6: The Stag Party

1274 Words
NORMAN DELA VEGA’S POINT OF VIEW “As we all can see, tumaas ang sales ng products natin this month compare to the last months. It really means na effective ang adverstisement na ginawa natin.” I see different graphs sa monitor at kanina pa nagsasalita ang isa sa mga empleyado ko but honestly, I didn’t hear any words she said. Lumilipad ang isip ko at dumadapo iyon sa alaala ko kay Zia. That woman never left my mind since I met her. Para bang gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang mapanuod ulit pero pinipigilan ko lang ang sarili ko and last time ay nakita ko siya. Ibang Zia naman ang nakita ko. Hindi mo aakalaing sa club siya ng nagtatrabaho, na isa siyang stripper. “What do you think Sir?” Napakurap ako at napansin kong nakatingin lahat sila sa akin. Tumikhim ako at umayos ng upo. “That is a perfect idea, Miss Gatchalian. I hope na mas mapagbuti mo pa ang paggawa ng mga ads natin. I hope everything is okay. The meeting is adjourned. Have a nice day,” I said at tumayo na. Nagtayuan na din sila at nauna na akong lumabas ng meeting room. Hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy nila, pero may tiwala naman ako sa mga empleyado ko. Takot na lang nila kapag gumawa sila ng kalokohan na ikakasira ng Fortuna Corporation. Pagdating ko sa office ko ay agad kong sinimulang i-review ang ilang reports na bagong dating lang. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Shawn—ang kaibigan kong hindi marunong kumatok. “Gusto mong ibalik kita sa elementary?” tanong ko at napakunot naman siya ng kanyang noo. “Ha? Bakit?” tanong niya. “Wala ka kasing manners. Bigla-bigla ka na lang pumapasok sa opisina ko,” I said at humalakhak naman siya. “Para if ever na may kasama kang babae dito ay makikita agad kita!” sabi niya at nagsalubong na lang ang mga kilay ko. Anong mindset iyan? Puro kalokohan talaga itong si Shawn. “Ano bang kailangan mo? Ang dami ko pang babasahin o,” I said at itinuro ang mga folders na nakapatong sa table k0. “Wala naman. Gusto lang kitang makita. I miss you na kasi eh,” sabi niya at tinitigan ko na lang siya. Napapailing na lang ako sa kanya. “Okay seryoso na. I just want to invite you and Kier sa wedding ng kapatid ko,” he said at iniabot sa akin ang isang putting envelope at tinanggap ko naman ito. “Sa Sunday ang wedding at mamaya ay may stag party. Pumunta ka!” he said at ngumiti ako ng alanganin sa kanya. “No, I can’t—” “The girls from Alexus’ club will be there. Malay mo, nandoon ang angel mo,” sabi niya. Tumalikod na siya sa akin pero bago siya tuluyang lumabas ng office ko ay muli siyang lumingon sa akin. “Malay mo, maka-homerun ka ulit.” At itinaas-baba niya ang kanyang kilay. Sa inis ko ay kinuha ko ang isang pencil holder at ibinato sa kanya. Mabilis siyang nakailag at humalakhak ang loko. Abnormal talaga ang kaibigan kong iyon. *** Sa isang condominium sa Makati ang venue ng stag party ng kapatid ni Shawn na si Homer. Wala talaga akong balak sumama pero kasi nagulat na lang kami ni Kier na nagpunta silang mag-asawa. Turns out, maiiwan si Shiela at ang anak nila sa bahay kasama si Kier. Kaya wala na akong magawa kung hindi ang sumama kay Shawn. Pagdating namin doon ay nakita ko ang ilang college friends namin noon. Konting batian at kumustahan at nagsimula na ang kasiyahan. Bumabaha ng alak at sigarilyo ang paligi. Nagkakaroon na din ng mga maliliit na pailaw na animo’y nasa isang club kami. “Hoy, Shawn! Hindi ba tayo pagagalitan ng management dito? Bawal yata ang mag-ingay,” sabi ko kay Shawn at ang loko ay tinawanan ako. “Don’t worry! Tayo lang ang dito sa floor kaya wala tayong mabubulahaw na kapitbahay,” sagot niya sa akin. “Nasaan na ang mga babae?!” sigaw ng isang lalaki na mukhang friend ni Homer. “Nagpapaganda pa!” sagot ni Shawn. Nagpatuloy ang kasiyahan, kasabay ng malalakas na music. May nakita akong DJ sa isang gilid. Ako naman ay simpleng nasa isang tabi lang at pinagmamasdan ang paligid. Hindi talaga ako mahilig sa ganitong klaseng party. “Heto na!” sigaw ni Shawn at may itinulak siyang isang malaking bagay. Isang malaking gift box ang ipinasok niya sa loob. Lahat ay naghihiyawan dahil dito. “Five! Four! Three! Two! One!” countdown ng lahat at sa bigla na lamang nasira ang malaking kahon. Iniluwa dito ang limang babae. Sa limang babaeng iyon ay may isa ang nakakuha ng attention ko—si Zia. Kaya pala pinasama ako dito ni Shawn. Sa saliw ng musika ng Closer ng Nine Inch Nails ay sumasabay ang kanilang mga baywang. Mga nakasuot sila ng pantulog pero isa-isa nila itong tinatanggal hanggang sa naka-lingerie na lang sila. Mukhang si Zia ang star ng grupo nila dahil siya mismo ang lumapit kay Shawn at inalayan ng sayaw. Damn it! Naiinis akong makitang sinasayawn ni Zia ang ibang lalaki. Am I being selfish? Bakit ganito ang nararamdaman ko? I want her to dance with me. Mas lalo akong nainis nang makita ko ang mga kamay ni Homer na nasa baywang ni Zia. Kita ko kung papaano haplusin ng lalaking iyon ang baywang ni Zia. Bumaba ba ito sa pang-upo ni Zia at mariing pinisil ito pero mukhang hindi ininda ni Zia ang ginawa sa kanya. Pinagpatuloy niya ang pagsasayaw at binigyan niya ito ng lap dance. “Hi, handsome.” Napatingin ako at nakita ang isa sa mga dancers at kumadong siya sa akin. Hindi ko gusto ang ginagawa ng babaeng ito sa akin. Masyadong magasl;aw ang mga kilos niya hindi tulad kay Zia. Nang magpalit ng tugtog ay pumagitna ang mga dancers at sabay-sabay silang gumiling. Naghiyawan ang ibang mga lalaki at may mga lumapit sa kanila para magbigay ng pera. Nakita ko ang isa sa mga bisita ni homer na lumapit kay Zia at nagbigay ng isang libong piso at iniipit niya ito sa tirante ng suot na lingerie ni Zia. Gusto kong sapakin ang lalaking iyon. “Are you enjoying the view?” tanong sa akin ni Shawn at sinamaan ko lang siya ng tingin. “Inupahan ko talaga iyang babaeng iyan kay Alexus. Alam kong gusto mo siya eh,” sabi niya sa akin. Nang matapos ang performance ng mga babae ay agad akong lumapit sa kay Zia at hinatak siya palabas ng unit na iyon. Gulat na gulat siya dahil sa biglang pagsulpot ko. “S-sandali!” sigaw niya at pilit na kumawala sa paghahawak ko sa kanya. Hinubad ko ang suot kong blazer at ibinatong ito sa balikat niya para matakpan ang halos hubad na niyang katawan. “Where’s your dressing room?” tanong ko at itinuro naman niya ang isang unit na nasa tapat lang ng venue. “Magbihis ka na. sisipunin ka pa dahil sa lamig ng panahon,” I said at tumango na siiya. Pumasok siya sa loob at ilang sandali lang ay lumabas na siya. Nakasuot na lang siya ngayon ng simpleng maong shorts at blouse. “Tara,” I said at hinawakan ang kamay niya pero mabilis niya itong binawi sa akin. “Bakit? Saan ba tayo?” tanong niya. “Umalis na tayo dito. I assume bayad ka na din naman sa performance mo. Lelt’s have some dinner somewhere.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD