil wala itong sinasayang na kahit ano sa akin, darn mind.
"Hi, babe," bati nitong nakapulupot na sa leeg ko ang mga braso nito. Tinabig niya ako at awtomatikong napasandal ako sa kinauupuan. She kissed me and I response immediately. How can I refuse her kisses? Napakaganda ni Cassi at ubod ng sexy. Matagal bago ko siya bitawan hanggang sa kinalabog ang hood ng kotse ko kaya naman natauhan ako sa ginagawang paghawak kay Cassi.
"Damn---" Mura ko at itinulak si Cassi.
"Bro, PDA na iyan," saad ni Lance na nakangisi sa akin. Nakabukas ang bintana ng kotse at sumilip ito sa amin. Kasama nito si Yna na nakatitig sa mukha ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinaandar ang kotse ko palayo sa mga ito.
"s**t!" inis na sabi ko.
"Babe?" mapang-akit na bulong ni Cassi habang hinahalikan ang leeg ko.
"Baba!" mariing utos ko kay Cassi.
Napasabunot ito ng buhok at pinandilatan na lamang ako. "I hate you Marcus," sabi nitong nagkakabit ng butones ng blouse nito na natanggal ko kanina.
Hinayaan ko na umalis si Cassi sa kotse at pinaandar ko ito muli. Napailing ako habang nagpapatakbo dahil nakikita ko pa rin ang ginawang pagtitig ni Yna sa akin.
I admit that I'm a certified fuckboy pero ayoko sa virgin dahil ayoko na magkaroon ng obligasyon kapag may nagyaring hindi maganda. Hindi ko lang talaga malaman kung bakit ang katulad ni Yna ang magbibigay ng sarili sa tulad kong hindi sumeseryoso ng babae. At bakit ako ganito maka-react ngayon, s**t. Nahampas ko ang mainbela habang nagpapatakbo ng kotse pauwi sa bahay ko.
Si Yna pa rin ang laman ng utak ko. At mula nang gabing iyon, hindi na siya naalis sa sistema ko.
Simple lamang siyang babae kumpara sa mga babaeng nagkakandarapa na mapansin ko. Pero heto ako ngayon, hindi ko alam kung ano bang p'wede kong gawin makalimutan lamang si Yna at maalis siya sa isipan ko.