KRISTOFF MERCED’S POINT OF VIEW “Teka! Sandali!!” sigaw ko. Dali-dali kong pinatay ang stove dhil nagluluto ako ng almusal ko at hindi ko alam kung sino itong pindot nang pindot sa doorbell ko. Wala ako ngayon sa bahay dahil dito muna ako sa condo unit ko. Wala rin naman kasi si Mama ngayon dahil nagpunta ng Palawan for her vacation. “Sino ba ‘yan?!” sigaw ko pero walang sumagot sa kabilang bahagi ng pinto. Naiiling na lang ako. Kinuha ko muna ang t-shirt ko at nagbihis bago ako sumilip sa peephole. “The f*ck?” halos pabulong kong sabi nang makilala kung sino ang maagang bisita ko ngayon. Damn! Paano niya ako natunton dito? Huminga ako ng malalim at saka ko binuksan ang pinto. Bumugad sa akin ang bagong bihis na Abigail Buemio. Ibang-iba na ang hitsura niya ngayon unlike five years