CHAPTER 5

2020 Words
Chapter 5 The Zenith   PRINCESS finally found the Fine Arts building and she was totally impressed with the design of it. Hindi niya maiwasang mag-fan girl sa kung sino mang naka-isip ng konseptong ito. It was as if an objectification of visual arts. The whole building was painted in different colors—each floor seemingly depicting an art form. Sa unahan palang pagpasok sa building ay bubungad na ang kakaibang paintings at murals. Kumpleto din sa facilities ang gusali. May gallery pa kung saan nakalagay ang mga obra ng mga outstanding students. Ito na yata ang pinaka-artistic na building sa buong campus. Well, dapat lang. After all, building ito ng mga student painters. She entered a room designated for her class. She was enrolled into a pre-fine arts short course, which would last for two months before they set their foot on the fine arts bachelors program. Iyon kasi ang curriculum ng paaralan. Palibhasa kasi ay international academy ito. In this short course, they would be taught the basics of their craft. Dito din sila io-orient ng mabuti about sa craft na gusto nilang gawing propesyon para malalaman nila kung talagang para sila sa propesyong gusto nila. She sat in a corner and filled her eyes with scenery inside the convenient and modernized room. Marami ng mga estudyante ang naroon sa loob ng kwarto. They all looked different in her eyes—as if they were all expensive. Halatang-halata na mayayaman ang mga ito. Pero sa kabila ng yaman na taglay ng mga ito, she knew they were also equally talented. Hindi lang naman kasi pagiging mayaman ang requirement para makapasok sa school na ito, they must also possess the talent, or else, hindi ka talaga nila ipapasa kahit ikaw pa ang anak ng presidente o ng pinakamayamang tao sa mundo. Kaya nga napaka- blessed niya at isa talagang malaking biyaya ang makapasok at makapag-aral sa eksklusibong paaralang ito. Maya-maya lang ay may babaeng pumasok sa room nila. Nagpakilala itong si Ms. Jacquelyn Uy, ang propesor na magpa-facilitate sa kanila ngayong araw. At gaya ng karaniwang first day class, isa-isa silang pinatayo sa unahan para magpakilala sa lahat. “Hello, everyone. I am Princess Sta. Ana. It’s nice meeting you all,” saad niya nang siya na ang pinatayo at nagpakilala. She only told basic information about herself. For one, wala din naman siyang masasabi. At sigurado din naman siyang wala namang gustong makinig sa sasabihin niya. After all, isa siyang alien dito. Pagkatapos niyang magpakilala, agad siyang bumalik sa pwesto niya at nagsumiksik ulit doon at tahimik na nagmasid. She only came here to learn. It didn’t matter to her if they’d love her or not. Just then, she felt someone watching her. Kaya naman luminga-linga siya at hinanap kung mayroon ngang nagbabantay sa mga kilos niya. And she was greeted by a pair of chinky eyes of a girl who was just sitting beside her. She was wearing an eyeglasses that had almost hidden her face. Pero hindi iyon dahilan para hindi niya mapansin ang ganda ng mga mata nito. The girl also had a long straight brownish hair na bahagyang tumatabing sa mukha nito. But what really caught her attention more was how intently the girl looked at her. Para bang pinag-aaralan nito ang kabuuan niya. She gave the girl an uncomfortable smile and a slight nod. Gumanti naman ng ngiti ang babae sa kanya. “Hi,” bati ng babae. “Did I make you feel uncomfortable?” “Ah… A-ahh… Hindi naman,” naiilang padin na sagot niya. “M-may dumi ba sa mukha ko?” Lalong lumaki ang pagkakangiti ng babae sa kanya. “No. Wala naman… Mayroon lang kasi—I mean, I just found you cute kaya kita tinitignan,” inilahad nito sa kanya ang isang kamay. “By the way, I’m Haylin Zheng. And you are?” “Princess Sta. Ana,” she shook hands with her. “Pero Pri nalang ang itawag mo sa’kin.” “Okay, if that’s what you want Pri,” Haylin nodded. “It’s nice meeting you.” “Well, same here,” saad niya. “Akala ko kasi walang papansin sa’kin dito.” “Huh? Bakit naman?” “Hindi kasi katulad ng mga estudyante dito. Isa lang akong commoner na napadpad dito sa school niyo. Hindi ako mayaman kaya in-assume ko na na walang papansin sa’kin dito. No offense meant sayo, huh?”             “None taken,” nakangiti paring saad nito. “And I can’t blame you if you feel that way. Pero IPSA is also just a normal school. There are brats and crazy rich kids, yes, pero mayroon din namang matitino.” Natawa siya sa sinabi nito. It was refreshing to talk to this girl; she seemed to be different from the brats she encountered a while ago. Hiling lang niya na mas malaki ang porsiyento ng mga katulad ni Haylin dito kaysa sa mga specie ng kulto ni Sarah-the-brat. Nawa ay magtuloy-tuloy na ang magagandang araw niya dito sa IPSA.  --   MAGKASAMA si Pri at Haylin na pumasok sa cafeteria. She didn’t expect to have a company at all here at school. Pero madali niyang nakapalagayan ng loob si Haylin. Wala kasi itong arte sa katawan. She was simple yet pretty—and she acted like she didn’t know she was one. Masarap din itong kausap. She brought herself with such class and eloquence. Madaming tao sa cafeteria at ang lahat ay tila may kanya-kanyang grupong sinasamahan. Agad naman silang naka-order at naka-ukupa ng isang bakanteng table. “Grabe naman ang mahal ng pagkain dito. Makakatagal kaya ako ng pag-aaral dito ng patuloy pa’ding kumakain?” maktol niya na ikinatawa naman ni Haylin. “Buti nalang nagbaon ako,” nakangisi niyang saad habang kinukuha sa backpack ang sandwich na inihanda niya. “Gusto mo? Ang konti naman kasi ng serving nila ng pagkain. Sino ba namang mabubusog diyan?” “People would freak out on you, Pri,” natatawang puna ni Haylin. “Kung may makakarinig sa’yo, magtataka sila. Marami kasi dito ang ayaw kumain ng madami dahil natatakot silang tumaba.” Nagkibit-balikat lang siya. “Haylin, ang pagkain, dapat ini-enjoy lang yan… At isa pa—ay!” natutop niya ang dibdib at naputol siya sa paglilitanya ng biglang dumagundong sa loob ng cafeteria. Nanlaki ang mga nata niya sa tila pagkakagulo ng mga tao roon. “Hala! Anong nangyayari?” kinakabahang tanong niya. Wala namang reaksyon si Haylin nang tignan niya ito. “Ba’t sila nagkakagulo? May lindol ba? Sunog? Ano?!” “Oh my gosh! Nandyan na ang Zenith!” dagundong ng sigaw ng isang babae saka ito nagtatakbo na parang tuwang-tuwa. “Zenith!! Ang mga prince charming ko!!” “Raijin!!!” “Gabyel!!!” “Jairon baby!!” “Gian Carlo…” “Moon, ang pogiii mo!!” Samu’t saring tilian pa ang narinig niya. Na-curious naman siya sa pinagkakaguluhan ng mga tao doon kaya tumuntong siya sa kanyang kinauupuan para lang maka-usyoso sa dinudumog ng mga estudyante doon. “Zenith? Ano ba yon? Artista ba yan?” “Hindi,” sagot ni Haylin. Nakatuntong na’rin ito sa sariling upuan para mapantayan siya. “Pero parang ganoon na’din ang level nila, or maybe more than that.” “Talaga? Ay siomai, ‘kala ko naman kung ano na! Akala ko may kalamidad na. Kung maka-react kasi sila eh,” komento pa niya. “Teka, sino ba yang mga yan?” “Well, masanay ka na. Every school opening, they would cause this commotion, lalo na’t inaabangan sila ng mga frosh,” saad ni Haylin. “Zenith is a band formed by five guys na tinitilian ng mga babae at iniidolo ng mga lalaki. They are students from different art areas, at sikat na sila sa mga larangang iyon kahit mga estudyante palang, but they are also equally talented when it comes to music. They really rock the campus kapag tumutugtog sila,” paliwanag ni Haylin. “But more to that, they are also the richest, the most powerful, and the most influential students here in IPSA. Sila din daw ang pinaka-gwapo dito sa campus,” natatawang nag-quote pa ito sa ere upang i-emphasize ang sinasabi. “Kaya naman ganyan nalang mag-react ang lahat pag sila na ang pinag-uusapan.” “Talaga?” di-makapaniwalang saad niya. Gusto niyang matawa sa pangyayari. “Para kasing sa TV lang ako nakakapanuod ng mga ganitong eksena.” Pero totoo ang lahat ng nakikita niya. Nagkakagulo ang mga tao na para bang may dumating na artista sa campus. At lalo pa siyang nagulat at namangha ng tila mga prinsipeng binigyang daan ng madla ang limang lalaki. They must be really powerful to be treated like this. Lalo tuloy siyang na-curious sa identity ng mga ito. “Teka Haylin, hindi naman siguro requirement dito na kailangan tumitili ka kapag dumadating sila, noh?” “Sira ka talaga,” natatawang sambit ni Haylin. Nagpatuloy lang siya sa pag-oobserba sa nangyayari sa paligid niya. At tila nanlaki ang mga mata niya ng mamasdan niya ng mabuti ang lalaking nangunguna sa mga ito. Para kasing nakita na niya ito. “Parang kilala ko yung lalaking yan, ah,” komento niya. “Well, you must’ve seen him somewhere,” sagot naman ni Haylin. “That’s Moon Archanghel, the drummer of the band. He is a sculpture and ceramic arts student, majoring in pottery, and in his young age, he already had numerous exhibits under his name.” “Drummer…” biglang kumatok sa isipan niya ang bandang pinanuod nila noon ni Camille sa isang kilalang resto-bar. At hindi siya maaring magkamali. Ang lalaking ito nga ang drummer ng bandang iyon. “Akalain mo yun, hindi lang pala sya basta-bastang drummer.” Isa pang pamilyar na pigura ang natanaw niya sa di-kalayuan. Kasunod ito ni Moon sa paglalakad. “That’s Gian Carlo Alonzo,” saad naman ni Haylin bago pa siya makapagtanong. Tinutukoy nito ang lalaking may malaking ngiti sa labi habang kumakaway-kaway pa sa mga naroon. “He is the rhythmic guitarist of the band. Siya ang pinaka-baliw at pinaka-abnoy sa lahat. But oh well, he’s also a culinary arts student. At talagang kilala siya sa larangang iyan.” “Ang layo naman ng art major nila sa pagba-banda. Pero kapag tiningnan mo naman sila, mukha lang silang gwapings na mga lalaki na walang ibang inatupag kundi ang kanilang mga sarili.” “Yeah, right. Sinabi mo pa,” segunda ni Haylin sa sinabi niya. “But well, it’s undeniable that they’re really doing well in both fields they are into. I don’t know how they do it, either. Kahit mukhang walang passion yang mga yan, when they play, mararamdaman mo lahat ng passion na dapat mong maramdaman.” “Wow—“ nasambit niya hindi dahil sa sinabi ni Haylin tungkol sa banda kundi dahil sa lalaking natatanaw niya. Pakiramdam niya ay lumamlam ang mga mata niya sa pagkakatitig dito. At tila bumagal ang pag-inog ng mundo habang naglalakad ito. ‘Ang prince charming ko!!!!’ sigaw ng isang parte ng isipan niya. “That guy coming right next to Gian Carlo—“ “Gabryel,” nasambit niya habang nakatitig pa’din dito. “Yeah, you’re right. He is Gabryel Lopez. Kilala mo siya?” “Ah—uhm, oo. Siya kasi yung nagturo sa’kin kanina ng daan papuntang Fine Arts building,” kinikilig na sagot niya. “Ah, I see… Brye is their lead guitarist. He also plays the piano at times. Well, he plays almost all the musical instruments you could name. He also serves as the leader of the band. Siya kasi ang pinaka-musically inclined sa kanilang lahat dahil he’s a musical arts major.” “Ang talented naman niya,” napatango-tango siya. Kaya pala ganoon na lang kung manginig si Sarah-the-brat sa utos nito kanina. Pang- prince charming talaga ang dating ng isang ito! “Yup. Another talented member is Jairon Aquino,” tukoy nito sa lalaking kasunod ni Gabryel. “Siya ang lead vocalist ng grupo, tama ba?” “Well, he does sing, but he’s the bassist of the band,” maagap na sagot ni Haylin na ikina-kunot naman ng noo niya. Ito kasi ang lead vocals noong napanuod nila dito. “Aside from that, he’s also a photography student. At he’s already making a big name in that industry.” Narinig niyang mas lumakas ang hiyawan ng dumating ang ika-limang miyembro ng grupo. “And last but not the least, si Raijin Domingo, the lead-vocalist,” pagpapakilala ni Haylin sa lalaking naglalakad sa gitna ng mga tao. “He is also a creative writing student. In fact, he is the editor-in-chief of the school’s literary magazine. Pero bukod dyan, siya din ang pinaka-mayaman, pinakasikat, at pinakama-impluwensya sa mga lalaking iyan.” Nanlaki ang mga mata niya ng mapag-sino niya ang lalaking tinutukoy nito. She felt her world turned upside down. Lumakas ang kabog ng puso niya, hindi dahil sa gwapo ito, kundi dahil ang taong ito… Ang taong ito ang nakabungguan niya noon sa bar… Ang lalaking proud na ninakawan niya ng wallet dahil sa sobrang pagkainis niya dito! Pero bukod dyan, siya din ang pinaka-mayaman, pinakasikat, at pinakama-impluwensya sa mga lalaking iyan. Pinakasikat at pinakama-impluwensya sa mga lalaking iyan. Pinakama-impluwensya sa mga lalaking iyan. Anak ng patis naman! Bakit sa dinami-dami ng pwedeng pagtagpuan ng mundo nila, dito pa? Patay ang career niya pag nagkataon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD