ZIA SAN FILIPE’S POINT OF VIEW Napadilat ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Ayaw ko pa sanang dumilat at gusto ko pang bumalik sa pagkakahimbing kaso walang patid ang pagtunog ng doorbell. Napalingon ako sa orasang nasa bedside drawer ni Norman at nakitang seven-thirty palang ng umaga. Napatingin ako kay Norman na humihilik pa. Anong oras na ba kami natapos? Hindi ko na matandaan. Madaling-araw na din yata like two or three in the morning. Nagtaka ako dahil sunod-sunod ang doorbell at may pagkatok na akong naririnig kaya nag-decide akong gisingin na si Norman. Mahina ko siyang tinatapik pero umungol lang siya sa akin. Kaya niyugyog ko na talaga siya. “What?!” tanong niya at alam kong may bahid ng inis ang boses niya. “May tao sa labas. Kanina pa kumakatok,” sagot ko. “