Chapter XIX

1118 Words
KASALUKUYAN 2020 “Good morning, Sir Kiefer!” Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Lorie. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone na hawak. “G-good morning!” sabi niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang kumabog ng malakas ang kanyang puso nang marinig ang boses ni Lorie. Pakiramdam niya para siyang na-trauma sa narinig na boses nang mag-time travel siya. Pakiramdam niya lahat ng babaeng naririnig niya ay kaboses ng babae sa kanyang unit dalawang taon mula ngayon. “Okay ka lang, sir? Bakit parang nakakita ka ng multo? At saka ang aga mo po ngayon. Teka, ipagtitimpla ko na po kayo ng kape,” sabi ni Lorie. “Ah teka lang!” sigaw niya. Nagtatakang tumingin si Lorie sa kanya. “Feeling ko nakapa-nerbyoso ko. Nagpapalpitate na ata ako kakakape. Ayaw ko muna ng kape ngayon. Maybe you can make me a hot choco instead?” sabi niya. Tinitigan siyang maiigi ni Lorie at ngumiti. Lumabas ito ng opisina niya at nagtungo sa pantry. Napabuntong hininga siya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hinahayaan niyang bumagabag sa kanya ang nangyaring time travel niya ilang araw na ang nakalilipas. Alam niyang napapansin ng kanyang secretary ang pagiging balisa niya pero wala itong sinasabi sa kanya. “Umayos ka Kiefer. Para kang tanga,” sabi niya sa kanyang sarili. Ginulo niya ang kanyang buhok dahil sa inis na nararamdaman. “Ayos ka lang ba, sir?” Mabilis siyang napatingin sa nagsalita. Hindi niya namalayang nasa harapan na niya ang dalaga at may hawag na itong mug. “Oo naman. Ayos lang ako,” sagot niya. “Bakit parang lagi kang takot, sir? Teka, hindi ka ba napag-tripan ng mga lasing sa lugar namin? Naku! Sabi ko na nga ba! Dapata sinamahan kita hanggang sa makalabas ka ng eskinita! Sorry talaga sir! Ano bang ginawa nila sa’yo? Kinikilan ka ba nila? May mga nawalang gamit ba sa’yo? Halika ka sir! I-report na natin sila—” “Lorie! Sandali lang!” sigaw niya. “Relax lang okay?” “Eh kasi naman Sir Kiefer, bigla na lang kayong nagkaganyan. Para bang wala kayong focus,” sagot ni Lorie sa kanya. Oh well, tama naman ang dalaga. Dahil sa paglakbay niya sa panahon ay binabagabag siya ngayon ng boses na narinig niya. His curiosity really killing him. “Lorie, walang nangyari sa akin, okay? Hindi ako napagtripan, hindi ako ninakawan. Okay lang ako. May iniisip lang kayo kaya wala ako sa focus. ‘Wag kang mag-alala,” sagot niya. Dinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ni Lorie. Tila ba nabunutan ito ng tinik dahil sa kanyang mga sinabi. “Mabuti naman po kung ganoon,” sagot ni Lorie sa kanya. Ngumiti siya at dahan-dahang sumimsim ng hot choco niya. Ang init nito ay naghatid sa kanya ng kakaibang init sa lalamunan niya. Kahit papaano ay kumalma siya. Babalik na sana sa table si Lorie nang mag-ring ang kanyang cellphone. Tiningnan niya kung sino ang caller at nagtaka siya nang makita na si Benedict ang tumatawag. “O bakit?” sagot niya agad. “Kiefer, I have a favor,” sabi nito sa kanya. “Ano ‘yun?” “Pwede bang puntahan mo ako dito sa JB building?” sabi nito sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil sa narinig. “JB building? Anong ginagawa mo diyan? Hindi ba’t advertising agency iyan?” tanong niya. “Yup. Sige na please! Puntahan mo ako dito!” “Okay! Okay! I’ll be there in thirty minutes,” sagot niya. Nagtataka siya bakit nasa isang advertising agency si Benedict. Nagkibit-balikat na lamang siya at tumayo na. Nagtatakang tumingin sa kanya si Lorie at ngumiti siya. “Come, may pupuntahan tayo.” Lumabas sila ng opisina at sumakay ng kanyang sasakyan. Hindi naman ganoon kalayo ang JB building at hindi naman din traffic. Pagdating doon ay tinawagan niya si Benedict at ang sabi nito ay nasa 10th floor ito. Pagdating nila doon ay naabutan nila si Benedict na nakaupo at may benda ang paa nito. “What happened to you?” tanong niya. Ngumiti ng alanganin si Benedict sa kanya. “Well. I fell from the stairs kanina kaya iyan, sprained ankle,” sagot ni Benedict sa kanya. “Tara na iuuwi na kita.” “Teka! May mag-uuwi sa akin. My secretary is here. She can take care of me,” sagot nito sa kanya. Napakunot ang noo niya. “And why did you call me here?” tanong niya. Ngumiti ng alanganin si Benedict sa kanya. “I need you to become ny substitute. You see, kinuha nila akong model for this clothing line and since I had this little accident, hindi nila pwede i-postpone ang pohotoshoot kaya naisipan kong ikaw na lang ang gawin nilang model,” paliwanag ni Benedict. “What?!” sigaw niya. “I’m out of this!” sabi niya pa. “Aha! Benedict! Ito ba ang binabanggit mong kaibigan?” Napatingin silang lahat sa nagsalita. Nakita niya ang isang lalaki na may shawl sa balikat. Kulay pink ang buhok nito at may glitters ang talukap ng mga mata. “Yup, Lanie! He’s Kiefer!” pakilala ni Benedict sa kanya. Mabilis niyang sinamaan ng tingin si Benedict pero ang kaibigan niya ay ngumiti lang. Nilapitan siya ni Lanie at inikutan siya. Tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. “Perfect!’ sabi nito bigla. “I am Lanie. Ako ang may-ari ng Lanie Clothing.Co and alam kong bagay na bagay sa’yo ang mga featured clothes namin. Sige na, girls hatakin na siya sa dressing room at ayusan,” sabi nito. Nagulat na lamang siya nang may humawak sa dalawa niyang braso at itinulak siya papasok ng isang kuwarto. Dinig niya ang paghalakhak ni Benedict sa labas. Wala naman na siyang nagwa pa at hinayaan na lang niya ang mga babae na gawin ang gusto nito. First time niyang malagyan ng makeup ang kanyang mukha. Pagkatapos ayusan ay ibinigay sa kanya ang isang set ng damit at sinabing suotin ito. Pumasok siya sa isang silid at doon nagbihis. T-shirt na kulay pastel ang brown ang pang-itaas niya. White maong pants at sinuotan siya ng denim jacket. Pinaresan ito ng kulay white na rubber shoes. “Fabulous!” sigaw ni Lanie nang makita siya. “May dahilan talaga bakit nahulog si Benedict sa hagdan. Bagay na bagay sa’yo iyan. O siya sige na, pumwesto ka na doon.” Itinulak pa siya nito sa spot kung nasaan ang photographer. “I like your look. Suplado tayo ngayon,” sabi ng babaeng photographer. Hindi niya alam kung papaano magpo-project sa kamera pero hinayaan lang niyang i-guide siya ng mga taong nasa paligid niya. Yari ka sa akin Benedict pagkatapos ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD