Chapter 1
The Jerk and the Pickpocket
MAINGAY. Magulo. Makulay. Masaya. Iyan ang bumungad kay Princess at Camille nang pumasok sila sa isang kilala at sosyal na resto-bar na madalas tambayan ng mga mayayamang kabataan at party-goers. Gizmo. Even the name itself sounded expensive. Everyone seemed to be having a really good time, dancing and swaying their bodies into the rhythm of that playful music loudly banging the stereo. Nakiki-ayon din dito ang malikot na pagsasayaw ng mga ilaw na ikinasasakit ng mata niya.
“Ano bang ginagawa natin dito, Pri?” tanong ni Camille sa kanya. “Bakit tayo dito nagpunta?”
She and Camille weren’t really party-goers kaya’t ‘di na siya magtataka pa sa pagka-kunot ng noo nito. She gave her best friend a mischievous smile.
“Well, I heard that there’s a good band playing in here. See the people? They’re all here for the band,” saad niya. “Magaling daw talaga sila, and I want you to check them out.”
“Ahh…” Camille nodded in satisfaction. Nagkibit-balikat lang ito pero kita naman dito na nag-aabang narin ito. Musical enthusiast kasi si Camille. Sa katunayan, may mga pagkakataon na tumutugtog din ito bilang vocalist ng isang amateur band kapag may oras siya. Music was Camille’s real passion. Ang problema nga lang ay hindi nito ito magawang maseryoso dahil hindi iyon ang gusto ng mga magulang para sa kanya. So music had just become her hobby—a stress reliever kapag gusto niyang mag-unwind at mag-relax.
And Camille needed to relax; Princess knew that very well. These past few days had been stressful for Camille dahil sa ugok nitong boyfriend—na kailan man ay ‘di niya nagustuhan para dito. Kaya gusto niya na kahit paano ay pagaanin ang loob ng best friend. Deserve naman nitong makalimot pansamantala.
“But seriously, you don’t need to take me out here, Pri,” saad nito. Kahit hindi sabihin, kabisado na nila ang galaw ng isa’t isa. “But thank you.”
Inirapan niya ito ng pabiro. “Don’t feel special,” biro niya dito. “We’re hanging out right now dahil pumayag na din si Miss Alonzo na ako ang magdesign ng murals for the café!”
“Pumayag na si Miss Jessica?” tukoy nito sa boss nila sa coffee shop.
Pri enthusiastically nodded. “Yup. It’s like hitting two birds with one stone. One, I can add this project to my portfolio and two, Miss Alonzo will pay me for this project. Mapandadagdag ko din yun sa ipon ko para sa page-enroll ko sa IPSA.”
Parehas silang na-excite ni Camille. Kulang nalang ay magtatalon sila sa tuwa sa gitna ng bar.
“International Pilot School for the Arts, here I come!” nakangiting sigaw niya.
It had always been Princess’ dream to enroll in that prestigious school for the arts. Pangarap niya kasing maging kilalang painter. At pakiramdam niya, ang pagpasok sa IPSA ang magdadala sa kanya palapit sa pangarap niya. Kaya nga lang, eksklusibong paraalan ito na halos mga mayayaman lang ang nakakapag-aral dahil sa taas ng tuition. Kaya ganun nalang siya magdoble sikap.
They went on a side of that bar and sat on an unoccupied place. Mula doon ay kitang- kita ang center stage kung saan naka- set up na ang mga musical instruments na gagamitin ng banda. Then, the loud music slowly faded as the rolling lights started to stay calm, lighting up the stage. And everybody stopped on what they were doing. Para bang ang lahat ay tumigil sa kani- kailang ginagawa dahil ang kanilang inaasahang masaksihan ay paparating na.
“Zenith! Zenith! Zenith!” the crowd started to shout as if it was a chant needed for the band to come out. And the crowd went wild, especially the girls, when four particularly and utterly handsome men one by one emerged and made a dominating presence on stage.
Nagkatingingan sila ni Camille sa naging reaksyon ng mga manunuod. The band seemed to have quite a following.
“Hello!” sambit ng lalaking inukopa ang mikropono. Marahil, ito ang lead vocalist ng banda. Kapansin-pansin ring may sukbit itong bass guitar. “Good evening everyone. Are you all doing fine?”
“Yeah!!” sabay- sabay na sagot ng mga tao.
“I love you Jairon!” sigaw ng isang babaeng halatang kiniklig sa presensya ng lead vocalist.
“Go Gian Carlo!” sigaw ng isa pa. Kumaway naman ang rhythmic guitarist ng banda sabay bigay ng isang malapad na ngiti na marahil ay ikinatunaw ng marami.
“I love you Moon! I love you Gabryel!” sigaw ng iba pa patungkol sa drummer at lead guitarist ng banda.
“Wait, where’s Raijin? Isn't he going to sing tonight?” tanong ng isa.
“Grabe...” sambit ni Camille. “Di kaya gwapo lang ‘tong mga ‘to kaya dinadayo?” natatawang tanong ni Camille.
“Ewan.” Nagkibit- balikat siya. “Let’s watch and see.”
“Raijin is not here with us tonight yet. But he promised to be here. But for now, ako muna ang pakinggan nyo, hmm?” malambing na saad ng lalaki sa harapan ng mic stand. Samu’t-saring hiyawan na naman ang rinig mula sa mga tao. “This song’s for you!” sabi nito, sabay kindat.
The center light started to dim, creating a different atmosphere for the audience. The sound of the drums roared all over the place, signaling the start of their set.
‘Heavy rain is pouring, thunder’s roaring
You look up at the heavens, crying
You feel like you’re caged in these walls
While the world crumbles and falls...’
Pumailanlang ang magandang boses ng lalaking nagngangalang Jairon nang magsimula itong kumanta habang tinutugtog nito ang bass guitar na hawak, na lalong ikina- kilig ng mga babae. Princess just nodded, satisfied with what she heard. Napangiti siya. Mukhang deserving nga naman ang bandang ito para sa malakas na hiyawan ng mga tao sa kanila.
“This is good—“ napahinto siya sa pagsasalita nang mapansing tutok na tutok ang dapat sanang kausap niya sa pinapanuod. Lalo siyang napangiti. It was undeniable Camille liked their music.
Isa-isa niyang tinignan ang miyembro ng banda. They dominated the stage a while ago because of their undeniable charms; they all looked so boyish. Pero nawala ang ganung vibe nang magsimula na silang tumugtog. They looked so immersed in their own world now.
Napako ang paningin niya sa lead guitarist ng banda. He was swaying his head into the rhythm of their music. He looked as if he was drowned to his own music created by his electric guitar. And without noticing it, Pri had been smiling widely, silently cheering for this guy.
‘Silence hangs but it’s not peace you feel
The quiet, it rings inside your ears
It echoes fears you think you can’t deal
Baby, I’m right here amidst the fears.’
“Camille…” she turned to her friend. At parang gusto niyang matawa sa itsura ng kaibigan. Para bang pansamantala itong nawala sa sarili at na-engkanto. “Hoy, Camille!” she waved her hand in front of her to get her attention. Para namang natauhan bigla ang kaibigan ng bumaling ito sa kanya.
“Oh?”
“Para kang ewan diyan,” saad niya na bahagyang tumatawa. “Pupunta lang ako sa comfort room sandali ah.”
Tumango lang si Camille sa kanya bilang tugon. Tumayo na siya at nagtungo sa comfort room. Hindi niya malaman kung paanong siksik ang gagawin niya sa mga nagkakasiyahang tao. The bar was just so full at ang lahat ng naroon ay tila walang pakialam sa mundo habang nakikinig sa musika ng banda. Halos hindi na nga niya makita and dinadaanan.
Napasinghap nalang siya ng maramdaman na nabuwal ang katawan niya sa pagkakatayo nang tumama siya sa kung anong bagay. She was quickly losing her footing and she felt a need to grasp at someone. Agad naman siyang may nakapitan kaya nakabawi rin siya sa muntikang pagkatumba, pero agad din initsa nang sino mang nahawakan ang kamay niya. Her hand was whisked away so hard she lost her footing again and this time, she couldn't help herself from falling. Mabuti na lamang at sa table ng ilang kabataan lang siya napadausdos. Mabuti rin at agad niyang naitukod ang mga kamay kundi mukha niya ang siguradong susubsob sa lamesa.
“Miss, okay ka lang?” tanong ng isa sa mga naka-ukupa sa table. Sinita pa nito ang nakabangga sa kanya. “Pre, ingat naman, oh.”
Hindi na siya nakasagot pa sa tanong ng lalaking nag-alala sa kanya. She felt her head exploding with anger and shame. Agad siyang pumihit paharap at hinaltak ang lalaking naglalakad ng mabilis palayo sa kanya. Gulat na napaharap ito sa kanya. His chinky eyes were even enlarging as he found her sudden movement shocking.
She felt the world momentarily stopped, as if she and this guy were the only people existing now. Her eyes automatically scanned the face of the stranger in front of her. Magkasalubong na ang kilay niya sa inis at gustong-gusto na niyang manapak.
“What the heck—“ sigaw ng lalaki. He tried to whisk her hand away again, but this time, she got a tight hold of him. “Miss, ano ba? Nagmamadali ako.”
Kita niya ang pagkunot na’rin ng noo nito na tila ito pa ang naabala niya.
“So kaya ka basta-basta nalang nanunulak?”
“What?” Lalong nagsalubong ang kilay nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong tinutulak.”
“I almost hit that table because of you!” sigaw niya sabay turo kung saan siya tumalsik.
“Miss,” her eyes traced his red thin lips. “Sa susunod mag- iingat ka. Nagmamadali kasi ako at hindi ko kasalanan kung haharang-harang ka sa daanan. And just to make myself clear, I didn’t bump on anyone!” saad ng mala- anghel na lalaking nakabangga niya. An angel—she would he was only if he didn’t open his mouth to speak. Matalim kasi sa pandinig niya ang mga salitang binitawan nito.
“Sinisisi mo pa ba ako?” Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak dito dahil sa inis. “You could’ve just simply said sorry. You didn’t even bother to ask me if I was okay or if I were hurt. Kasalan ko ba kung maraming tao at hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?” angil niya dito.
“This is a bar so obviously, there are lots of people here.”
“Exactly!” she pointed out sarcastically. “Alam mo naman palang bar to eh, pero hindi ka man lang marunong mag-ingat! Hindi lang ikaw ang tao dito!” pairap niyang saad.
“You know what, this is wasting my time. Fine, I’m sorry,” napipilitang saad nito. “Ayan, okay na ba?”
“Aba’t talaga nga namang bastos kang unggoy ka!” pikon na niyang saad.
But the confidence of this guy was oozing. Nakuha pa nitong ngisian siya.
“Miss, are you blind? Sinong unggoy, ako?” he pointed to himself and chuckled. Tila nanlaki ang ulo niya. With everything that she had just said, she couldn’t believe that he focused on the physical slander. Well, he was good looking. But he was so full of himself. His conceit and vanity sure did erase all the handsomeness she could see on his face.
Inis na inirapan pa niya ito. Ayaw na sana niyang makipagtalo pa sa mahangin na ito. Pero sa halip na mabahala ito sa pagkainis niya, tila lalo pa siyang inaasar nito. Paano’y napakalapad pa ng pagkakangisi nito na para bang namamangha pa ito sa kanya. Lalo tuloy siyang nangati na turuan ito ng leksyon.
Suddenly, a bright and mean idea came crashing into her silly mind. She could feel adrenaline into her veins, convincing her that this was the perfect plan. Napangisi siya. Gaganti siya! Ayaw kasi niya sa mga taong mayayabang at akala mo ay kung sinong umasta.
Hawak- hawak ang ideyang nabuo sa kanyang isipan, inirapan niya ang mokong na nasa harapan niya at dali-daling naglakad palampas dito.
“Tabi nga!” saad niya at bahagyang binangga pa ito. Pero bago niya ito tuluyang nalampasan ay nadukot na niya ang wallet nito. Napangisi siya. Walang kaalam-alam ang unggoy!
“Hoy unggoy!” tawag niya dito ng hindi pa siya gaanong nakakalayo. Lumingon naman ito. At nang-iinis niyang ipinakita ang hawak niyang wallet na nadukot mula dito. Bumakas ang pagtataka sa mukha nito.
“Loser!” she mouthed that word to him and winked, leaving the poor arrogant man puzzled.
Tagumpay!
--
“OH Pri, anong drama mo ngayon? Kanina ka pa good mood ah?” pansin sa kanya ni Camille nang hindi na nito matiis ang kakangiti niya ng parang ewan.
Bahagya pa siyang natawa ng maalala ulit ang mukha ng bwisit na unggoy na nakabanggan niya kanina nang mapagtanto na kinuha niya ang wallet nito. Priceless.
“Hoy!” Camille waved her hands in front of her face. “What’s the matter? You’re acting strange. Kanina pa ‘yan mula nang makauwi tayo.”
She and Camille went earlier than expected. Hindi na nga natapos ni Camille ang first set ng banda dahil basta nalang niyang hinatak ito palayo. She urged the clueless Camille to run with her until they were far enough from where Gizmo was. Takot niya lang na bigla silang habulin ng unggoy na nakabangga niya.
Ipinakita niya dito ang wallet na hawak niya. Camille’s eyebrows were knitted into a line. Then, shock registered on her face once realization dawned on her. Hanggang sa hindi na maipinta ang naging reaksiyon sa mukha nito.
“What did—“
“Oopps, teka lang Camille,” pigil niya sa sasabihin nito. “May magandang dahilan naman kung bakit ko ginawa ‘to eh.”
Humalukipkip si Camille at tiningnan siya ng mariin.
“Fine, I’m going to explain, okay?” saad niya. Ikinuwento niya dito nangyari kanina. Ramdam pa rin niya ang inis habang nagkukuwento dito. “It was his fault. Ang yabang kaya niya. Akala mo kung sinong may-ari ng bar! Kala mo kung sinong gwapo!”
“So kaya mo pala ko hinatak agad kanina at nagmamadaling umalis tayo dun? Hay naku Pri, ano na naman tong pinasok mo? Naghahanap ka lang ng g**o eh…”
“Tinuruan ko lang naman siya ng leksyon. Hayaan mo siya para magtanda siya,” turan niya.
Camille gave her a disapproving stare. “Do you think you gave him a meaningful lesson with what you did?”
Pri stayed mum. She wanted to roll her eyes at Camille, but she couldn’t. Tama naman kasi ito. Heto na naman ang konsensya niya—si Camille.
“But the look on his face was priceless. Lalo na nung nakita niyang hawak ko ang wallet niya.”
“At nakita pa niyang hawak mo ang wallet niya? Ipinakita mo sa kanya na ninakawan mo siya? Namukhaan ka niya?” Pri could hear the panic on Camille’s voice. She nodded and smiled at Camille, trying to downplay the latter’s emotion.
“Oo naman. Balewala ang pang-aasar ko kung hindi ko gagawin yun, noh!”
Napakapit si Camille sa noo niya. “Pri naman eh! Naiisip mo ba yang pinaggagagawa mo? Natatakot ako para sayo eh!”
She patted Camille’s shoulder. “Camille, don’t worry! Masyadong malaki ang mundo para magtagpo pa ulit yung landas naming ng lalaking mahangin na yun, noh!”
“Pri, you promised me,” saad ni Camille. Sinipat siya ng tingin nito, nangungusap ang mga mata. There she was again, making her feel guilty. “You promised that you’re never gonna steal anything again.”
Pri bit her lower lip, remembering a dark portion of her past before she was rescued by Camille and her parents.
“Wag kang mag-alala. Hindi ko na uulitin ‘to, promise!”
--
PRI examined the exterior of the guy’s wallet once she got into her own room. She was just staring at it, reflecting on her actions. Tama naman kasi si Camille—getting his wallet won’t make him learn a lesson. Baka nga ipinahamak pa niya ang sarili niya. Sometimes, she really was stubborn and hard-headed. She was a woman of action. Madalas, sa huli nalang niya naiisip ang epekto ng mga desisyon niya.
Wala sa sariling binuksan niya ang wallet. Gusto niyang malaman kung mayaman ba talaga ang mokong na ‘yun at ganoon na lang ito umasta. Sinipat niya isa-isa ang compartment ng wallet. Mayaman nga ang loko! Madaming lamang cash at cards ang wallet nito. Kapansin-pansin rin ang nakasipit ditong lumang litrato ng isang batang babae. Kitang-kita ang ngiti sa mukha nito kahit na bahagya itong nakatagilid at ‘di nakatingin sa camera.
“Hay,” buntong hinanga niya habang umiling- iling. Bakit ba niya naisipan pang tingnan ang wallet nito? Hinagis na lang niya ulit sa kama ang wallet nito saka humiga at tumingala sa kisame. Sa totoo lang, wala naman siyang intensyon sa perang laman ng wallet. She did not intend to steal his money. Ginawa lang niya ‘yun para inisin ang unggoy na lalaking ‘yon. Pero wala sa bokabularyo niya na galawin ni katiting nito para sa sarili niyang luho o pangangailangan. Gaya nga ng ipinangako niya kay Camille, tinalikuran na niya ang pagnanakaw.
Oo, mananakaw siya noon. Pero matagal na niyang kinalimutang gawin ‘yun, kasabay ng paglimot niya ng dahil kung bakit niya kinailangang gawin ito. Pero ngayon, dahil sa lalaking ‘yon, hindi din niya maiwasan na maalala din ang mapait na parte ng nakaraan niya. Nakakainis talaga!