CHAPTER 3

1938 Words
Chapter 3 Fulfilling Dreams   “ARE you sure you’re really okay now, Pri?” tanong sa kanya ni Camille habang nakatitig ito sa pagkain niya ng chocolate flavored ice cream. This was her way of relieving stress kaya lagi silang may nakaimbak na ice cream sa fridge. During times when her nightmares attack her, she felt so comforted that she and Camille had been living in their own apartment since they were 18. It was what Camille asked from her parents as a gift because she wanted to try living indepently. Thankfully, they gave in. Ngayon, tuwing nagkakaroon siya ng mga ganitong breakdown, hindi na niya maiistorbo pa ang mga magulang. As much as possible, she didn’t want to cause too much trouble to the Sta. Ana’s kahit pa nga alam naman niyang hindi na siya iba sa mga ito.             “Yup,” sagot niya dito habang patuloy pa’rin sa pagkain.             “Gusto mo bang lumabas tayo? Unwind?” tanong pa nito.             Saglit siyang tumahimik at nag-isip. “Ah, I have a better idea,” saad niya at napangiti na’rin. Agad siyang nagtungo sa kwarto niya at kinuha ang laman ng wallet ng aroganteng lalaking nakabanggaan niya sa bar. Pagbaba niya ay agad niyang pinakita ito kay Camille. Tinaasan naman siya nito ng kilay.             “And where are you planning to spend that?”             Princess smiled mischievously. She knew Camille knew what she wanted to do with the money. --   PRINCESS and Camille went to the orphanage na naging pansamantalang tirahan niya noon matapos nilang ma-rescue mula sa kamay ni Tatang Diego. Minsan, kahit isang beses lang sa isang taon o pag may libre silang oras ay nagpupunta sila dito ni Camille. Nakagawian na nilang bisitahin ang mga bata dito sa orphanage kaya naman maluwang at mainit silang tinanggap ng mga bata dito, pati na ang mga staff. “Uy, si ate Pri at si ate Camille!” saad ng isang bata na nakapansin sa presensya nila. Agad namang naglingunan sa kanila ang mga bata at excited na lumapit ang mga ito. Pawang mga natutuwa ang mga ito sa pagkakita sa kanila. At ganoon din naman sila. Sobrang saya niya kapag nakikita niya ang mga batang ito. Paano kasi ay pakiramdam niya, kung meron mang nakakaintindi ng lubos sa mga batang ito, siya iyon dahil gaya nila, wala din siyang magulang. Kaya parang may pising nagdudugtong sa kanila ng mga batang ito. At gusto niya na kahit paano ay makatulong sa mga batang, mabawasan ang kalituhan sa kalagayan nila, at bigyan sila ng inspirasyon na may bukas pang naghihintay sa kanila kahit na wala silang mga magulang. “Ate Pri,” nakangiting kinalabit siya ng isang bata at yumakap ito sa kanya. “Uy, Sam, ang laki mo na ah. Ang ganda-ganda mo pa,” nakangiti niyang puna sa batang nasa pitong taong gulang na. Lumuhod siya para maging magkapantay sila nito at yumakap din siya dito. “Kamusta ka na? Naging good girl ka ba, huh?” “Okay lang ako ate. Good girl po ako kahit po tanungin mo sila.” “Very good,” she patted the little girl’s head. “Yan naman ang gusto ko sayo eh.” “Ate, basahan mo po ulit kami ng stories mamaya ah,” kalabit naman sa kanya ni Niko. “Sure,” agad na sagot niya. Para na kasing ritwal na sa tuwing nandito sila ay binabasahan nila ang mga bata ng mga kwento na minsan ay ina-arte pa nila ni Camille. “Camille, Pri, buti naman at napadalaw kayo,” saad ni Miss Nepomuceno, ang head ng orphanage. Nakangiti itong nakatunghay sa kanila. “Na-miss kayo ng mga bata.” “Oo nga po eh. Na-miss din po namin sila,” tugon ni Camille. “Naging busy lang po kami sa pag-aaral at kanya-kanyang gawain kaya hindi po kami madalas makadalaw.” “Ah siya nga po pala,” ipinakita ni Pri kay Miss Nepomuceno ang mga school materials na dala-dala nila. Binili nila ito ni Camille bago sila dumiretso dito. “Para ito sa mga bata. At saka po, eto,” ibinigay niya din sa palad ni Ms. Nepomuceno ang ilang pera. “Makakatulong po yan ng konti sa gastos dito sa orphanage.” “Naku, Pri, Camille, salamat. Maraming salamat sa inyong kabutihan.” Ngumiti lang siya sa nagagalak na si Ms. Nepomuceno. Tiningnan lang naman siya ni Camille na tila nabunutan na ng tinik kahit paano. At least, may napuntahang maganda ang pera ng unggoy na ‘yon, kahit pa alam niyang mali din ang ‘Robin hood way’ niya ng pagtulong. Nagpalinga- linga pa siya sa paligid at napansin ang marami-rami ding pagbabago sa orphanage mula ng uli silang nagpunta dito ni Camille. Napansin niya ang isang pader na hindi pa tapos pinturahan. “Miss Nepomuceno, bakit po parang nabitin ang pagpipintura sa mga dingding?” “Ah yan ba… Naku, nung isang buwan pa dapat tapos yan eh. Balak kasi naming gawan yan ng mural para mas kaakit-akit sa mga bata. Kaso nga lang kinulang kami sa budget para pambayad sa mga magpipintura sana. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa nagagawan ng paraan.” “Ah, ganoon po ba. Gusto niyo po bang ako nalang po ang tumapos niyan?” pagbo-vlounteer niya. Na-excite siya sa ideyang siya ang magpipinta ng mural para sa mga bata. “Talaga, Pri? Sigurado ka?” “Oo naman po. Kayo pa ba? Malakas kayo sa’kin eh,” pabiro niyang saad na ikinatawa naman ni Miss Nepomuceno. “Talaga? Kaya lang… wala pa kaming b-budget,” napapakamot sa ulong saad ng head staff. “Okay lang po yun, Miss Nep,” nakangiting sagot niya. “Ako na pong bahala dito.” Ilang sandali lang, nasa harapan na ni Pri ang mga gagamitin niya sa pagpipinta sa pader. There were different colors of paints, a set of paint brushes, and other painting stuff that they retrieved from the stock room. Itinali narin niya sa isang messy bun ang buhok niyang lampas balikat ang haba. She even put on an apron para maiwasang mapinturahan ang damit na suot niya. And then, she started her artwork. Pinaghalo- halo niya ang iba’t ibang kulay na nakita niya doon at gamit ang brush ay marahang hinagod niya ito upang mabuo na ang kanyang obra. She really wanted to be a painter. Kaya lang, hindi niya afford. Kaya naman balak nalang niyang kumuha ng ibang kurso sa isang kilalang State University. She was thinking of getting either psychology or journalism. Alam niyang sobrang malayo ang mga courses na ito sa totoong gusto niya pero sa mga ito siya nakapasa bilang scholar. She was also a working student kaya nasasagot na niya ang sarili niyang gastusin at nakakapag-ipon din siya. Nahihiya na kasi siya sa magulang ni Camille kahit pa nga sabihing mababait talaga ito sa kanya at talagang anak ang turing ng mga ito sa kanya. Mula kasi noon kinukop siya ng mga ito, sila na ang nag-provide ng mga kailangan niya. Kaya naman sinikap niya na makatayo sa sariling mga paa para hindi siya maging pabigat sa kanila, though they never made her feel that way. Ilang oras din ang ginugol niya sa mga pader ng orphanage bago niya ito tuluyang natapos. She decided to adapt a street-like feel on the wall, tulad ng mga murals na madalas makikita sa harapan ng mga elementary schools. Hinati niya ang pader sa tatlong section. Every section was so colorful. Sa isang parte ay may pinta ng mga batang naglalaro ng mga larong kalye. Sa kabila ay may mga batang nagbabasa. “Wow, ang galing-galing mo naman ate Pri,” namamanghang komento ng mga bata. Napangiti  siya.  Masaya  siya  na  na-appreciate  ng  mga  batang  ito  ang  gawa  niya.  “Thank  you. Nagustuhan niyo ba?” “Opo!” they all said in unison. “Naku Pri, you’re like a professional mural artist!” tuwang tuwang komento ni Miss Nepomuceno. Hinawakan nito ang kamay niya. “You’re an angel. Ikaw lang pala ang kailangan naming para matapos ito.” “Naku, salamat po at nagustuhan niyo. Okay lang po ‘yun. Para naman po sa mga bata eh.” “No, I’m the one who should thank you. Ang dami niyong tinulong ni Camille samin ngayon. Salamat ng marami!” They stayed for a while in the orphanage. Nakipagkulitan at nakipaglaro pa sila sa mga bata. Binasahan din nila sila ng istorya