Chapter XIV

1031 Words
Sa totoo lang, gusto lang talaga ni Lorie na gawing abala ang kanyang sarili. Gusto niyang libangin ang sarili upang hindi niya maisip ng husto ang kapatid. Noong nakaraang araw kasi ay sinabihan siya ng doktor nito na hindi na tumatalab ang mga gamot sa kanyang kapatid. Kailangan na itong palitan at mas mahal na gamutan ito. Malaki naman na ang sinasahod niya bilang sekretarya ni Kiefer, hindi pa din ito nagiging sapat para tustusan ang gastos sa kanyang kapatid. “Sir,” tawag niya kay Kiefer. Tumingin sa kanya ang binata. “Yes?” “May gagawin pa po ba ako? Tapos ko na po ang soft copy para po sa meeting bukas. May gagawin pa po ba? May kailangan po bang i-type or i-sort?” tanong niya. Tumingin si Kiefer sa wall clock na nasa kaliwang bahagi ng opisina. Napatingin din siya at nakita niyang lagpas ala sais na ng hapon, lagpas na ng kanyang pag-out. “Six na pala! Go ahead and go home, Lorie. Lagpas ka na,” sabi ni Kiefer sa kanya. Ngumiti siya. “Pwede po ba mag-overtime?” tanong niya. Nagtaka at nagsalubong ang mga kilay ngh mga binata. “Overtime? Bakit?” “Ano Sir, gusto ko lang po,” sagot niya. Ngumiti siya ng alanganin. “You’re only until four in the afternoon. May 2 hours overtime ka na and you still want to have overtime? I suggest na umuwi ka na at magpahinga. Don’t worry, paid ang overtime,” sagot ni Kiefer sa kanya. “Kaya ko pa naman po—” “Lorie,” tawag ni Kiefer sa kanya. Binitawan pa nito ang hawak na fountain pen at tiningnan siya. “Go home and take a rest. Please take care of your health. Paano ka na lang kung wala ka? How can I go on my meetings?” Ngumiti na lang siya ng tipid. “Sige po Sir Kiefer. Ikaw din po, magpahinga ka na din,” sabi niya. Numiti si Kiefer sa kanya. “Yes, I will. Ito na lang ang need to pirmahan. Bye, Lorie. Thank you for your hard work.” Tumalikod na siya at lumabas ng opisina ng binata. Wala naman na siyang magawa pa kung hindi naman na siya payagan ng kanyang boss. Palubog na ang araw nang lumabas siya ng building. Dumaan muna siya saglit sa café at bumati kay Anya. Binigyan siya ng snacks ni Anya ng isang cupcake at frappe. Malugod niya itong tinanggap at naisipan niyang dalawin ang kapatid sa ospital. Pagdating niya doon ay naabutan siya ang kanyang ina na pinakakain ang kapatid na si Lawrence. “Kumain ka na ‘nay?” tanong niya. Inilapag niya ang gamit sa katabing lamesa ata naupo sa tabi ni Lawrence. “Hindi pa. Kararating ko lang at inuna ko si Lawrence,” sagot ng kanyang ina. “Sige po ‘nay. Bibili ako ng pagkain natin,” sabi niya. “Lawrence, sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa ate mo.” Nagtaka siya dahil dito. “Ano ‘yun, Lawrence?” tanong niya. Tipid na ngumiti ang kapatid niya. “Ate, gusto ko ng umuwi,” sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. “What? Bakit? Hindi ka pa magaling. Naggagamot ka pa—” “Ate, please. Ayoko na dito. Gusto ko sa bahay natin. Gusto ko ng umuwi, Ate.” “Pero Lawrence, hindi ka pa magaling,” sagot niya. Umiling si Lawrence sa kanya. “Ayoko na ate. Ayoko na dito. Tingnan mo.” Pinakita nito ang braso at sa bandang dibdib nito. Kita niya ang mga pasa gawa ng mga turok ng karayom. “Ang sakit nito ate. Pakiramdam ko, imbes na maginhawaan ako, sakit ang nararamdaman ko. Tanggap ko naman na ate na hanggang dito na lang ako. Gusto ko na lang manatili sa bahay at makasama kayo. Ayoko na dito, araw-araw mag-isa ako. Gusto ko kayong makasama. Kaya Ate Lorie, pakiusap hayaan mo na ako. Huwag ka ng gaanong mag-alala sa akin. Gusto ko ng makauwi.” Hindi niya mapigilang maiyak dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Kahit minsan ay hindi niya naisip ang mga nararamdaman ng kapatid. Ang gusto niyang mangyari ay gumaling ang kapatid. Pero hindi niya naisip na nahihirapan na din ang kanyang kapatid. “I’m sorry, Lawrence kung hindi ko naiisip ang gusto mo. Gusto ko kasing gumaling ka, na makasama ka habang buhay. Pero kung iyan ang desisyon mo, irerespeto ko ito. Bukas na bukas, uuwi ka na ng bahay,” sabi niya. Ngumiti ang kapatid sa kanya. “Maraming salamat, Ate.” Siguro nga siya na lang ang gustong lumaban para sa buhay ng kapatid. Siguro nga hindi niya matanggap na may taning na ang buhay ni Lawrence. Na siya na lang ang may kagustuhang magpatuloy. Hindi niya naisip kung ano ang gusto ng kapatid. MULA nang pumasok si Lorie sa kanyang opisina ay dama ni Kiefer ang mabigat na awra nito. Hindi niya makita ang masayahing Lorie ngayong araw. Para bang may malaki itong problema at tila ba pasan nito ang mundo. Hindi siya sanay na makitang ganito ang dalaga. Nami-miss niya ang ngiti nito. Alam niyang may problema ito at hindi niya alam kung papaano kakausapin ang dalaga. Para kasi itong robot na kung ano ang iutos ay iyon lang ang gagawin. "Lorie," tawag niya. Pinagmasdan niya ang dalaga na nagpi-print ng mga documents. Para bang wala ito sa sarili. "Lorie," tawag niya ulit ngunit mukhang hindi siya narinig nito. "Lorie!" sigaw na niya. "Ay kalabaw!" sigaw ni Lorie. Muntik na nitong mabitawan ang mga papel na hawak. "Nakatatlong tawag na ako sa'yo," sabi niya. Napangiti ng alanganin ang dalaga. "Sorry, sir," sabi ni Lorie sa kanya. "May problema ka ba?" tanong niya. "Naku Sir wala! Lutang lang po talaga ako ngayong araw," sagot ni Lorie. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. "Just be honest, Lorie. May problema ka, I can feel it. Why not go home and take a rest. Hindi ka rin magiging competent and productive kung ganyan ka ngayon." "Sorry po talaga, Sir Kiefer." "You can tell me kung ano problema mo. I will lend you my ears and listen to you," sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD