ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW “Good morning!” Lumingon ako at nakita kong pababa na si Norman mula sa hagdan. “Good morning, Ate Zia!” bati naman sa akin ni Kier na kasunod lang ng kaniyang ama. Pinatay ko ang kalan at binitawan ang hawak kong sandok at humarap sa kanila. “Good morning!” bati ko sa kanila. Lumapit sa akin si Norman at binigyan ako ng halik sa pisngi. Lumapit naman ako kay Kier at siya naman ang binigyan ko ng halik sa pisngi. “Tara, let’s eat na,” sabi ko at tumango si Kier. Si Kier na ang kumuha ng mga pinggan namin. Ako naman ay nagsalin na ng coffee namin ni Norman. Infairness, nasisimula na akong masarapan sa espresso coffee na gustong-gusto ni Norman. Matapang sa una t talaga namang gising ang buong kaluluwa mo. Maruning na akong gumamit ng coffee maker. After k