kagaya ng pinangako nila. And from there, she saw how happy the children were. And she felt fulfilled. Masaya siyang mapasaya ang mga batang ito. And with that, tuluyan na din niyang nakalimutan ang nagpapalungkot sa kanya. She felt normal again. --   “HERE, fill this up,” saad ni Miss Jessica Alonzo, ang boss ni Pri sa pinagtatrabahuhan niyang cake shop habang iniaabot nito sa kanya ang isang papel. Naroon si Pri ngayon sa opisina nito dahil sa ipinatawag siya nito para daw sa isang importanteng bagay na dapat nilang pag-usapan. Medyo kinakabahan nga siya kahit na mabait si Miss Jessica. Ngayon lang kasi ito nakipag-usap sa kanya ng pribado.             ‘May mali ba kong nagawa?’ tanong niya sa sarili. ‘May hindi kaya siya nagustuhan sa ginawa kong design para sa café?’             Nitong linggo ay kakatapos lamang gawin ni Pri ang disenyo para sa café nila—Dark Temptations. She had been working here in this café for almost six months now. Si Camille ang nagpasok sa kanya dito. The owner, Miss Jessica, had been nothing but kind and helpful, not only to her but to all her staff. Ni hindi mo nga mararamdaman na ito ang may-ari ng cake shop dahil napaka-low profile nito. Hands-on din ito sa pagbi-bake ng mga tinapay at cakes nila. Pero gayunpaman, kinababahan pa’rin siyang makaharap ito ng pribado, lalo na’t siya ang punong abala sa redecoration ng café. Isang linggo rin silang nagsara para makapag-design at pinta siya ng maayos, kaya kung may nagawa man siyang hindi nito nagustuhan ay kabadong-kabado siya. “M-ma’am?” nalilitong saad niya habang nanginginig na tinititigan ang papel na inabot sa kanya. Ngumiti naman si Jessica sa kanya. “That’s the registration form sa International Pilot School for the Arts. All you have to do is to fill that up with your personal information, then, I will submit that to the President’s office.” “P-po? International Pilot School for the Arts? IPSA?” gulat niyang tanong. “Why are you stammering?” natatawang saad ni Jessica. “Yes, you heard it right. I said that’s the registration form sa IPSA. C’mon, fill it up na.” “P-pero bakit po?” Kagyat na tumawa ulit si Jessica. “Ang cute mo talaga,” tila namamanghang komento nito. “Well, ‘di ba pangarap mong makapag-aral dito para matupad pangarap mong maging painter. Now, here it is. Malapit mo ng matupad yung pangarap mong iyon.” “Huh? P-paano po mangyayari yun?” “Well, because I’m sending you to IPSA. Our family has a share of stocks sa IPSA. And it would be easy for me to make you a full scholar student doon. You have the talent. Kitang-kita naman ‘yan sa murals na ginawa mo for the café. And I don’t want to waste your talent. Sayang naman ang potensyal mo.” Lalong nanlaki ang mga mata niya. Totoo ba ang naririnig niya? Pag-aaralin siya ng libre sa International Pilot School for the Arts?! Ang prestigious at sikat na academy for the arts na pangarap niyang pag-aralan?! “Ma’am sigurado po kayo? Pag-aaralin niyo po ako sa IPSA?” “I am always sure of what I say. Like I’ve said, you have the talent. All expenses paid because you’ll be a scholar. All you have to do is to maintain good grades and good reputation.” “Pero paano po ang shift ko sa Dark Temptations?” “That would be easy. Iti-tailor fit natin sa schedule mo sa school ang shift mo ditto sa shop,” paliwanag pa nito. “So, do you think that’s a good idea?” “No ma’am, it’s a brilliant idea!” masayang nasambit niya. “Miss Jessica, hindi ko po alam kung anong nagawa ko at napaka-bait niyo po sa akin. Hindi ko din po alam kung deserving po ako para sa inaalok niyo pero sobrang salamat po. Promise ko po hindi ko po sasayangin ang chance na ibinigay niyo po sa’kin.” “It’s not a problem. I’m glad to help those who are worth helping,” nakangiting saad nito. “So pano, fill this up now para mai-process na yung papers mo. Don’t worry, I’ll back you up!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD