CHAPTER 4

2033 Words
Chapter 4 Welcome to International Pilot School for the Arts   PRINCESS faced herself at the mirror, wearing IPSA’s official uniform. It was official: she was now a certified student of the most prestigious and popular art school in the country—International Pilot School for the Arts. Ang institusyong ito ay sikat dahil sa moderno at magaling nitong paghuhubog sa mga mag-aaral nito sa iba’t ibang larangan ng arts. And those who got the talent and the money were privileged enough to study in this academy. Parang dati ay pangarap niya lang na makapasok dito, makatuntong at makapag-aral. Never did she think that it will all come into reality. But she probably did something good in her past life to be experiencing this blessing. But despite her overwhelming happiness, she felt scared down the core, too. Maybe it was just the first day jitters. Pero kinakabahan din siya dahil ibang mundo ang papasukin niya. Mundo iyon ng mga mayayaman, makapangyarihan, at sopistikadang mga tao. Malayo sa mundo ng isang simpleng taong tulad niya. Pero kahit gaano man siya kinakabahan sa pagharap niya sa bagong mundo niya, kailangan niyang tatagan ang loob niya. Dahil para ito sa pangarap niya. Dahil dito magsisimula ang kabuluhan ng buhay niya. Isa pa, marami na siyang mas mahirap na pinagdaanan at nalampasan. “Ang laki pala talaga ng IPSA. Maliligaw yata ako dito. Grabe!” saad niya sa sarili. Pakiramdam niya ay isa siyang probinsyanang unang beses na nakarating sa Maynila. Nagpalinga-linga siya sa malawak na paligid habang hawak ang isang mapa ng paaralan na nagtuturo ng direksyon ng paaralan. Oo, ganoon ito kalaki na kinakailangan pa ng mapa para sa mga bagong estudyanteng tulad niya. At talagang napakaganda ng paaralang ito. The buildings were tall, modern, and world class. Malaki rin ang sakop ng green open field na nagsisilbing tambayan ng mga estudyante pag wala pang klase. Doon din siya nakatapak ngayon, wala ni katiting na ideya kung saan matatagpuan ang building na assign sa kanya. “Para akong nasa ibang bansa,” ‘di parin makapaniwala niyang saad. “Teka, nasa’n na ba ako? Kanina pa ako palakad- lakad dito, hindi ko pa’din nakikita yung Fine Arts building. Nasa’n na kaya yun?” napakamot-ulo niyang saad habang nagkakakanda-haba ang leeg na tumatanaw sa mga building na nadadaanan. Napatigil siya sa paglalakad ng may marinig na tunog ng gitara hindi kalayuan sa kanya. At parang may sariling utak ang kanyang mga paa na basta nalang itong naglakad papunta sa pinanggagalingan ng tugtog. The sound was like calling her. She liked how calm the rhythm sounded. And without her noticing it, she was already hiding heself in the bushes, carefully staring at guy on a bench as he strummed his guitar. She could only see his side  profile because of how he was seated. Pero hindi iyon hadlang para hindi niya makita kung gaano ito ka-soulful habang tinugtugtog ang gitara, habang pikit ang mga mata. “Hay…” napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan pa din ang lalaki. “Male-late ako sa ginagawa kong ito eh. Why am I watching that guy anyway?” Iiling-iling na nagsimula siyang maglakad palayo. Pero batid niya na pre-occupied pa’din ng tunog ng gitara ang utak niya. At tila nabalik lang siya sa katinuan ng may marinig siyang daing. “Ouch!!” maarteng palahaw ng isang babae. “Are you blind? You should look at your way para hindi ka nakakabangga! Why do troublesome people walk here early in the morning? Geez!” Tiningnan niya lang ang babaeng nakabangga. She looked pretty with her spotless makeup on. Mukha ring mamahalin at branded ang mga gamit nito. ‘I smell a crazy rich brat,’ saad niya sa isipan. “Sorry,” humingi siya ng tawad sa maarteng babaeng nasa harapan. First day niya at hindi naman siguro maganda kung magkakaroon siya ng kaaway sa unang araw pa lang. She had to restrain herself. Kahit pa nga halata namang nang-iinsulto ang babaeng maarte na ito. Sigurado naman siyang mas marami pa siyang makakasalubong na kasing gaspang ng babaeng ito along her way. Aalis na sana siya ng pigilan siya ng dalawang babaeng kasama nito. ‘So may alalay pa pala ito?’ bulong niya sa isipan. She was really fighting the urge to roll her eyes. Katulad ng maarteng babaeng nakabangga niya, mukhang maaarte din ang dalawa pang kasama nito na tila nandidiring nakatingin sa kanya. “Teka, sinabi ba naming pwede ka ng umalis?” tanong ng isa. She could note the dominance in the girl’s voice. ‘Ugh. Bakit ba ganito ang mga mayayaman?’ Tiningnan niya ang mga ito. Ramdam niyang unti-unting tumataas na ang pagkainis niya sa mga ito. “Ano pa bang kailangan niyo? I’m gonna be late kung hindi pa ako aalis dito,” she tried to sound nice as possible. “We don’t care kung ma-late ka. You did something wrong so you must pay for it. No one messes with us,” nakangising saad ng isa pa. The nerve! She wanted to roll her eyes at makipagtarayan sa mga ito pero she tried to keep herself calm. “I already said sorry,” saad niya saka sinubukan ulit na magpati-una na pero hinarang lang ulit siya ng mga ito. “Don’t you know us? Sorry is not enough, dear, lalo na kung kami ang nakabangga mo.” “Yeah, I don’t really know any of you. Kaya tigil-tigilan niyo na ako, okay? I’ll be going.” “Don’t you dare turn your back away from us when I’m talking! I’m not done playing with you yet,” pigil sa kanya ng babaeng nakabangga niya. Marahas siyang hinila nito at minata na animo’y germ sa paningin niya. “Oh look at you… You look so pathetic and cheap. I wonder how you got in here in our school.” “OMG! Baka nag-falcificate siya ng documents!” maarteng tili ng isa. She rolled her eyes, finally, her last straw of patience gone. Talaga nga naming sinusubukan ng mga ito ang pasensya niya! Paano kaya magre-react ang mga babaeng ito kapag sinapak na niya? Siguradong maaarte itong magsisi-iyak. “Did you just roll your eyes?” tanong ng isa. “Yeah, I did. I rolled my eyes, and so what?” she retorted in annoyance. “And just so you know, oo, hindi ako mayaman katulad niyo, but I didn’t falcify any document para makapasok ako dito. Nakapasok ako dito dahil sa nagpakahirap ako at dahil may talent ako!” “Yuck! Did you just say you worked hard for this? That’s so eeww and so too old fashioned and pathetic!” nang-uuyaw na saad ng babae saka umirap. “This place is for rich and well-raised kids, not for social climbers like you! So I suggest you better keep your feet off here. Nobody wants you here, simply because you don’t belong!” She sighed deeply to calm herself. Kung hindi lang niya first day ito, at kung hindi lang niya kinakailangang mag-maintain ng magandang character, she could’ve given this annoying women a hard hit on their faces. Tignan niya lang kung hindi magpalahaw sa sakit ang maaarteng babaeng ito. Pero hindi man siya makapanuntok ngayon, sisiguraduhin niya na hindi siya matatalo sa maaarteng bangus na ‘to. No one messes with her, dapat siya ang nagsabi niyon. “As far as I know, this is Intenational Pilot School for the Arts, the pioneer and number one art school in the country. So it only shows that this place is for those talented students who want to expand their knowledge about arts. This isn't a place for brats who just want to show their new set of branded stuff in the whole campus, playing around with other people just for fun. So if there’s someone who should keep her feet off here, I think it’s not me!” she said fiercely. “Kung wala na tayong problema, mauuna na ako.” “How dare you say that to me?” marahas siyang hinigit nito bago pa siya makahakbang paalis. “Baka hindi mo ako kilala? I am Sarah Labramonte at walang nangangahas na bastusin ako! You don’t know what you’re dong!” “Yeah, girl… Sarah’s right. You better ask for her forgiveness now before it’s too late,” segunda ng isang alipores nito. Tinanggal niya ang kamay ng babaeng nagngangalang Sarah sa pagkakahawak nito sa kamay niya. “I thought this place is for those rich and well-raised kids? Then, why are you acting like this, threating a poor girl. That’s not the etiquette, girl,” saad niya, gaya ang maarte nitong tono. “What the—“ “Stop!” Naiwang nakalambitin sa ere ang kamay ni Sarah na dapat sana’y sasampal sa kanya ng marinig nila ang ma-awtoridad na boses na iyon. Sabay-sabay silang napalingon, and a totally gorgeous man stood right in front of them. Kipkip nito ang gitara sa isang kamay habang ang isa ay naka-pamulsa. He wasn’t even smiling as he stared seriously at Sarah and the group. She felt Sarah and her girls gulped in fear in the presence of the guy, but she was more surprised when she recalled this very face in front of her. “G-Gabryel…” Sarah blinked and turned pale as she uttered the name of the guy. “Don’t you know how noisy you are? Baka gusto niyong makarating sa dean ang mga pinaggagagawa niyo?” “Oh Brye,” pilit itong tumawa, nagpapalusot. “We are just having fun,” nabahag na saad ni Sarah. “Right girls?” Para namang asong nagsitanguan ang mga alipores nito. “And besides, this newbie here is acting way too mayabang. We just have to teach her some lessons.” “And who are you to teach her lessons? Teacher na ba kayo ngayon?” sarcastic na tanong ni Gabryel. “Brye…” “I heard and saw everything. What you did is a big offense. If you don’t want to be kicked out, then go now and leave this girl alone. And I don’t want any of you to mess with her ever again.” At kahit tila napipilitan lang, Sarah and her girls just went away without any word. Hindi niya alam pero mukhang makapangyarihan ang Gabryel na ito at napasunod ng walang ano-ano ang grupo ni Sarah. She looked at the man, and she caught him looking at her also. Para bang pinag-aaralan nito ang kabuuan niya. That eyes—those cold dark eyes… Minsan nading nagtagpo ang paningin nila ng mga matang ito. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lead guitarist nung bandang pinanuod nila noon ni Camille sa isang bar! She briefly scanned him and noted that he was also wearing the same uniform for the male students here. Ibig sabihin, dito din ito nag-aaral. “You,” usal nito. His voice was not authoritative anymore. “Umalis ka na rin. You’re going to be late…” “Ahh…” she felt speechless at the moment. Parang namamanghang napatitig lang siya sa magandang mukha nito. It was as if a prince charming was in front of her. “Miss,” untag pa nito. “Miss…?” “H-huh?” saad niya na tila bahagyang natauhan na. “A-ano?” “Ang sabi ko male-late ka na kung hindi ka pa kikilos ngayon,” sagot nito. “Ahh…” tumango- tango lang siya. “Miss, are you alright?” “A-ako? Ahh… Oo naman. O-okay lang ako,” sagot niya. She slapped herself mentally. Tama ba namang matulala sa harapan nito? “Ahh, siya nga pala,” she looked at the guitar he’s holding on one arm. Siya siguro ‘yung nakita niyang tumutugtog kanina. Mukhang naabala niya nga talaga ito. “Salamat nga pala at sorry sa nangyari. Mukhang sobrang naistorbo talaga kita. Sorry.” “It’s okay. Masyado kasing maingay so I tried to meddle in,” simpleng tugon nito na medyo ikina-upset niya. Kung hindi pala ito naingayan, hindi pala siya tutulungan nito. Oh well, at least he helped. “Hindi ka pa ba mauuna?” “Ahh… Oo nga pala!” nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang klase niya. “Sige, salamat ulit. Aalis na ko!” patakbo siyang lumayo ng tumigil siya saglit ng may maalala. “Teka sandali!” tawag niya sa lalaki. Lumingon naman ito sa kanya. “Alam mo ba kung nasaan ang Fine Arts building? Kanina ko pa kasi hinahanap eh.” Mabilis na itinuro naman nito ang daliri papauta sa iang direksyon. Sinundan ito ng mata niya. “Diretsuhin mo lang yan, until you find the Arts and Letters building. You have to pass through the Arts and Letters building’s hallway. Sa likod noon, you’ll find two building facing each other. The one on the right, designed uniquely, is the Fine Arts building.” “Ahh…” napatango-tango niyang saad. “Sige, salamat ulit. Bye!” nakangiting kinawayan niya ito habang paalis. Habang tinatalunton niya ang daan papunta sa building niya, she still had that smile on her face. That guy appeared like a knight—not in a shining armor, but in a uniform rather—and saved her at that perfect moment. Not that she couldn’t help herself, pero basta… Masaya siya na makita ulit ‘yung magandang lead guitarist ng bandang napanuod nila ni Camille. “Gabryel… Brye…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD