Natatandaan ni Zia ay lumaki siyang akala niya ay okay ang lahat. Nandiyan ang kanyang nanay, tatay, at kapatid. Maayos naman ang lahat. Masaya pa ang lahat noon. Pero hindi lingid sa kaalaman niya na may mga maliit na pagtatalo na siyang naririnig mula sa kanyang mga magulang. “Wala ka na namang trabaho?” dinig niyang sabi ng kanyang nanay. “Anong magagawa ko? Tinanggal ako ng supervisor namin. Inggit kasi ang isang kasamahan ko eh. Sinet-up niya ako,” sagot ng kanyang ama. “Kailangan mong makahanap ng ibang trabaho. Ang dami na nating utang. Ang renta, kuryente, at tubig. Manganganak pa ako,” sabi ng kanyang ina. “Tangna naman kasi! Bakit ba kasi ako minamalas? Alam mo pakiramdam ko mula nang magk-anak tayo ay nagkanda-letse letsa na ang buhay natin. Ang buhay ko!” “Anong gusto mong