Chapter XIII

1113 Words
TWO YEARS IN THE FUTURE “Sigurado ka ba sa deisyon mo? Baka naman nabibigla ka lang?” tanong ni Benedict kay Kiefer. Hindi siya sumagot bagkus ay tinungga lang niya ang alak na nasa kanyang baso. “I’m sure of this. Ayokong malaman niya ang dahilan kung bakit pinakasalan ko siya,” sagot niya. “You’re making things complicated, Kiefer. Sigurado ka ba na iyan ang dahilan mo kung bakit mo siya pinakasalanan? Dahil lang sa nakita mo sa future? “ tanong ulit ni Benedict. “Oo iyon ang dahilan. I was curious back then! Gusto ko malaman ano ba ang koneksyon niya sa akin!” “And now na alam mo na you’re just going to throw her away? Ano siya, tuta?” “Mas magandang mawala na ako sa landas niya. Wala akong ibang gagawin kung hindi ang saktan siya,” sagot niya. Dinig niya ang pagbuntong ng kanyang kaibigan. “If that’s the case, ako ang mag-aalaga sa kanya. I can treat her better,” sagot nito sa kanya. Napahigpit ang hawak niya sa baso. Pakiramdam niya parang sinuntok ang dibdib niya sa narinig. “Why? May gusto ka ba sa kanya?” tanong niya. Umismid si Benedict sa kanya. “Hindi pa ba obvious? I am just restraining myself dahil kasal siya sa iyo but now that you want to leave her especially in this kind of situation, I will take this opportunity. I will win her,” sabi ni Benedict sa kanya. Huminga siya ng malalim. Lihim niyang naikuyom ang kanyang kamao. “Hindi kita pipigilan,” sagot niya. Hindi niya pipigilan si Benedict na alagaan si Lorie—kahit pa masakit ito para sa kanya. PRESENT TIME “Lorie,” tawag niya sa dalaga. Lumingon si Lorie sa kanya at medyo natawa siya dahil para bang may nakikita siyang question mark sa tuktok ng ulo nito. “Yes Sir?” “Kumain ka na ba ng lunch? Past one na,” sabi niya. Well, hindi pa kasi siya kumakain kahit lagpas na ng lunch break nila. Sa dami ng kanyang kailangang tapusing mga documents, hindi na niya magawang kumain. Kanina niya pa din kasi napapansin na para bang walang pahinga si Lorie mula kaninang umaga. “Hindi pa sir. Tapusin ko lang itong tinatype ko. Need na po ito sa meeting mo tomorrow,” sagot ng dalaga sa kanya. “O bukas pa namna pala iyan. Go and have your lunch,” sabi niya. “Hindi pa naman ako gutom Sir Kiefer. Saka two pages left na lang po.” “Lorie,” tawag niya. Tumayo siya at nilapitan ang dalaga na nasa couch at kaharap ang laptop. “Ayaw kong malipasan ka ng gutom. Ayaokong nalilipasan ng gutom ang mga empleyado ko kaya I have this strict rule sa akong company na take the lunch break. Nagtataka ako sa’yo bakit hindi ka lumalabas ng office ko at nakatutok ka lang sa laptop,” paliwanag niya. Ngumiti ng alanganin ang dalaga sa kanya. “Ganoon po ba, Sir? Sorry po.” Tumayo na si Lorie at maingat na inilapag ang laptop sa lamesa. “Sige po, kakain na ako. Pero Sir Kiefer, kung may strict rules po kayo na ganyan, bakit hindi ka pa din kumakain?” Okay, hindi siya nakapagsalita agad. Napaisip siya bigla sa sinabi ni Lorie. Napakamot na lang tuloy siya ng kanyang batok. “Because I am the CEO,” simpleng sagot niya. Ngumuso lang ang dalaha sa kanya. “You are the implementer of rules pero ayaw sumunod. Para kang pulitiko niyan, Sir Kiefer. Senador kumbaga, gagawa ng batas pero sila din unang lalabag.” “Well, at least I’m not a politician. Anyway, to stop this discussion, let’s go on a date,” sabi niya. Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Lorie. Oh sh*t! Did I say something? “Date sir? Anong date po?” tanong ni Lorie. Naku! Mukhang gutom na nga ako! Kung ano-ano na ang sinasabi ko. “Well I mean, let’s have a luch. Saan ka ba kakain? Do you have packed lunch or bibili ka lang?” sabi niya. “I have packed lunch sir. Sa cafeteria na lang po ako kakain,” sagot nib Lorie sa kanya. “Yeah sure. Tara sa cafeteria. Doon na lang din ako kakain.” “Po?” Hindi na siya nagsalita at lumabas na ng opisina. Sumunod si Lorie sa kanya at nakita niyang may kinuhang lunch bag si Lorie at sabay na silang sumakay ng elevator at nagtungo sa cafeteria. Dahil past lunch na, kaonti na lang ang tao sa cafeteria. Halos siya sila na lang din tao doon. Bumili lang siya ng pagkain niya at naupo sa harap ni Lorie. “Sir, pasensya na sa ulam ko,” sabi ni Lorie. Napakunot ang noo niya at dito niya nakita kung ano ang ibig sabihin nito. Pagbukas ni Lorie ng baunan nito ay bumungad sa kanya ang limang pirasong tuyo at dalawang kamatis. “Sarap niyan ah. Ang bango pa,” sabi niya. Hindi na siya nagpaalam at basta na lang kumuha ng isang tuyo. “Kumakain pala ikaw niyan, Sir?” Napatingin siya kay Lorie at para bang gulat na gulat ito. “Ha? Oo naman,” sagot niya. “Akala ko hindi po. Siyempre po mayaman kayo. Pagkain ng mahirap iyan,” sabi ni Lorie sa kanya. “Hoy! Grabe ka sa mahirap na pagkain. Kung hindi mo alam, ito ang pagkain ko noon. Dati naranasan ko din magdildil ng asin.” “Talaga Sir? Akala ko mayaman na kayo noon,” sabi ni Lorie. Nagsimula na ding kumain ang dalaga. “Hindi ah. Sakto lang ang buhay ko. May pangarap lang at nagsumikap. Sinuwerte at ito na, I have my own company,” paliwanag niya. “Talaga Sir? Sana ako din suwertihin.” “Susuwertihin ka din. Magsumikap ka lang,” sagot niya. Napangiti na lang si Lorie at tahimik na silang kumain. Habang kumakain ay napapansin niyang tila hindi ganoon kasigla ang awra ng dalaga. Para bang may problema ito. “May problema ka ba, Lorie? Kanina ko pa napapansin na para bang may malalim ka iniisip,” sabi niya. Ngumiti ng tipid si Lorie sa kanya. “Iniisip ko lang po ang kapatid ko. Limang araw ko na pong hindi nadadalaw sa ospital. Pero balak ko po mamaya ay dadalawin siya, pagka-out po.” “Kung gusto mo, pwede ka mag-undertime. Wala namang problema sa akin,” sabi niya. Mabilis na umiling si Lorie sa kanya. “Naku Sir! Hindi pwede. Tatapusin ko pa po ang ginagawa ko and pupunta naman ako mamayang out,” sabi ni Lorie sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD