CHAPTER 20 JILLIAN's POV: "ANAK!!!! JUSKO!!! BAKIT HINDI KA MAN LANG SA AMIN TUMATAWAG NG PAPA MO? HINDI BA'T SINABI NAMIN SAYO NA TAWAGAN MO KAMI LAGI?" sigaw ni Mama na halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. Hindi ko lang sila natawagan na dalawang araw ay ganito na agad ang reaksyon ng magulang ko. Ramdam ko talaga yung pagmamahal nila sa akin. "Nay, tay, sorry na. Huwag na kayong magalit. Naging busy lang po talaga ako dahil nag-umpisa na po ang enrollment. At sa lunes na po magsisimula ang klase namin," mahinahon na saad ko sa kabilang linya. "Kahit na, dapat tinitext mo kami ng papa mo. Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisa naming anak tapos kinakalimutan mo na agad kami," wika ni nanay na may pagtatampo. "Pasensya na po talaga, nay. Hindi na po talaga mauulit... Kumusta n