NORMAN DELA VEGA’S POINT OF VIEW Maaga akong umalis ng office para bumili ng regalo para kay Zia. Kupal talaga si Shawn eh, ang daming alam na kalokohan. Nandito na ako sa mall pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang ibigay ko sa kanya. Does she like dresses? Bags? Shoes? Kung bulaklak naman, anong klaseng bulaklak? “Are you having a dilemma right now?” Mabilis akong napalingon sa nagsalita at nakita si Alexus na nasa likuran ko. Ang mahaba at putting buhok niya ay nakatali ng ponytail. Nakasuot lamang siya ng itim na ve-neck shirt at pedal shorts. May suot din siyang sunglasses. “A-alexus? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Finding a present for Zia. Today is her birthday,” sagot niya sa akin at parang nabingi naman ako sa sinabi niya. “What? Birthday niya ngayon?” Tinanggal niya