CHAPTER 21 JILLIAN's POV: Exactly 9:00 o'clock in the morning when we opened the restaurant. Marami na agad ang pumasok na tila sabik na sabik sa mga luto namin. Masyado talagang patok ang mga pagkain dito pagdating sa tao. Kaya isang oras palang ay nakakapagod na agad. Pero para sa pangarap ay tuloy-tuloy lang dapat at walang sukuan. Sa sobrang dami ng tao, hindi ko na masyadong mamukhaan ang mga nagsisidatingan. Pawis na pawis na rin ako kaya naisipan kong magpalit muna ng damit. "Gia, ikaw na muna bahala sa mga papasok ha?" turan ko sa dalaga na siya namang ikinatango niya. Buti na lang nagdadala ako ng extra shirt para kung sakali na pagpawisan ako, may pampalit na agad ako. Kaso hindi pa nga ako nagtatagal ay bigla agad akong tinawag ni Manager. Kaya yung itsura ko halos