Chapter XXIV

1013 Words
May mali ba sa akin ngayong araw? Iyan ang tanong ni Lorie pagkapasok niya sa opisina. Hindi niya alam kung bakit halos lahat ng tao sa paligid niya ay tumitingin sa kanya at kasunod nito ay pagbubulungan siya. Hindi tuloy niya maiwasang mabalisa dahil sa mga tao sa paligid niya. Naghihintay siya na magbukas ang elevator at pinagmasdan niya ag repleksyon mula dito. Wala namang dumi ang mukha ko. Bakit kasi ganoon sila makatingin sa akin? “Naks! Nandito ka na pala!” Napalingon siya sa nagsalita at nakita si Gabriel na malaki ang ngiti. “Ikaw pala Gabriel,” sabi niya. “Ikaw ah. May hindi ka pala sinasabi ah. Kaya pala pinagtatanggol mo si Sir Kiefer ay dahil may kakaiba sa inyo ah,” sabi nito. Napakunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong niya. “Sus! Maang-maangan. Humble pa.” Napailing na lang siya. “I’m sorry pero hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin,” sabi niya. “Sige na nga, iisipin ko hindi mo ‘to alam,” sabi ni Gabriel sa kanya. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may pinakitang larawan sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang larawan nilang dalawa ni Kiefer noong kinuha silang model. Naka-post ito sa isang social media app at nakita niya kung gaano karami ang nag-like at pumuso sa post na iyon. “Hindi ko alam na ipo-post iyan sa app na ‘yan!” sabi niya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Gabriel. “Weh? Imposibelng hindi mo alam,” sabi nito sa kanya. “Oo nga. At saka, unexpected ‘yan. Nagulat na lang kami ni Sir Kiefer na hinatak kami at maging model,” paliwanag niya. “You don’t have to explain yourself, Lorie.” Sabay silang napalingon ni Gabriel at nakita si Kiefer na seryosong nakatingin sa kanila. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa bulsa at confident na nakatayo sa harapan nila. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito at amoy na amoy niya ang mamahaling pabango nito. “I’m sorry, Sir,” sabi ni Gabriel. Tumabi ang lalaki at saktong bumukas ang elevator. Pumasok na si Kiefer sa loob at nagulat siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at hinatak papasok sa elevator. “You saw the pictures?” tanong nito sa kanya. Tumango siya bilang sagot. “You dpn’t have to explain yourself sa kanila, Lorie. Let them think what they want.” “Nagulat lang po ako. Hindi ko po kasi alam kung ano ang tinutukoy niya ng una. Kaya po pala mga nagtitinginan at nagbubulungan ang mga tao nang makita ako,” sabi niya. Ngumiti lang si Kiefer sa kaniya. “Let them be. Huwag kang ma-bother sa mga taong nasa paligid mo. Let them think what they want. Ang pananaw ko kasi, kung magpapaapekto ka sa mga taong nasa paligid mo, hindi ka uusad—hindi ka makakausad dahil iniiisip mo ang sasabihin nila sa’yo. Sila naman ang mga taong wala namang ambag sa buhay mo,” sabi nito sa kanya. Tumango siya. “Tama ka, Sir Kiefer,” sagot niya. “Nag-breakfast ka na ba?” “Pandesal po ang almusal ko,” sagot niya. “Ahh! I suddenly miss pandesal,” sabi nito sa kanya. “Hayaan mo bukas sir dadalhan kita. Gusto mo ba may palaman?” “Nope. Mas gusto ko isawsaw sa kape iyon,” sagot nito sa kanya. Sa buong maaghapon ay naging maayos naman ang kanyang naging araw. Nagkaroon ng board meeting at mukhang hindi naman na pinag-uusapan ang mga pictures nilang dalawa. Well, naisip niya na wala namang masama sa mga pictures na iyon. Nag-model lang sila ng mga damit. “Aba! Nandito na ang sikat!” Nagtaka siya nang biglang sumigaw ang isa sa mga kapitbahay niya. Hindi naman siya madalas pansinin nito kaya nagtataka siya bakit bigla na lang siyang kinakausap nito. “Iba talaga kapag model na, marami ng pera. Sa susunod lilipat na ‘yan sila ng bahay. Hindi na sila magtitiis dito sa iskwater!” sabi pa ng isang babae. Sa pagkakatanda niya, tindera ito ng bibingka sa palengke. May rollers ang buhok at may nakaipit na yosi sa labi nito. “Hindi po ako model,” sagot niya. Naisip niya na nakita na din siguro ang mga pictures niya kasama ang boss sa social media app. “Asus! Maangmaangan pa! ‘Wag kang mag-alala! Hindi ka namin uutangan!” sigaw pa nito sa kanya. “Wala din naman ako ipapautang sa’yo kung nagkataon,” sagot niya. “Aba! Anong wala? Imposibleng walang pera diyan!” “Ay oo nga pala, mukhang nakabingwit ng mayaman. Nakita ko hinatid noon ng kotse,” sabi pa ng isang babae. “Kaya pala si Myrna ang laki ng ngiti. Mukhang aahon na sa hirap,” sabi pa ng isang babae. Dahil sa sinabi nito ay nainis siya. "Kung ano mang iyang iniisip niyo nagkakamali kayo!" sigaw niya. Nabigla naman ang mga marites na nasa tabi niya. "Wala na kayong ginawa kung hindi pag-usapan ang buhay ng ibang tao! Kaya hindi kayo umaasenso dahil ang mga nak niyo nuknukan ng tamad! Mukha kayong utang! Nakita kong medyo umaangat ang isang tao naiingit na kayo! Mukha kayong utang! Utang kayo ng utang mga wala namang pambayad! Kapag siningil kayo pa galit! Mga inggitera kayo! Oo model ako! Masaya na? Kayo ba kaya niyo mag-model? Eh kahit sinong talent scout eh hindi kayo kukunin!" sigaw niya. Sa inis niya ay mabilis siyang tumalikod at pumasok sa loob ng kanilang bahay. "Bwiset na mga marites!" "O relax lang ate. Ganda-ganda mo sa billboard tapos dito ay nakasimangot ka," sabi ni Lawrence sa kanya. "Billboard? Anong billboard?" tanong niya. "Sumilip ka sa billboard na nasa tawid. 'Yung malaki," sabi ni Lawrence. Nagtataka siyang dumungaw sa binata at tiningnan ang tinutukoy ng kapatid. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mukha niya sa malaking billboard. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang mga reaksyon ng mga kapitbahay niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD