Nang idilat ni Kiefer ang kanyang mga mata ay nagtaka siya kung bakit nasa loob pa din siya ng basement. Nakatayo sa loob ng time machine. Hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi naman siya nakapag-time travel.
“May sira ba ang time machine?” tanong niya sa sarili. Lumabas siya ng basement at tiningnan ang paligid. Sigurado siya na nakapag-time travel siya dahil naramdaman niya ang mainit na pakiramdam. Ito ang madalas niyang maramdaman kapag naglalakbay siya sa panahon. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.
Pag-akyat niya sa kanyang sala ay pakiramdam niya ay nagbago ang lahat. Pakiramdam niya may kakaiba sa paligid.
“Ano bang nangyayari?” tanong niya. Lumakad na siya patungo sa kusina upang uminom ng tubig nang may napagtanto siya. Mataas ang sikat ng araw. “Wait, umaga? Gabi lang kanina ahh—” mabilis niyang tinungo ang calendar na nasa tabi ng refrigerator at nakita ang petsa. July 03, 2022. “2022? 2 years later? So, nakapag-time travel ako? Pero bakit dito?”
Pinagmasdan niya ang paligid. Ang dating tema ng bahay niya na black and white ay ngayon ay tila nag-iba na. Ang kurtina ng kanyang bintana ay naging kulay pula gayong palaging puti ang mga kurtina niya. Napansin niya ang cupboard niya at dito niya napansing may isang mug na bago sa paningin niya. Kinuha niya ito at nagtaka nang mabasa ang salitang “her”. “Ano ‘to? Couple mug?”
Tinungo niya ang kuwarto niya ngunit bago pa siya makarating ay narinig niya ang pagtunog ng pinto. Mukhang may papasok sa kanyang unit. Mabilis siyang pumasok sa banyo upang magtago.
“Hay! Kapagod!” sigaw ng isang babae. Nagtaka siya. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa narinig.
Bakit may babae sa bahay ko?
May mga narinig siyang kaluskos ng plastic at papel.
“O? bakit nasa labas itong mug? Nasa loob ito ah,” sabi pa ng babae. Pinakikinggan niya ang boses nito dahil tila pamilyar sa kanya.
Sino iyon? Bakit may babae? Bakit may nakakapasok na babae dito?
Sisilipin na niya sana kung sino ang babae sa likod ng boses na iyon pero naramdaman na lang niya ang pag-iinit ng paligid. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nang idilat niya ito ay nasa basement na naman siya.
Mabilis siyang nagtungo sa kanyang kusina at tiningnan ang petsa at napabuntong hininga nang makitang 2020 ang taon. Hinawi niya ang kurtina ng bintana niya at kita niya ang maliwanag na buwan. Para siyang nabunutan ng tinik.
“Damn it! What was that?!” sigaw niya. Hindi niya maisip kung sino ang babaeng iyon. Bakit may babae sa kanyang unit? Kahit kailan ay hindi siya nagpapapasok ng babae sa kanyang unit.
“Did I have a girlfriend? Bakit may couple mug sa cupboard ko?” tanong niya. Maraming tanong sa kanyang isipan na alam niyang wala namang makapagbibigya ng kasagutan. Binuksan niya ang kanyang cupboard at nakita ang dalawang itim na mug. Walang mug na kulay puti na may katagang “her”. Walang pulang kurtina. Buwan ang nakita at hindi ang araw.
“Nakakabaliw!” sigaw niya. Ginulo niya pa ang kanyang buhok at pumasok na sa kanyang kuwarto. Hindi maalis sa kanyang isipan ang boses ng babae na iyon.
Pilit niyang inaalala kung sino ang mag-ari ng boses na iyon pero hindi niya matukoy kung sino.
TWO YEAR LATER
2022
“Maraming salamat, Benedict!” sabi niya sa binata. Ngumiti ang binata dahilan para mas lalong maging singkit ang mga mata nito.
“You’re welcome. Gusto mo tulungan na kitang iakyat ‘yang pinamili mo?” sabi pa nito sa kanya. Mabilis siyang umiling.
“Hindi, okay na. Kaya ko naman saka konti lang ito,” sagot niya.
“Pasensya na ah, ‘di ko rin kasi alam kung nasaan si Kiefer ngayon. Kapag narinig ko sa iba namin tropa ang tungkol sa kanya sasabihan agad kita.” Ngumiti siya at tumango.
“Maraming salamat, Benedict.” Pinanuod muna niyang umaandar paalis angs asakyan nito bago siya pumasok ng building.
Pagdating niya sa unit nila ay pakiramdam niya ay ibang tao sa paligid. Sa una ay pinakikiramdaman lang niya. nagtaka siya nang makita ang mug niya na nasalabas ng cupboard samantalang natatandaan niyang nasa loob iyon. Hindi siya nagkape ngayong araw.
“Kiefer? Ikaw ba ‘yan?” tanong niya. Walang sumagot. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto ngunit walang tao. Pinakinggan niya kung may tao sa banyo ngunit napakatahimik ng paligid. Binuksan niya ang pinto ng banyo at wala naman siyang nakitang tao.
“I’m sure may tao kanina. Or guniguni ko lang iyon?” tanong niya sa kanyang sarili. Naiiling na lang siya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga binili niya.
Nakakabinging katahimikan ang naghahari sa unit na ito. Dalawang linggo ng hindi umuuwi si Kiefer. Dalawang linggo na siyang walang balita sa lalaking iyon. Nag-aalala siya na baka kung ano na ang nangyari. Kahit man lang tuldok sa text ay wala siyang natatanggap.
Araw at gabi niyang iniisip kung ano ang ginawa niyang mali para iwan lang ng basta-basta. Walang pag-uusap. Hindi niya alam ang problema. Nagising na lang siya na tila nag-iba na ang lalaki at tila ba ay ayaw na siyang kausapin nito.
Gusto niyang magtanong kung bakit? Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa pero umiiwas ito at ngayon nga ay hindi na nagpaparamdam sa kaniya.
Mabuti na lang nandiyan si Benedict. Dahil wala namans iyang alams anegosyo ay ang COO na ang pansamantalang humahawak ng kompanya. Maraming nagtatanong sa kanya na mga empleyado at maging mga noard of direktors kung nasaan na si Kiefer pero maging siya ay hindi niya alam ang sagot.
“Kiefer, ano ba talagang problema? Bakit ginaganito mo ako? Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo ng maayos. Hindi ‘yung bigla ka na lang mawawala na parang bula. Willing akong umalis kung ayaw mo na. Tatanggapin ko kung ano ang desisyon mo. Tatanggapin ko kahit masakit.”
Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
Naisip niya na ano ba ang maling nagawa niya? Bakit palagi na lang siyang iniiwan ng mga taong mahalaga sa kanya?