ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW “Sa wakas! Nakarating din!” sabi ni Lorie at mabilis niya ibinaba ang mga bitbit niya sa lupa at saka nag-inat ng kanyang katawan. Ganoon din naman ang ginawa ko dahil sa haba at tagal ng biyahe mula Maynila papunta dito sa Sta. Monica. Malayo na nga ito sa kabihasnan eh. Malubak at mabato na ang daan. Maalikabok din hindi tulad sa Maynila na makinis ang highway. Hindi ko naisip na tatagal ako sa biyahe ng ganito katagal. Siguro dahil na din sa kagustuhan ko talagang makalayo kay Norma—okay! Hindi ko muna dapat siya iniisip. Tinulungan ko na si Lorie na bitbitin ang mga pinamili niyang gulay at prutas. Kanina kasi ay huminto sa pamilihang bayan ang bus at sinamantala ito ni Lorie para makabili ng mga kailangan nilang pamilya. Ngayon palang, nakik