HINDI pa rin makagalaw sa sobrang pagkabigla si Ferlyn habang tutok ang tingin sa bulto ng lalaking nakaupo patalikod sa kaniya. Kumurap-kurap pa siya at baka namamalik-mata lamang siya ng mga sandaling iyon. Lalo na at nagkaroon na siya ng hinala kung sino ang nagmamay-ari ng katawang iyon. Napalunok siya ng animo slow motion pa iyong lumingon sa kinaroroonan niya. Dumulas tuloy sa kaniyang kamay ang hawak niyang susi sa apartment na iyon. It was Gavin! “Ang tagal mong umuwi,” nakuha pa nitong ireklamo nang tumayo ito at maglakad palapit sa kaniya. Dahil sa pagkabigla pa ring nararamdaman ay hindi pa rin niya magawang makakilos agad. Si Gavin pa mismo ang dumampot sa nahulog niyang susi ng apartment niya sa sahig at ibinalik iyon sa kaniyang kamay. At hindi lang ang presensiya nito