ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW “So here’s the living room. That one is our kitchen. May bathroom din sa may ilalim ng hagdanan. If nagugutom ka, kuha ka lang sa cupboard or ask Kier kung nasaan ang ibang pagkain. Don’t worry, I will not charge you for that.,” sabi ni Norman sa akin pagpasok namin sa kanyang bahay. Hindi ako makapaniwala na ganito kalaki ang bahay niya to think na dalawa lang sila ng kanyang anak. Wala din akong nakikitang mga maids sa paligid. “Ang laki ng bahay mo tapos dalawa lang kayo ni Kier. May naglilinis ba ng bahay mo? I mean, may mga maids ka ba?” tanong ko at natawa naman si Norman. “Stay-out ang isang maid ko. Araw-araw ay nandito naman sila. From nine o’ clock to four o’ clock. ‘Wag kang mag-alala sa bahay. Ang kailangan mo lang gawin ay maging babysitter ni