UM-ATTEND sa party si Gavin. Party kung saan ay personal pa siyang inimbitahan ni Mr. Lee Jin Young. Doon pormal na iaanunsiyo ang pagbaba nito sa puwesto bilang president and CEO ng LJY Empire at ang pagpalit naman niya bilang CEO sa naturang kompanya. Hindi pa man nag-uumpisa ang party ay hindi na nawalan ng alak sa tabi ni Jino Lee. Sinadya pa ni Gavin na maupo sa tabi nito. “Ikaw ang anak ni Mr. Lee, right?” wika pa niya rito. Tumango si Jino. “Ang dapat na papalit sa kaniya. Pero malay ko ba na may iba pa palang plano ang tatay kong ‘yon,” anito na napailing-iling pa. “Bakit hindi niya ibinigay sa iyo kung ganoon?” “Maraming kundisyon ang aking ama. Sa ganito rin naman pala mauuwi ang lahat, pinag-aksayahan ko pa ng panahon ang babaeng ‘yon,” marahas itong bumuntong-hininga. Bab