ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW “Zia, ‘wag mo buhatin ng ganiyan iyan. Mababalian ka ng likod!” sigaw sa akin ni Lorie nang tangkain kong buhatin ang isang drum na may nakalagay na isda. Kararating lang ng ama at kapatid niya mula sa laot at may dala silang drum na hindi naman ganoon kalakihan. May laman itong mga isda at yelo. Hindi ko naman akalain na ganito kabigat. Akala ko magaan lang. “Akala ko magaan. Na-prank ako,” sagot ko na lang at natawa si Lorie sa sagot ko. “Ganito palagi dito sa amin. After one week na palaot ay ganito nila iuwi mga isdang nahuli nila doon. Tapos ilalagay na sa banyera at ibebenta sa palengke,” paliwanang niya sa akin. Tinuruan niya ako kung papaano hahatakin ang drum ng isda. Nilagyan niya ng lupid ang hawakan nito na gawa din sa lubid at hini
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books