NORMAN DELA VEGA’S POINT OF VIEW Nag-decide kami ni Zia na magtungo lang sa isang convenience store na nasa ibaba lang din mismo ng condominium. Pumasok kami doon at mabilis na kumuha ng siopao at shake si Zia samantalang ako kay hot coffee at Bavarian doughnut. “Ako na magbabayad,” sabi ko kay Zia pero mabilis siyang tumanggi. “Naku, ‘wag na. noong nakaraan ay nilibre mo na ako. May pera naman ako,” sabi niya. “I insist. Ako ang nagyaya—” “Here. Bayad ko,” sabi niya bigla sa cashier at iniabot ang pera. Nag-aalangan pa ang cashier na kunin ito pero tumango na lang ako. Nang mabayaran na namin ang mga pagkain namin ay naupo kami sa long table na nakaharap sa glass wall ng convenience. Pinagmasdan ko siyang kumakain. I can see how happy she is dahil lang sa isang siopao. “I never tho