KALAM ng sikmura ang nagpagising kay Ferlyn. Tanghali na. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay hinayon agad niya ng tingin ang gilid niya. Wala roon si Gavin. Napatingin din siya sa kabilang side niya. Wala rin doon si Gavin. Naitaas tuloy niya ang kaniyang kamay na may posas. Napalunok pa siya nang walang makitang posas doon. Kung ganoon, inalis na rin iyon ni Gavin. Ibinaba na niya ang kamay at napatitig sa kisame. Nakagat niya ang ibabang-labi nang maalala ang mainit na tagpo sa pagitan nilang dalawa kaninang umaga. Sandali siyang napapikit. Kabaliwan man pero pakiramdam niya ay nararamdaman pa rin niya ang kargada ni Gavin sa kaniya. Iyon ba ang epekto ng three rounds na love making nila? Sa isang iglap, ayaw man niyang aminin dahil tingin niya ay masyadong mabilis ang lahat,