CHAPTER 2

2337 Words
Chapter 2 Blurry Visions of her Past    “HOY! Gising na!” Marahan niyang iminulat ang mga mata. Nasilaw siya sa liwanag na bumabalot sa lugar. Pansamantala siyang pumikit at dumilat ulit. Nang nasanay na sa liwanag ay iginala niya ang kanyang mga mata. Halos walang kulay ang mga dingding na nakapalibot. Ramdam niya rin ang tigas ng sahig na kinahihigaan. “Bangon na,” saad ng isang matandang lalaki na balot ng balbas ang mukha. Nakatingin ito sa kanya—nag-aabang. Takot na napabalikwas siya at agad na niyakap ang sarili. Gulong-g**o ang isipan niya. ‘Sino ka? Nasaan ako?’ Gusto niyang itanong pero parang may nakabara sa lalamunan niya at ‘di siya makapag-salita. “Kamusta ang pakiramdam mo, hija?” Hindi siya sumagot. Wala siyang maisagot. Blanko ang laman ng utak niya. “Anong nangyari sayo bata? Nakita kitang nakahandusay sa kalsada. Puno ka ng sugat. Kaya dinala na kita dito sa kuta ko,” saad pa ng lalaki pero parang naglalagos lang ang mga ito sa tainga niya. Wala siyang maintindihan. “Naglayas ka ba sa inyo?” tanong pa nito. Ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko, umiling-iling. “Kawawa naman ang mga magulang mo. Batang-bata ka pa ay kay tigas na ng ulo mo. Tignan mo tuloy ang nangyari sa’yo.” Sa loob-loob niya ay wala pa’rin siyang makuhang sagot sa napakaraming tanong ng matanda. Magulang? Sino nga ba sila sa buhay niya? Naglayas ba talaga siya? “Ano bang pangalan mo, hija?” muli pa nitong sa kanya. Hindi siya sumagot. Hanggang ngayon, blanko padin ang utak niya. Sino siya? Anong nagyari sa kanya? Peste, wala siyang maalala! Napabuntong hininga ang matandang lalaki. Bahagya siyang itinulak nito sa braso na para bang ginigising siya. “Pipi ka ba, huh? Sino ba ang mga magulang mo? Ano ba talagang nangyari sayo? Bata?” kinawayan siya ng matandang lalaki pero naglalagos lang ang paningin niya. “Sayang ka naman oh, kung hindi ka magsasalita. Pero kung sabagay, mas nakakaawa yun.”     Ininspeksyon siya ng matanda at nakita nito ang suot niyang kwintas. “Uy, mukhang mamahalin ito ah.” saad nito sabay hawak sa kwintas niya. Automatikong hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kwintas niya. “Huwag,” mahinang saad niya. Maski siya ay nagulat din sa kakayahan niyang magsalita. Tumaas ang kilay ng matanda. “Kaya mo naman palang magsalita. Ano bang pangalan mo?” Mahigpit ang hawak niya sa kwintas na suot niya. Sinipat niya ito ng tingin—inalala kung ano ba ang halaga nito sa kanya at ganun na lamang ang reaksyon ng katawan niya dito kahit tuliro pa ang isipan niya. “Princess…” sambit niya, inuulit ang salitang narinig niya sa kanyang isipin. Kung bahagi ba ito ng isang alaala, hindi niya alam. “Princess ba ang pangalan mo?” “Princess…” saad niya. “Princess…” Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mata niya. Umiiyak siya sa hindi malamang kadahilanan. Nakaramdam siya ng sobrang lungkot na lumulukob sa kanya. Hindi niya lubusang maintindihan ang nangyayari. Magulo ang isip niya. Pakiramdam niya ay maraming kulang sa kanya. “Naku naman,” palatak ng matandang lalaki sa harapan niya. “Mukhang problema pa ang isang ito!” Hinigit siya nito sa braso at pinilit na pinatayo. “Sumama ka sakin. Tinulungan kita, kaya tulungan mo rin ako. Siya nga pala, ako si Tatang Diego at ako ang nasusunod sa lugar na ito.” Lumabas sila ni Tatang Diego mula sa silid. Agad na bumungad sa kanya mas mukhang abandonadong espasyo kundi lang sa napakaraming batang naroroon. Nakapila ang mga ito sa pagkain ng dumating sila. At parang mga batang bilang nilukuban ng takot ang mga ito pagkakita sa kanila. “Magandang araw po Tatang,” halos sabay-sabay nilang saad. “Mga bata,” ma-awtoridad na saad ni Tatang. “Siya si Princess, bago niyong makakasama dito. Tratuhin niyo siya ng mabuti. Maliwanag?” “Opo.” Lumuhod naman si tatang sa harap niya upang maging magkapantay sila. “Princess, ito ang bahay ko. Sila ang mga magiging kalaro mo. Magpakabait ka dito, naiintindihan mo? Kailangan kong kumita ng malaki sayo kaya umayos ka. Utang mo sa’kin ang buhay mo.” Nanatili siyang walang imik. Wala padin siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. “Hala, sige, sumiksik ka na sa mga iyan. Maghanap ka na ng mapupwestuhan mo,” bahagya siyang itinulak ni Tatang Diego papunta sa mga bata. Nang makaalis na ang lalaki, agad na naglapitan sa kanya ang mga bata. “Pinilit ka ba niyang sumama dito? Dapat nagpumiglas ka! Magiging impiyerno lang ang buhay mo dito,” bulong ng isang bata. Pero nanatili parin siyang walang imik sa sarili niyang mundo. “Aba, ang yabang naman ng isang ito!” reklamo naman ng isa pa. “Hindi porket sinabi ni Tatang na itrato ka naming ng maayos, ikaw na ang boss. Baka akala mo, pare-parehas lang tayong preso dito!” Pero lahat ng sinabi nito’y naglalagos lang sa pandinig niya. Hindi padin siya kumibo. “Eh ang yabang pala talaga nito eh!” himutok ng bata ng walang marinig na sagot sa kanya. Malakas na itinulak siya nito kaya napadausdos siya sa sahig. “Oh ano? Bakit hindi ka lumaban? Wala dito ang mommy at daddy mo para ipagtanggol ka!” hamon pa ng bata. Wala siyang pakialam sa hamon nito. Pero ang huling sinabi nito ang patuloy na umaalingawngaw sa isipan niya. Wala dito ang mommy at daddy mo… Wala dito ang mommy at daddy mo… Wala dito… Wala… Para itong isang ritwal na gumising sa kanya. Tumayo siya at umiiyak na sinugod ang batang kanina pa siya hinahamon. “Nasaan ang mommy’t daddy ko? Ilabas mo sila!!” palahaw niya habang nanggigigil na sinasaktan ang batang kaharap. “Ikaw ang kumuha sa kanila! Bad ka! Ilabas niyo ang mommy at daddy ko!” “Anong nangyayari dito?” galit na sigaw ni Tatang Diego. Ilang sandali lang kasi ay nagmistula ng isang rumble ang nagaganap sa kanila. Pinagtutulungan na siya ng mga bata, habang siya ay patuloy lang sa pagwawala at pag-iyak. Hindi niya kasi maintindihan ang mga nangyayari. Gusto niyang makita ang mga magulang niya pero wala naman siyang maalala tungkol sa mga ito. “Unang araw mo palang dito, ipinamalas mo na yang katigasan ng ulo mo! Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang salbahe at suwail na bata! Akala ko pa naman napipi ka na! Yun pala ikaw pa ang mag-uumpisa ng g**o dito!!” nanggagalaiting wika ng lalaking nagdala sa kanya sa lugar na iyon. “Dumapa ka at nang maturuan ng leksiyon! Dapa!” Hinugot nito ang makapal nitong sinturon at sinimulan siyang latayan saan mang parte ng katawan siya matamaan. Pakiramdam niya ay maghihiwa-hiwalay na ang katawan niya sa lakas ng hampas nito. Pero hindi pa pala doon nagtatapos ang parusa niya. Ikinulong siya nito sa isang madilim at masikip na kwarto. Iginapos siya nito sa isang sulok ng kwarto kung saan hindi siya makagalaw lalo na kapag ginagapangan siya ng dagang naglulungga doon. Ni walang pagkain o inumin. Maski yata oxygen ay wala doon dahil sa sobrang sikip. At takot na takot siya sa tila walang katapusang kadilimang iyon lalo pa’t isa’t isang bumabalik sa alaala niya ang nangyari ng malagim na araw na nangyari ‘yon… --   HUMAHANGOS na napabalikwas si Princess sa kama nang napanaginipan na naman niya ang eksenang ‘yun sa teritoryo ni Tatang Diego. Napahikbi na lang siya hanggang sa tuluyan na siyang umiyak. Pakiramdam niya ay nanliliit siya sa takot, sa lungkot, sa pagkalito. She could only hug her knees and cry. Hanggang ngayon kasi ay nakatanim padin ang lahat sa kanyang isipan. At sa tuwing dinadalaw siya ng multo ng mapait niyang kahapon, wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak.             “Pri?” sumilip si Camille sa pinto ng kanyang kwarto. Nang makita nitong basing-basa na ang mukha niya ng pinaghalong pawis at luha, agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya.             “Napanaginipan mo na naman ba?” tanong nito habang inaalo siya. Nanginginig na tumango siya dito. Hinawakan ni Camille ang magkabila niyang kamay at tinitigan siya nito. “Shhh… It’s okay, Pri. I’m here.” Parang batang pinahid ni Pri ang luha sa mga mata niya. She would usually have nightmares about her past, sometimes even worst than this. Kaya ganun nalang ang pagpapasalamat niya na laging nandyan si Camille sa tabi niya para ipaalala sa kanyang okay na ang lahat. Princess Sta. Ana’s past was like a black hole—empty but pulling her into its depths. Nagising nalang siya isang araw—sugatan, walang maalala, walang pagkakakilanlan. Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan niya. Sino siya? Princess ba talaga ang pangalan niya? Ni hindi niya nga alam! Kahit anong piga niya sa sarili, wala talaga siyang maalala pa, maski mukha o pangalan ng mga magulang niya. Lalong hindi rin niya alam ang dahilan ng pagkawala ng alaala.             Ang masaklap pa, nagising siyang nasa poder ng maling tao. Si Tatang Diego ay lider ng isang sindikatong nagpapa-kalat ng mga bata sa lansangan para mamalimos. Lahat ng kikitain nila sa isang araw ay ibinibigay nila sa matanda at sa mga alipores nito. Kinakailangan nilang laging maka-intrega ng malaking halaga kundi wala silang hapunan. O di naman kaya’y sa bartolina ang bagsak nila—sa madilim na kwartong pinagtapunan sa kanya sa unang araw niya. Matagal din siyang naging alila ni tatang Diego. Ilang beses rin siyang naglabas-pasok sa masikip at madilim na silid na yon. At kahit pa tuliro pa’rin ang isip niya sa lahat ng nangyari sa kanya, kinailangan niyang maging masunirin para wag maging suki ng mga daga. Mahirap ang buhay kalye. Minsan ay napipilitan pa silang magnakaw madagdagan lang ang intrega kay tatang. Nagkaroon ng mga kaaway na batang kalye ring tulad niya, na madalas ay nakaka-away niya dahil sa pwesto ng mapaglilimusan. Natuto siyang maging wais at maparaan para hindi mautakan at mapag-iwanan ng ibang bata. Sa mundong ginagalawan niya, kinakailangan na sarili mo ang iniisip mo kung ayaw mong maparusahan ng matindi. She couldn’t imagine the life she underwent at a very young age. Iyan ang naging buhay niya hanggang sa sinalakay ng mga pulis ang kuta nilatatang Diego. Isa kasing kasamahang bata nila ang nakatakas at nakapag-sumbong sa pulisya. Ang resulta—si tatang Diego at ang mga alipores nito sa loob ng selda. Sila naman ay dinala sa sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa mga batang katulad nila kung saan kahit paano ay naramdaman nila ang pagiging malaya at pagiging bata. Dumaan din ang lahat sa psychological tests at therapy na kinailangan nila para maka-cope up sa nangyari. At nang dahil dito, nagawa niyang isambulat ang lahat ng kalituhan at takot na bumabagabag sa kanya. Mula doon ay napag-alaman na mayroon siyang psychogenic amnesia kung kaya’t isang bahagi lang ng nakaraan niya ang naalala niya. Madalas sa kundisyong ito, ang mga masasakit na alaala ang nakakalimutan ng taong mayroon nito. Hindi niya alam kung gaano pa kasalimuot ang nakaraan niya bago napunta sa kamay ni Tatang Diego na dahilan para kalimutan niya ang lahat ng alaala. Ayon naman sa ekspertong tumingin sa kanya, malaki ang posibilidad na makaalala ulit siya kung totoong mga bagay na kaugnay ng nakaraan niya ang laging makikita. Pero ang tanging bagay na pwede na lamang magdugtong sa kanya sa nakaraan ay ang suot niyang kwintas. She remembered something when she first saw it, although it was a hazy memory. Naulinigan niya ang isang babae at lalaki na tinawag siyang Princess nang unang beses niyang makita iyon. Bahagi rin ng healing therapy sa center ang paghanap nila ng isang bagay na kagigiliwan at ikalilibang na makakatulong upang maka- move on sila sa lahat ng pinagdaanan sa murang edad. At dito niya natuklasan ang nakatagong talent niya sa pagpipinta. Ibunuhos niya dito ang lahat ng oras. Sa harapan ng canvas, kahit paano’y nakakaramdam siya ng tuwa. She felt a sense of self she thought she lost. Na para bang matagal na niyang ginagawa ang pagpipinta. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng kabuluhan. Naging maayos naman ang lahat sa center pero hindi siya totoong masaya lalo pa’t isa-isang umaalis ang mga batang naging kasamahan niya. Ang iba ay inaampon, ang iba naman ay mapalad pa na nahahanap at naibabalik sa mga magulang nila. Naghintay na may pamilyang dumating at sumundo sa kanya. Matagal. Pero wala. She was growing old at that time kaya di na’rin siya umaasang maaampon pa. “Are you okay now?” tanong sa kanya ni Camille matapos ang ilang minutong katahimikan. By this time, her tears had run dry from her face, her hiccups gone. Tumango siya dito at ngumiti. “Thank you, Camille. For always being here.” Camille smiled at her and she remembered that same exact smile she gave her the first time they met each other. “Pri, we’re not just best friends. We’re sisters.” Right. They were sisters. One day, Camille’s family visited the same exact orphanage where she was in. Nag-outreach program ang mga ito bilang pag-alala sa namatay nilang anak—ang nakababatang kapatid ni Camille. And instantly, the moment they met, she and Camille clicked. “I remember Caitlyn more because of you,” naalala niyang saad ni Camille noon sa kanya. “Magka-edad kayo. At parehas kayong matigas ang ulo.” Tiningnan niya lang si Camille noon, iniisip kung ano ang pakiramdam magkaroon ng kapatid… ng magulang. Ng pamilya. “Sayang lang at wala na siya,” malungkot na dagdag nito. Tumingin si Camille sa kanya at nginitian siya. “Sigurado akong magkakasundo kayo ng kapatid ko.” That one visit of the family was repeated, a little earlier than what was expected. Ilang beses pang nagpabalik-balik ang mga Sta. Ana upang ayusin ang adoption papers niya. The papers were approved. Tuluyan na siyang kinupkop ng pamilya nito. And she was so happy then. Naranasan niyang magkaroon ng pamilya. Sinuportahan siya ng mga ito, pinakain, binihisan, pinag-aral, inalagaan, minahal, at tinuring na totoong anak. And she was very thankful to them. Kahit paano, naramdaman niyang buo siya at may nagmamahal sa kanya. Camille had been nothing but a nice sister to her. She was nothing but angelic. Inalalayan siya nito. Tinuring na totoong kapatid. Na best friend. Naging madali para kay Princess na ibunyag sa mga Sta. Ana ang hirap na sinapit niya sa buhay at buong puso naman siyang tinanggap ng mga ito. Kaya mula noon ay sinigurado niyang kalimutan na’rin ang pait ng nakaraang sinapit niya kay Tatang Diego. Kakalimutan na niya ang pagiging pulubi at magnanakaw at magsisimula ng panibago. She promised that to Camille—but more to herself. She realized she needed to embrace her healing. Unti-unting nagkaroon ng mukha ang pagkatao niya. Naging masaya siya at naging matatag. Nahubog siya at naging palaban sa buhay. She grew up and learned to face the future—head up high, with a smiling face. She might have forgotten her past but her future awaits her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD