ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW Nakarating kami sa isang restaurant somewhere here in Antipolo. Medyo malamig ang hangin dito, buti na lang hindi gaano manipis ang suot ko. Kung nag-backless siguro ako or strapless na damit, baka pagpasok palang ng Antipolo ay nanginginig na ako. “This way, please,” sabi ng isang waiter at sinundan namin siya. Pumasok kami sa loob ng restaurant at lumiko sa kanang bahagi nito kung saan may hagdan. Pag-akyat namin sa itaas ay pinagbuksan niya kami ng pinto at sa paglabas namin ay bumungad sa amin ang magandang tanawin. Napupuno ng mga light bulbs ang paligid at mga bulaklak. Sa gitna ay may table na naka-setup na dito. At dahil nasa rooftop kami ay kitang-kita ako ang city lights na inihahain ng buong metro sa akin. God! Ngayon lang ako nakarating sa ganit